Charlot POV
Nandito kami ngayon tapat ng bahay nila aisley nakasakay sa van nila faye, ang iingay nga nilang tatlo ni allan , vejey at aisley my Love :) hihi! Dyok ! sila roselyn , hartzel at shiela naman Natutulog. Si faye naman sa Harapan nakaupo nagtetext ata, lilipat nalang daw sya mamaya..pag paalis na, si allan nalang daw uupo dun, gusto rin kasing makatabi ni faye si vejey. pero habang di pa umaalis nagdadaldalan pa rin sila , Kaya ako lang magisa dito na gising sa back sit. Walang kausap. Pero malapit na rin talagang mapupudpud ung daliri ko kakadial sa number ni emid (demi) ! Asan na ba kasi un? Usapan 3:30 nandito na , mag 4 na ee. "Si demi ba tska si cyrus sasama?"-allan.
"Di ko nga alam ee. Tinatawagan ko si demi , di nya sinasagot? Si cy naman di rin"sabi ko.
"Si cyrus daw hindi makakasama , nagtext ngaun ngaun lang. Wala kayong natanggap?"-faye.
"Wait , alam ko may nagtext sakin kanina ee...hmmmm..oo nagtext nga sya."habang nagsscroll down sya sa cp nya. "Sakin din , pero si demi ?"-vejey.
"Tatawagan ko uli." Sabi ko at dinial ko , tatlong ring palang may sumagot na.
"Hello? Char? Nakaalis naba kayo?"-demi
"Hindi pa , ikaw nalang hinihintay? Dalian mo" sabi ko.
"S..ge.." Bat parang ang tamlay nya?
"Okey ka lang emid?"-sabi ko.
"Okey lang. Papunta na ko dyan. Late lang ng gising."-emid.
"Sge , dalian mu ah. Bye !"at binaba kona.
"She's coming :)" sabi ko.Mayamaya pa ay dumating na si demi , nagtaka kami kasi nakayuko sya. Pag angat nya . maga ung mata nya.
"Bakit maga ung mata mo?"-faye
"Wala lang to. Di lang nakatulog ng maaus."sabi nya at parang tinitingnan nya ung loob ng van.
"Wala sya. Di daw sasama"-sabi na ni aisley.
"Ahh. Ganoon ba? Hnd naman sya ung hinahanap ko ee. Si roselyn"palusot pa more,
"Ay ? Sinabi ko bang hinahanap mo?"sabi ni aisley. At nagsiupuan na kami , ganito ung sitting arrangement namin. Si allan sa harap.Demi-ako-aisley. Sa likod namin sina
Hartzel-shiela-roselyn tapos nasa pinaka likod sina faye tska vejey. Tapos ung driver, driver nila faye.
Ilang minuto naman , umandar na rin ung van. So ung iba natutulog na. Si demi , tulog na tulog sya. Bakit kaya namaga ung mata nya? May problema kaya sila ni cyrus? Lagot sakin yang si cy nayan ! Grrr! Hanggang sa makatulog na rin ako .
SomeOne POV
nagising ako dahil sa radio ni manong driver. Un nalang kasi ung nagsasalita.
Tiningnan ko naman ung mga kasama ko. At tulog na tulog sila. Sge Lang matulog kayo ng mahimbing , dahil alam kung ilang gabi din kayong walang tulog nyan :)
Si demi , nakita ko ung mata nya , maga talaga. Haha ! Yan na ang simula ng paghihirap mu. :) ihuhuli kita.
Ito namang sina allan at roselyn , ayaw pang magaminan , ee. Halata na kaya sila. Baka magsisi kayo na di kayo nag-aminan.
Si charlot naman nahahalata kong may gusto sya kay aisley.
Itong mga tulog naman ns to akala mu malaanghel ang mukha , alam ko namang may ugali kayong plastic ee, mga sinungaling pa ! Hindi kayo makakaligtas sa bangungot na to. Hahaha !
Shiela POV
Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Ang sakit sa mata ! Hmmm .. Nasan na ba kami. Tiningnan ko naman silang lahat tulog na tulog pa. Except kay hartzel , gising na sya pero hindi nya ata ako napansin na gising na. May hinahalungkat sya sa bag nya, di ko alam kung ano kasi nakatalikod sya nasa left nya kasi ung bag kaya parang nakatalikod sya sakin. Kaya tiningnan ko kung ano hinahalungkat nya.
