Today is the day. Ang araw ng dinner niya with his fiancée and its family. He's freaking nervous even though he already met them many times.
Naglalakad na sila ngayon papasok ng napakalaking bahay na napapalibutan ng mga bulalak at ilaw.
"I'm nervous, hun"
"Hindi nga halata, eh. " biro ni Gabbie sa kanya. Pinagpapawisan na kasi Elmo at idagdag mo pa na namumutla ito.
"Obvious na obvious bang kinakabahan ako?"
"Yes." tumawa nanaman ito. "Don't worry. Nandito lang naman ako." she gently touched Elmo's hand. "I'm here." then she kissed his hand. And that made Elmo calm.
Tuluyan na nga silang pumasok sa bahay. Hindi na sila sinalubong ng mga magulang ni Gabbie dahil hindi naman na siya bago. Naghintay na lang ang mga ito sa dining table.
" Hi, Hijo. " tumayo ang nanay ni Gabbie tapos ay bineso si Elmo.
"Hello po, tito and tita. Goodevening po." bati ni Elmo sa mag-asawa.
"Goodevening din sa iyo, Hijo. Gumagwapo ka yata?" sabi ng tatay ni Gabbie pagkatapos ay nakipagmanly hug kay Elmo.
"Syempre po kailangan magpapogi para hindi ho ako maiwan sa kagandahan ng anak niyo." biro ni Elmo na ikinatawa naman nilang lahat.
"Bolero ka talaga." sabi ng kaniyang nobya at napapalo pa ito sa balikat niya.
"Upo na kayo para makakain na tayo." sabi ng nanay ni Gabbie.
Pagka-upo nila ay nag-umpisa na silang kumain. Hindi masyadong nagsasalita si Elmo dahil parang nao-out of place siya sa kwentuhan ng Pamilya ni Gabbie.
"Hijo, okay ka lang ba? " tanong ng nanay ni Gabbie.
"Y-yes po. I'm fine po." ngumiti pa siya para hindi halatang nao-op na siya.
"So, anong feeling na malapit na kayong ikasal ng anak namin?"
"Sobrang saya po and blessed."
"Dapat lang nak. Ikakasal ka yata sa nag-iisang anak namin. Pero masayang masaya rin kami na ikakasal na kayo ni Gabbie. Di niyo lang alam pero mas excited kami sa inyo." sabi ng nanay ni Gabbie.
"Oo nga, Hijo. Sobrang masaya kami. Pero sana pagkakasal niyo magka-apo na kami, ha?" tanong ng tatay niya.
"Dad!"
"Aba siyempre dapat magka-apo kami agad,anak."
"Dad, nakakahiya."
"Elmo, ishoot mo agad,ha."
"O-opo." tumawa na lang siya ng habang tumatango.
Halos dalawang oras tumagal ang dinner nila. Pakiramdam tuloy ni Elmo ay nagliliyab na ang kaniyang pwet. Pero ayos lang dahil mga magulang naman iyon ng kaniyang mapapangasawa.
Palabas na sila ngayon sa bahay ng kaniyang nobya.
"Ingat sa pagdadrive, hun,ha? Pakakasalan pa kita." sabi ng kaniyang nobya.
"Yes naman. Thank you nga pala ulit. Pakisabi na rin kina tito at tita."
"Okay,okay. Know what? I will do anything for you. Anything. I love you. I love you so much."
"I love you too." sabi niya pero hindi niya alam kung taos ba iyon sa puso niya o nasabi lang niya iyon dahil nasanay na siya.
"Bye,hun." kumaway ang kaniyang nobya pagkatapos ay sumakay na siya sa kaniyang sasakyan.
Habang nagdadrive ay naisip na niya naman si Julie. Malapit na siya sa kanila ng may tumawag sa kaniya. Si Julie.
"Hello?"
"Julie? Ikaw ba 'to?"
