Nakahiga ngayon si Elmo at pabalibaligtad sa kama. Hindi siya makatulog dahil sa pag-iisip sa muling pagkikita nila ni Julie. Sobrang nalilito siya sa mga nangyayari. Sa isang iglap parang bumalik lahat ng mga nararamdaman niya para rito.
Friends? More than friends? Lovers? Or More than friends but less than lovers?
Waaaaaah! Ano ba itong nararamdaman ko? Di ito pwede. Malapit na akong ikasal! Suway niya sa sarili at pinilit na matulog. Kailangan niyang maghanda para sa muling pagkikita nila ng dati niyang kaibigan. Natatakot siya na baka hindi na niya mapigilan ang sarili na sabihin ang naramdaman niya na dapat ay noon pa niya sinabi. Akala niya ay nakamove on na siya dati. Pero parang bumalik siya sa pagiging highschooler na agad naiinlove . Sobrang nalilito na siya sa mga nangyayari. Sinisikap niya na pigilan ang sarili dahil pag-aari na siya ng iba at ayaw niyang saktan ang kaniyang nobya.
Ang tanong,eh, kaya ba niyang pigilan ang kaniyang sarili sapagkat ang gaya ni Julie Anne San Jose na napakaganda ay napakahirap tanggihan.
Dahil na rin sa pagod sa kakaisip ay nakatulog na siya ng tuluyan.
Almost 10 o'clock ng magising siya and sobrang late na siya sa meeting niya with Julie. Ngayon sila pipili ng designs ng mga gown and suits na susuotin nila at ng mga iba pang magiging parte ng kasal. At kung maglaro nga naman ang tadhana ay siya lang ang mag-isang makikipagmeet kay Julie dahil may out of town appointment ang kaniyang nobya. Dapat talaga ay kasama ang nobya niyang si Gabbie pero nakatadhana yata talagang silang dalawa lang ang magkasama.
"You're late. As always." sabi ni Julie pagkadating na pagkadating niya sa Coffee shop.
"S-sorry."
"Forget it. Let's start."
Pagkaupo niya ay agad pinakita ni Julie ang mga suits na dinesigns niya. Halos lahat ng mga ito ay magaganda.
"I like this one" sabi niya tsaka pinatingin kay Julie. "
"Okay. Uhm... Wala ka bang gustong ipabago or what?"
"Wala naman. I thinks it's perfect." sabi niya tsaka pa ngumiti.
"Okay, then para sa mga abay naman."
"Can you please choose nalang for me?"
"Ha? Ah-eh." nag-aalangan niyang tinignan si Elmo.
"Sige na, please?" sabi niya saka pa nagpuppy eyes.
Bumuntong hininga naman si Julie. "Okay,fine."
Tinignan ni Julie ang sarili niyang mga gawa. Sobrang nahihirapan siya sa pagpili dahil bukod sa siya ang gumawa ay napakagaganda talaga ng mga ito.
Pagkaraan ng ilang mga minuto ay nakapili na rin siya.
"Here, look at this." pinakita kay Elmo ang design.
Ang gaganda ng mga ginawa niya. Ang galing niya. Sobrang ganda.
Sa isip isip ni Elmo habang tumatango.
"How 'bout this one?" turo nito sa isa na namang design.
"I think this is perfect." ngumiti pa ito ng napaka tamis.
Pagkatapos iligpit ni Julie ang kaniyang mga gamit ay pumunta naman sila sa shop ni Julie para magpasukat si Elmo. Pagkatapos masukatan si Elmo nagbilin na lang si Julie sa kanyang mga staffs na darating nalang ang iba pang mga susukatan na magiging parte ng kasal.
The wedding is too private. Tanging ang mga kamag-anak lang nila on both sides ang pupunta at mangilan-ngilan na mga kaibigan.
Nagkatinginan si Julie at Elmo nang makalabas na sila ng shop.
"Thank you for accompanying me today." sabi ng binata.
"It's my job kaya wala kang dapat ipagpasalamat. Pero kung talagang thankful ka bat di mo nalang ako ilibre ng lunch? Tutal wala naman na akong gagawin and para makapagkwentuhan na rin tayo. Na-miss kasi kita ng sobra."
Namula naman ang tenga ni Elmo sa huling sinabi ni Julie. Hindi niya alam bakit pero kahit simpleng salita or hi lang ni Julie ay may epekto sa kaniya. At nagpapasalanat siya na hindi iyon napapansin ni Julie.
"S-sige." Sagot niya at sinamahan ng ngiti na labas ang mga ngipin.
Sa isang malapit na restaurant lang sila kumain. At dahil pareho silang gutom ay hindi muna sila nag-usap hanggang sa maubos na nila ang kanilang pagkain.
"Whooo! Grabe, busog na busog ako." sabi ni Julie habang hinihimas-himas pa ang kaniyang tiyan. Then suddenly bigla siyang napadighay. "Ooops, sorry." ngumiti ito ng humihingi ng paumanhin tsaka pa ito nagpeace sign. Humalakhak naman silang pareho.
"Halatang busog na busog ka,ah"
"Yeah. And that is all because of you. Thank you, Babs."
Natigilan naman silang pareho sa sinabi ng dalaga.
Parang tumigil ang mundo ni Elmo simula ng marinig niya ang mga salitang narinig niya mula sa dating kaklase. Natulala siya ng sobra dahil sobrang tagal na simula ng marinig niya ang mga salitang iyon.
"Hey!" she snapped her finger infront of Elmo. "Are you, okay?"
Nabalik naman sa mundo si Elmo at napatingin kay Julie. Nagtama ang kanilang mga mata. Pakiramdam niya sila lang ang tao sa mundo. Nakalimutan na niya ang mga tao sa paligid.
"Hey!" she snapped her finger again. "Are you okay?"
-+-+
BTW, Sorry for the wrong grammars and spellings.
Adios!
-
Feel free to vote and leave your comment.
#SpreadTheLOVE
Love & Kisses