Chapter 9

820 34 2
                                    

Tinitigan ni Elmo ang napakagandang mukha ni Julie. Iniisip kung tama ba na hinayaan niyang may mangyari ulit sa kanila. Oo, tama, may nangyari nga sa kanila. Hindi naman sa pinagsisihan niya pero ng umalis siya sa kanila ay ang tanging pakay lang niya ay alisin na sa buhay niya si Julie. Pero tignan mo nga naman, may nangyari pa sa kanila.



Habang pinagmamasdan niya ang mukha ng dalaga ay sinimulan niyang hawakan ang bawat parte ng mukha nito. Tinatandaan niya ang bawat sulok nito dahil baka hindi na niya ito makita muli. Nag-umpisa sa noo, sa mata, ilong at ang huli ay ang mga labi nito.



"I love you, Julie. " bulong ng binata. " I'm sorry for all the pain that I've given to you. I didn't mean to hurt you. I swear." nagsisimula ng tumulo ang mga luha ng binata. "I really do love you but I love her too. And I think leaving you is the best thing I could do. For her, for you, for us" tinitigan niya pa ito ng ilang minuto bago tumayo at nagbihis.



"I love you, Julie. " hinalikan niya ito sa labi. "You will always be a part of me. Goodbye." binigyan niya muna ito ng huling tingin bago tuluyang umalis.

Mahirap at masakit man pero ito ang kailangan niyang gawin. Kung ayaw umalis ni Julie sa buhay niya, siya na lang ang aalis. Siya na lang ang mang-iiwan.



Mabigat ang loob niya na lisanin ang bahay ng dalaga na hindi man lang nagpapaalam. Baka kasi kung magpaalam pa siya ay lalo siyang mahihirapan. Sa isip niya, mas mabuti na iyon kesa sa marinig ng dalaga ang pamamaalam niya. Lalo lang itong masasaktan.

.



Pagkalabas na pagkalabas ni Elmo ay humagulgol si Julie. Lingid sa kaalaman ng binata nakagising si Julie at nakapikit lamang dahil ninanamnam niya ang bawat oras na magkatabi at magkasama sila ng binata. Hindi niya naman akalain na maririnig niya ang lahat ng sinabi ng binata.

Iyak lang siya ng iyak hanggang sa maisipan niyang tawagan ang kaniyang bestfriend.



"H-hello?"



"S-sino to?" sagot ng nasa kabilang linya na halatang kakagising pa lamang.



"M-maq"



"Oh, Juls, napatawag ka? Dis oras na ng gabi at nambubulabog ka pa."



"M-maq." tuluyan ng humagulgol si Julie.

"Juls, okay ka lang ba? Anong nangyari sayo? Nasaan ka?" alalang tanong nito.



"Ba- hay" umiiyak pa rin ito.



"Wait mo lang ako, Juls, ha? Jan ka lang. Wag gumawa ng kahit anong masama. I'll be there. Sandali lang." just by that she hunged up.



Habang hinihintay si Maqui ay naligo muna siya para naman kahit kaunti ay mahimasmasan at matigil sa kaiiyak.

Ilang minuto lang siyang namalagi sa banyo. Lalo lang niyang naiisip ang mga nangyari. Nagbihis siya at humiga sa kama niya. Tinitigan ang ceiling at unti-unti na namang tumulo ang mga luha niya.



Narinig niyang may nagdoorbell ngunit hindi na siya nag-abala pang buksan ang pinto ng bahay niya. Alam naman niyang may sparekey ang kaibigan. Nanatili lang siyang nakahiga hanggang sa marinig na niya ang katok at sigaw ni Maqui.



"Jul, nanjan ka ba?" pinaikot nito ang doorknob at ng hindi mabuksan ay kumatok na. "Juls, buksan mo 'tong pinto. "

Dahil naiingayan na rin ay tumayo na siya at pinagbiksan ng pinto ang kaibigan.

"Juls, anong nagyari sayo? Napano ka?" hinawakan nito ang mukha ng dalaga. "Ba't ganyan itsura mo?"

"M-maq..." iyak niya tsaka niya inakap ang kaibigan.



If Love's A CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon