Chapter 19

7.5K 214 16
                                    

CHAPTER 19

Walang gana akong naglalakad sa hallway ng SMU. Ugh, this monday is so stressful. Sobrang inaantok pa talaga ako. Tsk. Kung bakit ba kasi wala akong ibang ginawa nung weekend bukod sa mag-asikaso n'ung susuotin ko sa Ball. Good thing tinulungan ako ni James n'ung maka-uwi siya galing sa hospital. Hay, going to that Acquaintance Ball is not a good idea at all. Frustration lang talaga ang dulot neto.

Patuloy lang ako sa paglalakad sa hallway ng makuha ang atensyon ko ng isang pamilyar na pustora.

"Brad!" I called when I finally realize that it was Joseph who's standing inches away from me.

Lumingon siya sabay nagsalita, "Nadine?" Nag-jog siya papunta sa kinaroroonan ko. "Dito ka na rin pala nag-aaral?"

"Oo, scholarship. Eh ikaw?"

Kinwento sa akin ni Joseph kung bakit siya nakapasok sa SMU, gayong sobrang mahal naman ng tuition fee dito. May nakuha palang scholarship dito ang banda niya kaya siya nakapasok dito. Buti na lang talaga at isang linggo pa ang nakalipas simula n'ung pasukan, dahil kung hindi ay tiyak mahaba-haba rin ang kaniyang dapat habulin sa mga lessons.

"Joseph, dito na ako ah? Kita nalang tayo mamayang recess." I waved my hand at him as a sign of goodbye. Nasa tapat na kasi ako ng classroom.

Pagpasok ko'y agad dumikit sa mukha ng mga kaklase kong babae ang itsura ng pagtataka. Nagtataka siguro sila kung bakit hindi ko kasama ngayon ang 'prince charming' nila.

"Psst, saan na si papa James?" Ang bungad sa akin ni Bryan. Ang atat naman ng baklang 'to! Ni hindi pa nga ako naka-upo ng maayos eh inintriga na agad ako.

"Huwag mo nga siyang tawaging papa dahil hindi mo siya tatay! Baklang 'to," Pabiro ko siyang inirapan, sinuklian niya naman ako kaagad ng batok. "Ouch ha!"

Nagke-kwentohan lang kami ni Bryan hanggang sa dumating na yung P.E teacher namin. Ano ba 'yan, lunes na lunes P.E agad?

"Okay class, today I'm going to group you by two because we have an activity to make." Group pero two? Baka naman by pair, ma'am.

Nag-simula ng maghanap si ma'am ng pares ng bawat isa. Binabase niya ito sa first letter ng surname.

"James Reid and Serene Reid." Pag-anunsyo ng P.E teacher namin. Hindi na rin ako nagulat sa pagpa-partner niya sa akin kay James since parehong pareho naman kami ng surname. Ang nakakalungkot lang ay wala si James at wala akong ka-partner ngayon sa practice.

Speaking of James, hindi siya pumasok dahil binabantayan niya parin ang mommy niya sa hospital. Buti naman at stable na ang condition ng nanay niya

Ilang oras din ang lumipas bago nag-ring ang bell. Hudyat ito na recess time na namin.

I grab my phone out of my pocket when I felt it's vibration.

Joseph Marco:

Recess na! Sabay tayo?

Ako:

Sure. Where are you?

Joseph Marco:

Canteen. Punta ka nalang dito.

That's how Joseph do, hindi gentleman. Nakakaumay nga minsan eh. Nevertheless, hindi naman big deal sa akin 'yon.

I made my way through canteen and instantly searched for Joseph. And then I saw him with his bandmates laughing at the corner.

"Nadine," Pagtawag niya sa akin nang nakita niya ako. "Halika!"

Naka-yuko akong naglakad patungo sa direksyo nila. Bukod sa nahihiya ako sa mga taong nakatingin sa gawi ko'y nahihiya rin ako dahil sa pagtawag niya sa akin ng Nadine. Kilala kasi nila ako bilang Serene at hindi Nadine.

Babysitting James Reid's Child {JaDine}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon