CHAPTER 1
Hanggang ngayon ay hindi pa rin masyadong pumapasok sa isip ko ang pagpayag sa trabahong ibinigay ni James. My decision is very impulsive, but I care less. Wala ng ibang mas importante sa akin ngayon kundi ang magkapera. I am very desperate right now, lalo na at mas nadagdagan na ngayon ang aking mga gastusin dahil sa pagkawala ng scholarship ko.
Few days ago, pumunta ako sa aking dating skwela-han. Gusto ko sanang magpa-reserve para sa nalalapit na pasukan pero laking gulat ko na lang nang sinabihan na ako ng registrar na inalis na pala sa akin ang scholarship na na-apply-an ko noon. I feel so down that time, sobra akong nanlumo to the point na naging desperada na ako para makahanap ng pera.
Mag-isa na lang ako sa buhay. Ulila. Kaya as much as possible, gusto ko talagang makapagtapos ng pag-aaral. Pero kinailangan ko talaga ng iba pang trabaho bukod sa pagbabanda. Alam ko naman kasing hindi magiging sapat ang kinikita ko sa paggi-gig para sa pang-araw araw kong gastusin, kaya kahit papaano ay thankful pa rin ako sa trabahong ibinigay ni James.
"Ano 'yon, Nadine? Anong sadya ni James dito? Ano bang trabaho 'yan at kinailangan mo pang mag-alsa balutan?" Lumabi pa si Yassi na para bang ipinapakita niya talaga sa akin ang kaniyang pagtataka. Hindi ko naman mapigilan ang pagkatuwa sa inasal niya kaya kinagat ko na lang ang aking labi para mag-pigil ng tawa.
"Yass, kalma!" I managed to say as I took a deep sigh. "Ganito kasi iyon... Nag offer sya sa akin ng scholarship sa St. Matthew University kapalit ng pag-aalaga ko sa anak nya."
"What? Oh my God, Nadine! Ang swerte mo naman. Pwede bang ako nalang? Kahit ikaw yung bibigyan ng scholarship makasama ko lang 24/7 si James, okay na ako." Nangigisay na si Yassi sa kilig at wala na akong ibang nagawa kundi ang mapailing sa kakulitan niya.
Itinupi ko na ang panghuling t-shirt at inilagay na ito sa bag na dadalhin ko. I am currently packing my things para sa paglipat ko ng sa bahay ni James. Gusto niya na akong magsimula ngayon dahil paniguradong hinahanap na raw ako ng kaniyang anak.
Hindi ko mapigilang mangamba. I was wondering kung kaya ko bang maging isang ina ng batang hindi naman ako ang lumuwal. Wala pa akong masyadong alam tungkol sa pagiging nanay kaya ngayon ay may kaunting na akong nararamdaman.
Paano kaya ako bilang isang ina? I asked myself as I sighed—- deeply.
"Damn, best friend! You're such a lucky girl. Isipin mo 'yon? Ikaw pa talaga ang napili niyang babysitter sa anak niya!"
Buong akala ko ay tapos na si Yassi sa pagpapamukha sa akin kung gaano ako ka-swerte bilang isang trabahante ni James.
"Naku! Huwag ka ng umasa sa James Reid na iyon, Yass. Ang kapal ng mukha n'un eh. Kala mo naman kung sinong gwapo. Tch. Sayang ka talaga pag sakanya lang din ang bagsak mo."
Hinampas ako ni Yassi dahil sa sinabi ko. Mas mahal nya ata si James kesa sa akin.
"Meanie." Lumabi na naman siyang muli. "Osya, ito na yung bag mo. Bisita ka dito, ah? Saka ireto mo na din ako kay James."