Chapter 1

1.5K 42 2
                                    

                Nagsimula ng tumugtog ang napakalambing na musika galing sa violin. Sandali pa at nakinig muna sila ng musika pagkatapos nilang kumain at pagkuwa'y tumayo na siya at lumuhod sa harapan ng kanyang nobya.

                " It's been 3 year since we started this story of us and I know you are the only one for me." he said while smiling from ear to ear. Still kneeling. " Please be my wife, my eternity, and I promise you that we will make it to forever" Kinakabahan siya ng sobra. Hindi niya alam kung naiihi ba siya o natatae na dahil sa sobrang kaba.

                "Yes!" his girlfriend said while smiling.

                "Thank you! Thank you" sabi niya habang nagtatatalon pagkatapos ay niyakap niya ito. "Akala ko talaga hindi ka papayag. Hooo!" sabi niya habang sinusuot sa kaniyang nobya ang isang mamahaling diamond ring at naluluha-luha pa ito dahil sa sayang nararamdaman niya.

                Tatlong taon na silang magboyfriend at girlfriend at sa tingin niya ay sapat na iyon para alukin na niya ang girlfriend na si Gabbie. The girl literally changed his life. Nagkakilala sila sa isang party pareho silang walang kasama that night. He saw her drinking sitting at the bar counter. Pinuntahan niya ito at saktong tumayo na ito at akmang maglalakad na palabas ngunit tumuba dahil sa kalasingan. As a gentleman tinulungan niya ito at inalok na ihatid sa bahay, pumayag naman ito. Simula noon ay palagi na silang nagkikita dahil sa mga common friends nila. They hangout then -boom!- nanligaw na siya at naging sila.

                And after 3 years, here they are ready to exchange vow anytime. Iyon nalang talaga ang kulang sa kanila. Pareho naman silang may stable job, mahal rin naman nila ang isa't isa, at gusto rin nilang tumanda ng magkasama.

-

                Pagkauwi ni Elmo sa kanilang bahay ay inaya niya ang kaniyang kuya na magcelebrate at ikinuwento ang lahat ng panyayari.

"Congrats, Bro! You're so lucky to have a girl like her. I'm so happy for you. Let's give it a toast?" sabi ng kaniyang kuya na si Frank habang tinataas ang isang bote ng beer.

                Itinaas rin naman niya ang sa kanya at sinabing " I know. That's why I proposed to her." he said while smiling. "I'm so excited!" he exclaimed. " I want to fullfil her wedding dreams. He wants her to be the most beautiful and happiest bride in the world kaya nga sa makalawa ay aasikasuhin na nila agad ang kanilang kasal.


                He is having a hardtime to sleep. He keeps on thinking of what just happened a while ago. Kahit anong baligtad niya sa kaniyang kama ay hindi pa rin niya mahuli ang kanyang tulog. Hindi niya akalaing magiging successful ang kaniyang proposal. And because of that proposal he can't sleep, just knowing that  in few months Gabbie will soon be Mrs. Gabbie Magalona, his wife.

-

2 Days later...

         Past- ten na ng makarating si Elmo sa condo ng kaniyang nobya para sunduin ito. Pareho silang sobrang excited sa pag-aayos ng kanilang kasal.

        Una silang pumunta sa Lakeshore, Pampanga para magpareserve para sa kanilang wedding venue.Then pumunta naman sila sa St. James the Apostle Parish Church (Betis Church) para magparehistro at pumasok na rin sila para makapagdasal.

        "Salamat." pabulong na sabi niya ng kanyang nobya. Naroon pa rin sila sa simbahan at nagdadasal at nagpapasalamat.

               "I'm the one who should thank you. You changed my life. Thank you for coming." sabi niya habang ngumingiti pagkatapos ay hinalikan niya ito sa noo. " I love you."

        Niyakap siya ng kanyang nobya tsaka naman siya gumanti at muli nilang tinignan ang altar habang nagpapasalamat sa Maykapal para sa mga biyayang dumating.

        Maggagabi na ng makarating sila sa condo nina Gabbie. Pinagbuksan niya ng pinto ang kaniyang nobya at niyakap niya itong muli bago magpaalam.

"By the way, may nakuha na akong desinger and pwede na rin daw natin siyang mameet bukas."

"Okay." sabi niya habang ngumingiti. " So, see you tomorrow?"

"See you, tomorrow." sabay halik sa pisngi niya.

Nang masiguro na niyang nakapasok na ito ng maayos ay umalis na rin siya.

        Malapit na kaming ikasal! Di maiwasan ni Elmo na ngumiti habang iniisip ang bagay na iyon dahil hindi pa rin siya makamove-on sa katunayan na malapit na siyang ikasal sa babaeng mahal niya. It's surreal!

  Pagkatapos niyang maligo at magtoothbrush ay nahiga na siya. Kailangan niyang magpahinga para may lakas siya dahil bukas ay imemeet naman nila ang kanilang designer.

-o-o-o-o-o-

Hi, there! I'm back! :D How are you guys?

-

Feel free to vote and leave your comment. <3


#SpreadTheLOVE

 Love <3 and Kisses :-*

If Love's A CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon