"Juliebabe, hindi magsasalita yang invitation kung tititigan mo. You know." Bungad ni Frencheska pagkapasok na pagkapasok niya sa kwarto ng kaniyang kaibigan. Nadatnan niya kasi ito na parang malalim ang iniisip habang nakatitig sa invitation na hawak.
" Frenchfries, hindi ko naman tinititigan yung invitation,eh. Binabasa ko."
" Lokohin mo lelang mo Julie Anne."
"Totoo naman,eh." Pilit niya kay Frencheska habang kinakamot ang ilong niya.
"Sigurado ka?" tanong naman ni Frencheska. Binigyan niya pa ng matalim na tingin si Julie.
Tumango ang dalaga. Linapitan siya ni Frencheska.
"Juliebabe, may kapangyarihan ka ba?"
Umiling ang dalaga. "Bakit?"
"Sabi mo kasi nagbabasa ka,eh. Pero yang binabasa mo ay nakasara at isa pa baligtad yang hawak mong invitation. Yung totoo, may super powers ka na ba?"
Tinignan naman ni Julie ang hawak niya. Totoo naman ang sinabi ni Frencheska. Nakasara nga ito at baligtad pa.
"Ah-eh..."
"Alam mo, wala tayong mapapala sa kaka a-e-i-o-u mo jan. Ang mabuti pa ay tumayo kana jan at maligo. Dadaluhan mo yan at siyempe kasama mo ako. "
Ngunit hindi kumibo si Julie bagkos ay humiga pa ito sa kama niya.
"Ayaw mong tumayo jan?"
Umiling ito.
"Ah, ganon?" Pumunta siya sa banyo at kumuha ng isang tabong tubig. Pagkatapos ay tinapon kay Julie.
"What the?! Frencheska Farr!"
"Ayaw mong tumayo jan,eh. Papaliguan sana kita. So, ngayon maliligo ka na ba o gusto mo paliguan pa kita jan?" Nakangiting sabi nito.
"Oo na, oo na. Maliligo na." Sabi niya ng nakataas ang dalawang kamay habang lumalakad papunta sa banyo.
"Maliligo din pala. Gusto pang mabasa ng tubig." Bulong ni Frencheska.
"Hoy, narinig ko yon! Humanda ka talaga sakin paglabas ko!" Sigaw niya.
Ilang minuto rin nagtagal si Julie sa banyo. Pinagpili na rin siya ni Frencheska ng susuotin at ngayon magbibihis na siya.
"Lumabas ka muna."
"Wag na. Sa banyo ka na lang magbihis. Bilisan mo malayu-layo rin yung pupuntahan natin. Wag ka ng mag-inarte jan. "
Sumunod na lang si Julie sa kaibigan. Tama naman ito dahil medjo malayo nga ang pupuntahan nila. Pagkalabas niya ay inayos niya ang sarili. Naglagay ng light make up at lipstick. Nang matapos linock na nila ang bahay at umalis na.
.
The wait is over. Dumating na rin ang araw na pinakahihintay ni Gabbie. Sobrang excited na ito sa kanilang kasal ngunit kabaligtaran naman ang nararamdaman ni Elmo. Sobrang kinakabahan siya.
Lahat ay handang-handa na. Ang venue, simbahan, ang mga bisita, at kahit si Gabbie, siya na lang yata ang hindi.
Nagbibihis siya ngayon sa isang private suite sa isang hotel malapit sa simbahan kung saan sila ikakasal.
Pupunta kaya si Julie? Hindi siguro. At kung darating man siya, siguradong masasaktan lang siya. Hindi naman pwedeng umatras ako. Wala akong magagawa. Ito ang tama. Ito ang tama sa mga mata ng tao.
Naiiyak na so Elmo ng may biglang pumasok. Agad naman niyang inayos ang sarili.
"O, ma." Bungad ni Elmo.