"Stop it!" sigaw ni Elmo.
Tatayo na sana siya ng muling hatakin siya ni Julie na naging dahilan para matumba siya at pumaibabaw sa dalaga.
"Ano ba!" patayo na sana siya ng bigla siyang yakapin ni Julie. Pinagpalit pa nito ang kanilang pwesto. Nasa ibabaw na ngayon si Julie.
"Elmo" bulong ng dalaga. Ang boses nito ay unti-unting pinalalambot ang puso ni Elmo. "I miss you, Elmo. I miss your face." hinawakan niya ang mukha nito. "I miss your scent." inamoy siya nito. "I miss the whole you." tinitigan siya nito. "Hindi mo ba ako namiss, Elmo?" tanong nito.
"J-julie..." nababaliw na siya sa sensasyong nararamdaman niya. Hinahalikan kasi ni Julie ang kaniyang leeg.
"Hindi mo ba talaga ako namiss, Elmo? Araw, gabi ikaw ang laman ng isip ko magsimula ng magkita ulit tayo. Di na nga ako halos makatulog." nagsimula ulit itong halikan ang leeg ni Elmo.
"Stop, Julie. This is wrong."
"But, I know you want it too."
"Ikakasal na ako!"
Napatayo si Julie. "What the!?" sigaw nito.
"I'm sorry." tumayo na rin ito. "I'm leaving." paalam nito sa dalaga. Pagkalabas niya sa kwarto ay sumandal siya sa pinto at hinawakan ang kaniyang dibdib. Sobrang bilis ng pintig ng puso niya. Aminin niya man o hindi nagustohan niya ang kaniyang narinig. Tuluyan na nga niyang nilisan ang bahay ng kaniyang kaibigan. Nalilito pero kahit papaano ay masaya siya.
Nakarating na siya sa bahay nila pero litong-lito pa rin. Pagkapasok niya sa bahay nila dumiretso siya sa kusina para makainom ng tubig. Naroroon ang kaniyang kuya, si Frank. Nakaupo ito doon habang umiinom ng kaunting alak.
"Oh, bro. Kararating mo lang? Ba't parang may problema ka? May nangyari ba sa dinner mo with Gabbie's family?"
Ikukwento na sana niya sa kuya ngunit nagdalawang isip siya. Bandang huli ay napag-isip-isip niyang huwag ng sabihin sa kaniyang nakakatandang kapatid.
"A-ahm. W-wala naman. Actually, it's fun." ngumiti siya at uminom. "Sige, Maliligo lang muna ako. Goodnight, bro." tumango lang ang kaniyang kuya.
Pagkarating sa kwarto ay agad na siyang pumunta sa banyo. Hinayaan niyang dumaloy sa kaniyang katawan ang malamig na tubig. Oo, inaamin niya nagustuhan niya rin ang nangyari kanina. Naramdaman niya rin ang init at buti na lang ay napigilan niya ang sarili kundi ay baka may mangyaring hindi inaasahan.
.
Mag-iisang linggo na ang nakalipas ng mangyari ang insidenteng iyon. At mag-iisang linggo na ring walang contact si Elmo sa kanilang designer. Sumama pa ang loob niya nang malaman niyang si Gabbie na lang ang kinokontak nito.
"Hon, nag-away ba kayo ni Julie?" tanong ni Gabbie habang naglalunch sila.
Nagulat naman siya at napalunok ng ilang beses.
"Uhm, yeah. Nagkatampuhan lang. May di kasi kami mapagkasunduan no'ng minsan."
"Ow. Gano'n ba? You know what? You should go and visit her. Ihatid mo na lang ako sa Starbucks pagkatapos natin dito. Makikipagmeet kasi ako sa mga friends ko para bigyan sila ng mga invitations."
Tututol sana siya pero hindi niya magawa dahil baka magtaka ang girlfriend niya. Gusto rin naman niyang makita si Julie para makapag-usap sila ng masinsinan. Pagkatapos nilang maglunch ay hinatid na niya si Gabbie pagkatapos ay dumiretso na siya sa bahay ni Julie.
Pagkadoorbell niya ay agad naman siyang pinagbuksan ng dalaga.
"Goodafternoon." ngiti niya pero halata naman at mapapansin mo ang awkwardness.