"Uy, Juls, Okay ka lang ba?" tanong ni Frencheska sa bestfriend slash amo niya. Isa si Frencheska sa mga designers sa shop ni Julie.
Hindi niya ito sinagot.
"Alam mo lately napapansin ko palagi ka na lang tulala. Okay ka lang ba talaga?"
"Sinabi ko naman na sayo, di ' ba? Okay lang ako. Ilang beses ko pa ba dapat na ulitin?" medjo inis na sabi ni Julie. Ilang beses na kasi siya nitong tinanong kung okay lang ba siya.
" Kahit sabihin mo ng isang milyong beses na okay ka lang tatanungin pa rin kita. Alam mo kung bakit? Because your mouth says you are okay but your body and eyes says you're not. Julie naman. Di 'ba bestfriends tayo? Wala tayong secrets di ' ba? Sabihin mo na sa akin kung anong nagyayari sa'yo." alalang sabi ni Frencheska. Ilang araw na kasi niya itong nakikitang tulala o kaya naman minsan naririnig niya itong humihikbi sa CR ng shop. "M-may nangyari bang masama sa iyo?"
"Wala!" sigaw ni Julie. " I'm fine! I'm okay!"
"Ang sungit mo. Nagjajapan ka ba ngayon? Red flag?"
"Y-yes. Nakakairita nga, eh. " sabi niya at nag-iwas tingin. Hindi naman kasi totoo ang sinabi niya.
Habang nag-uusap sila ay biglang tumunog ang cellphone ni Julie. Kinuha niya ito at tinignan ang tumatawag. Si Gabbie.
"Uhm... Hello? Yes... Yes... Yes... Okay... Sige, see you."
"Sino 'yon?" usisa ni Frencheska.
"Si Gabbie."
"Ahh. Yung mapapangasawa ng first love mo?"
Tumango lang siya bilang sagot.
"Anong kailangan niya?"
"Imemeet ko sila bukas. Gusto mong sumama?"
"Talaga? Okay lang ba? Oh my gosh. Magkikita ko na rin ang mukha ng first love mo!" masiglang sabi ni Frencheska ngunit inirapan lang siya ni Julie. Kilala na ni Frencheska si Elmo at alam niya rin kung sino ito sa buhay ni Julie dahil naikwento na rin lahat nito pwera lang yung nangyari isang buwan na ang nakakalipas.
.
Kinabukasan nagkita sina Julie at Frencheska sa shop para sabay na silang pumunta sa coffee shop kung saan sila makikipagkita kina Gabbie at Elmo.
Naunang dumating sina Julie kaya umorder na muna sila ng maiinom at nagkwentuhan.
"Juls, maganda ba yung girlfriend ng fl mo?"
"Ha? Anong fl? San mo nakuha 'yan?"
"Fl means firstlove. Nakakatamad kasing sabihin, eh. Naimbento ko lang 'yun." sabi niya tyaka pa siya tumawa. Nakisabay na lang si Julie sa tawa ng kaibigan.
Bigla namang tumunog ang bell sa may pintuan ng coffeeshop. Napatigil sa pagtawa ang magkaibigan at napatingin sa may pintuan.
.
Pagkapasok sa coffee shop ay lalong kinabahan si Elmo. Mula pag-alis niya sa bahay ay kinakabahan na siya at ngayon dumoble pa.Pagkalipas kasi ng isang buwan ay ngayon lang niya muling makikita si Julie. Pagkatapos ng nangyari sa kanilang dalawa.
"Hi, guys!" bati ni Gabbie pagkarating nila sa inuupuan nina Julie. " Kanina pa ba kayo? Sorry, ha? Medjo traffic kasi." sabi niya habang nakikipagbeso.
"Ayy. Hindi naman Ms. Garcia. Halos kararating lang namin. Have a seat" umupo naman ang mga ito sa harapan nila.
"Drop the Ms. Garcia thingy. Napakaformal. Gabbie na lang."