Chapter 2

1.1K 36 0
                                    

Sa isang restaurant nila napiling makipagkita sa kanilang designer at mukhang napa-aga sila ng dating dahil wala pa ito. Kaya naisipan nilang mag-order muna ng pagkain habang hinihintay ito.

" You know,Hon. This designer is a great one. Sobrang in-demand niya and we are so lucky kasi siya ang magdedesign ng mga susuotin natin." Kwento ni Gabbie tungkol sa designer nila.

"Really?"

"Yes" sagot ni Gabbie. "She's really good and I really like the dresses she designed. I assure you magagawa niya ang dream gown ko."

"Dapat lang. Ikaw dapat ang pinakamagandang babae sa araw ng kasal natin. I don't want to hear someone saying your gown is ugly."

"Don't you worry, Sir. I don't also want anyone insulting my designs. " sabi ng isang babae na umupo sa kanilang mesa. "Goodmorning, Ms. Garcia." bati nito saka binigyan ng mapanuksong ngiti si Elmo. "It seems that your fiancee doesn't believe that I am really good." muling tingin ng designer kay Gabbie.

Am I dreaming? Julie Anne San Jose? Is this true? pagkatapos niyang titigan ang designer na sobrang kilala niya ay mabilis niyang iniwas ang kaniyang tingin. Huminga siya ng malalim.

Kailangan kong magpaka-professional sa harap niya.

Huminga muna ulit siya ng malalim bago ialok ang kanyang kamay na tinanggap naman ng huli.

"Oh, I'm sorry if you were offended by what he said. He just want to make sure that my gown would be the prettiest." paliwanag ni Gabbie. "Right, honey?" tanong niya kay Elmo.

"Huh?" tingin niya sa nobya. "Uhm, Yes." sagot niya saka ngumiti na parang walang mali kahit parang gusto ng lumabas ng puso niya dahil sa sobrang bilis ng pagtibok nito.

"Uhm, Have we met before?" tanong ng designer tsaka niya pinagmasdan si Elmo habang nakakunot noo dahil parang namumukhaan niya talaga ito.

" Oh my gosh! ELMO MOSES MAGALONA?" natutuwang tanong nito sa kanya.

"Magkakilala kayo?" tanong ng nagtatakang si Gabbie na nagulat ng banggitin ng designer ang pangalan ng kanyang boyfriend.

"Y-yes." sagot ng namamanghang si Julie dahil hindi siya makapaniwala na nagkita ulit sila pagkatapos ng sampung taon. Tinignan niya si Elmo na naghihintay ng confirmation kung siya nga si Elmo na dati niyang kaibigan or should I say matalik na kaibigan at kaklase noong high school.

"Hello, J-julie."

"Sabi na nga ba,eh!" tuwang-tuwa na sabi ni Julie. "How are you? ang laki na ng pinagbago mo,ah? guwapo ka na ngayon." sabi nito na nagpangiti sa kanya.

"Grabe ka naman. Para namang sinabi mo na pangit ako dati." natatawang sabi niya kahit na sa totoo ay kinakabahan siya.

"So, I guess mas magkakasundo kayo since you know each other very well. Sabi sayo,eh, my dream gown will be perfect dahil bukod sa magaling na designer si Ms. San Jose, eh---"

"Julie na lang po." sabi niya.

"Okay, si Julie ay magkakilala kayo." may biglang naisip si Gabbie at halata ito sa kanyang mukha kaya bago pa ito makapag-isip ng kung ano-ano ay nilinaw na niya ito.

"We're friends." he said "And former classmates." he added.

"Ah..." sabi ni Gabbie na nagpatango-tango at bumaling naman siya kay Julie na di parin naaalis ang ngiti sa mukha. "So, let's talk about my gown."

"Mabuti pa, nga" sang-ayon ni Elmo habang umiiwas pa rin ng tingin kay Julie. But even if he doesn't want to. He needs to meet and talk to Julie for their wedding clothes.

If Love's A CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon