It was dark and cold outside. Everything seems on Julie's side. Lahat ata ng bagay sa paligid niya ay nakikisama sa kalungkutan na nadarama niya.
The cold breeze soflty touches her skin as she watches the stars. It was a cold summer night, indeed. She can't sleep because every time she closes her eyes Elmo's figure while hugging his girlfriend shows up.
It isn't easy to forget the picture of the man you love hugging someone else. She suddenly realized. She is really madly and deeply in love with Elmo but there's but. He can't love her back because he is getting married very soon.
Ang hirap pa lang magkunwari na wala lang sayo yung nakikita mo pero deep inside gusto mo nang sumabog at mag-iiyak.Kung meron lang sana akong kapangyarihan na ibalik ang panahon, hahanap na lang ako ng ibang upuan sa loob ng classroom na iyon o kaya naman ay hindi na ako pumayag na maging kaibigan siya ng gulihin niya ako sa garden habang ako ay nagbabasa . Edi, sana hindi ako nasasaktan ngayon. Kaso napaka imposibleng ibalik ang nakaraan. Napaka imposible. Ang kaya ko na lang gawin ngayon ay ang maghintay kaso hindi ko alam kung may papatunguhan ba ito.
Nang magsawa na siya kakatitig sa mga bituin ay naisipan niyang maglibot muna. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng pagmamaneho niya. Ang alam lang niya ay sinusundan niya ang daan papunta sa ikaliligaya ng kaniyang puso.
.
Sa kabilang banda naman, hindi rin makatulog si Elmo. Paulit-ulit niyang nakikita ang mukha ni Julie na nasasaktan at umiiyak dahil sa kanya.
Nakailang buntong hininga rin si Elmo bago naisipang lumabas at magbike. Huli na ng mapansin niya na nakalabas na pala siya sa village nila. Hindi naman sa shunga shunga siya,ah? Pero kasi malalim lang talaga ang iniisip niya.
Tumigil siya sa tapat ng isang eskwelahan. Ito ang eskwelahan kung saan niya nakilala si Julie at kung saan siya naghighschool. Kung hindi dahil sa eskwalahan na ito hindi niya makikilala ang isang Julie Anne San Jose.
Binati niya ang guard na nakatoka ngayong gabi.
"Hi, Manong!"
"Hello po, sir! Ano pong maipaglilingkod ko?"
"Ah, Manong pwede po bang pumasok? Sandali lang naman ako."
"Ah, sige po, sir. Ingat na lang kayo medjo madilim."
" Okay po, Manong. Thank you." Pagkasabi niya no'n ay pinagbuksan na siya ng guard.
Pagkapasok niya bumungad agad ang napakagandang garden ng eskwelahan. Nagbalik lahat ng mga alaala sa kaniya. Magsimula ng lumipat siya rito hanggang sa maggraduate siya. Napangiti na lang siya habang inaalala ang nakaraan.
Naglakadlakad pa siya ng kaunti sa garden ng may maaninag siyang tao na nakasandal sa isang puno. Natakot naman siya bigla. Sino bang hindi di'ba? Gabi na at sino namang katulad niya ang tatambay sa eskwelahan.
Lumapit siya ng kaunti para kumpirmahin kung tao nga ba ito. Ngunit hindi sapat ang layo niya kaya tuluyan na niyang linapitan ito. Nanlaki ang mga mata niya ng makalapit na siya.
"Julie?!" Sigaw niya.
Napabalikwas naman si Julie. Hindi nito namalayan na may kasama na pala siya dahil nakapikit siya at nagpapahinga.
"Oh, Elmo? A-anong ginagawa mo rito?"
"Napadaan lang ako tapos naisipan kong pumasok. Teka, dapat ako ang nagtatanong sa iyo niyan,eh. Anong ginagawa mo rito? Kababaeng tao mo nandito ka at gabing-gabi na." Tanong niya na parang pinapagalitan ang anak niyang babae.
