Ang organ ay nag-simula ng tumugtog ng napakalambing na musika na maririnig sa buong simbahan. Nagsitayuan na ang lahat. Ang mga camera ay nakahanda na at ang mga photographers ay nasa kanikaniyang mga pwesto na nila. The wait is over! Ang kasalan ay magaganap na!
Excited na ang lahat sa mangyayari. Nagsimula ng maglakad ang mga ninong at ninang pati na rin si Elmo. Lahat yata ng nasa paligid niya ay masaya pwera lang sa kaniya na mismong groom pa.
Nakatayo na siya sa altar at hinihintay na ang kaniyang bride.
Wala ng atrasan to! Hooo!
Ilang minuto pa ay pumasok na ang bride. Suot-suot ang gown na dinesign ni Julie. Napakaganda nito na nagbigay daan para lalong maipakita rin ang kagandahan ng bride.
Walang mapaglagyan ng tuwa ang mga kamag-anak at magulang ni Gabbie dahil madadagdagan na nang kanilang pamilya. Gwapo na ito at mahal pa niya si Gabbie, noon, nang hindi pa sila nagkita ni Julie.
Umiiling-iling habang tumutulo ang mga luha. Bumuntong hininga so Julie habang pinapanood niyang lumalakad si Gabbie. Walang salita ang makakapaglarawan kung gaano kasakit ang nararamdaman niya. Napakasakit makita ang taong mahal mo na may kasamang iba ngunit mas masakit pala na makita siya na ikakasal sa iba.
Ako na lang. Tayo na lang.
Pinanood pa niya ng ilang sandali ngunit nang makita niyang ngumingiti at mukhang masaya si Elmo ay naisip na nniyuang umalis. Para bang tinutusok ng libu-libong karayom ang kaniyang puso. Sa sandaling iyon ay nakaisip siya ng isang plano. Ang planong sa tingin niya ay makakabuti sa kanilang lahat.
Sa kabilang bada naman, kailangang pilitin ni Elmo na ngumiti para sa pamilya ni Gabbie at mga bisita. At isa pa baka mahalata ng mga ito na malungkot siya mas magiging magulo pa ang lahat.
Siyempre ayaw naman niyang sirain ang mood ni Gabbie. Kitang kita sa mukha nito ang kasiyahan. Ito sana ang pinakamemorable araw para sa kaniya. Kung hindi lang dumating muli sa buhay niya si Julie.
At saka kung magiging malungkot siya edi masisira rin ang mood ni Gabbie? Ayaw naman niyang mangyari yon. Maraming ng ginawa si Gabbie para sa kaniya. Baka pwedi rin namang matutunan niyang mahalin muli ito.
Pagkarating ng bride sa harapan niya ay agad niya itong nginitian at inalalayan papunta sa altar.
" You are the most handsome groom I've ever saw." puri ni Gabbie sa kaniya.
"And you are the most beautiful bride as well."
Ilang sandali pagkatapos makarating sa altar ay nagsimula na ang serimonyas ng kanilang kasal.
"Do you take Elmo Moses Magalona to be your lawful husband, now and forever, until death, do you part?" Tanong ng pari kay Gabbie.
"I do father," sagot niya habang nakangiti na para bang wala ng bukas.
"Say your vows," wika ng
"Elmo..." una niyang sabi habang nakaabang ang singsing sa daliri ng binata. " I won't make it long. There is just one thing that I can promise to you. Choose me and I promise that I will love you forever. To infinity and beyond." Nagbulungan ang mga bisita. Pawang naguguluhan ngunit hindi na lamang binigyan ng pansin ang mga sinabi ng dalaga.
"You Elmo Moses Magalona, do you take Gabbie Garcia to be your lawful wife, 'til death, do you part?"
Gulong- gulo si Elmo. Hindi niya alam kung o- oo ba siya o hihindi. Para bang nawawalan na siya ng hininga dahil sa sitwasyon niyang to.