"Uhm, hindi po. Isa po akong bartender sa *** bar. Si ma'am po. Yung may ari po nitong phone, nakatulog na po siya sa kalasingan. Pwede niyo po ba siyang sunduin?"
"Ah, uhm, sige. Paki bantayan mo muna siya. Huwag mong hahayaan na may lumapit sa kaniya."
"Okay po, sige."
Pagkababa ng phone ay agad naman niyang pinaharurot ang sasakyan niya papunta sa bar. Pagkarating agad niyang hinanap si Julie. Hindi naman siya nahirapan dahil nasa barcounter lang naman ito.
"Pre" tawag niya sa bartender. "Iuuwi ko na 'to ha?"
"Ah, sige po, sir. Sorry po sa abala. Nasa speed dial po kasi niya kayo."
"Di, okay lang. Thank you nga pala. Sige, iuuwi ko na siya." paalam niya.
.
"Hayy, Julie. Ba't kaba kasi naglasing?" sabi niya pagkadala niya kay Julie sa loob ng kotse.
Inuwi na niya si Julie. Pero pagkarating niya sa bahay nito, nakalock ang pinto kaya hinanap niya muna ito sa bag nito. Pagkaraan ng ilang minuto nahanap na rin niya ito. Pumasok na nga siya at dinala na niya ito sa kwarto nito.
Kumuha na siya ng bimpo at tubig para punasan ito at mabasan ang lagkit niya sa katawan. Habang pinupunasan ang katawan nito ay umungol ito pagkatapos ay unti-unting bumukas ang mga mata nito.
"E-elmo?"
"Yes, ako nga. At ano naman ang pumasok sa isip mo at naglasing ka?"
Tinignan lang siya ni Julie pagkatapos ay umupo ito mulasa pagkakahiga niya. Ngumiti pa ito ng nakakaloko na parang may gagawin itong masama.
At sa hindi malamang dahilan, namula si Elmo.
"O-ops. You're blushing." loko sa kaniya ni Julie at tumawa pa ito.
Hindi alam ni Elmo kung bakit pero parang nalalasing rin siya dahil sa amo'y ng alak na nanggagaling sa katawan ni Julie.
"A-ah, mainit kasi." umakto pa siya na naiinitan.
"Pansin ko nga." sabi ni Julie na parang nang-aakit ang boses. Her bedroom voice. She even smiled seductively. And whether he'll admit or not, he liked it.
Linapit ni Julie ang mukha niya sa mukha ni Elmo. Napalunok naman ang binata dahil sa ginagawa ng dalaga. Hindi na siya halos makahinga dahil sobrang lapit nila at halos wala ng space. Nararamdaman na niya ang init ng kaniang mga katawan.
Gusto na niyang bumigay ngunit biglang sumigaw ang kaniyang utak.
Elmo pigilan mo ang sarili mo! Malapit ka ng ikasal!
Sobrang lapit na ng kanilang mga labi. Halos isang inch na lang ay maglalapat na ang kanilang labi ngunit umiwas si Elmo. Pero hindi pa man nagtatagal ay pinalupot ni Julie ang kaniyang mga kamay sa ulo niya at hinablot nito ang ulo ni Elmo na naging dahilan para maglapat ang kanilang mga labi. Unti-unting ginalaw ni Julie ang labi niya. Bumigay rin si Elmo. Sumagot na siya sa mga halik ng dalaga.
Ilang sandali lang ay bumalik sa kaniyang wisyo si Elmo at humiwalay.
At parang gusto na niyang bumigay pero hindi pwede, sigaw niya sa kanyang utak.
Tinitgan lang siya ni Julie at unti-unti na namang linalapit ang kaniyang mukha.
"Stop it." sigaw ni Elmo.
-+-+
Hi there, fellas!
Comment lang kayo kung gusto niyong magpadedicate. :D
BTW, Sorry for the wrong grammars and spellings.
Adios!
-Feel free to vote and leave your comment.
#SpreadTheLOVE