"Ay! Bakit kaba nang gugulat shiela?"pati sa pananalita nya ang simple parin.Pati nga pagtawa nya e. Tawag namin sa kanya , ang makabagong maria clara.
"Hindi kita ginulat , busy ka lang boy kaya hindi muko napansin? Ano ba yan ha?"tanong ko.
"Nothing shiela,di na importante"sabi nya. Ganoon ? Hinayaan ko nalang siya. Ilang oras na ba kami bumabyahe?
"Manong ilang oras na po ba tayong nagbabyahe?"tanong ko sa driver.
"Mga 3hrs. Na po mam. Malapit na malapit na po."sagot nung driver . napatango nalang ako. Maya maya pa nandito na kami sa tapat ng resthouse nila faye?
"Gising na kayo. Nandito na daw tayo"Demi POV
"Gising na kayo. Nandito na daw tayo"-shiela. Mahinhin sya pero grabe makagising... Nagising na din silang lahat.Napatingin naman ako sa resthouse na katapat namin halos kami nakatingin sa resthouse.
"Faye , sure kaba na ito ung resthouse nyo?"tanong ni allan , halata sa mukha nya ung takot?
"Oo , si manong na nga ung nagdala satin dito ee."sabi ni faye na nakangiti."ahh. Manong pwede na po kayong umuwi sainyo. Salam-----" "huh ? Ano uuwi na sya ? Pano tayo uuwi? Tska manong pwede po ba akong sumabay sa pag uwi? Ayoko na palang magbakasyon"sabi ni allan sa driver. "Ay sir , taga dito rin po kasi ako ee. Gusto ko pong dalawin pamilya ko", sagot nung driver.
"Pare , ang kj mo ? Lalaki kaba ha? Malaki lng ung bahay pero wala namang nakakatakot dyan. Nandito naman na tau ee"sabi ni aisley. Aba ! Matapang :) nkita ko naman si charlot na nakangiti. Proud ata? Haha ! Ito na kami papasok sa resthouse. At kanya kanya kaming bitbit ng mga gamit namin.Naiisip ko naman si cyrus , bakit hindi sya sumama ? Siguro nahihiya sya sakin dahil dun ? Aba dapat lang ako ung sinaktan nya ee. Kaya ba sya ilang araw ng cold ? Kasi may babae sya?! Shit! Ayoko ng isipin . naluluha ako. Pumunta ako dito para magbakasyon. At thankful ako kasi wala sya. Makakahinga ako!
"Natatakot lang ako baka irape ako ng multo!" As usual ! Si allan parin , yabang talaga. "Walang multo dyan! Malaki lang talaga yan, dyan ako lumaki. Pero sa sobrang laki hindi ko na rin kabisado yang loob nyan. Kaya wag kayong magiikot sa loob huh? Marami kasing pasikot sikot yan."sagot ni faye.
Nasa loob na kami at si allan, parang takot parin . Masyado naman kasing malaki ung resthouse nila. Sobarang laki , madami sguro kwarto dito. Ganito kasi yan , sa labas ng resthouse makikita mo talagang masyado ng luma , Di ata napapalitan ng pintura sobrang dumi na. Para tuloy haunted. Sa loob naman sobrang ganda. Malinis. pumupunta daw kasi dito once a week ung nagbabantay at naglilinis daw. Ewan lang daw ni faye kong natatapos nun sa sobrang laki. Kahapon daw tumawag si faye sa nagbabantay na pupunta kami kaya ata malinis kasi naglinis. Ung mga gamit dito makaluma na. Hindi pa daw nabubuhay ung daddy nya nakatayo na daw to . hanggang 3rd floor daw to. Parang mall. "tska , dati daw ito daw ang pinakamagandang resthouse dito sa lugar namin. Un ang sabi ng daddy."sabi pa ni faye. "Ee anyari ngayon?"-si roselyn ? Nagulat kami kasi nagsalita sya. Minsan lang kasi yan magsalita ee.
"Ewan ko kasi , 7 years old ako nung umalis na kami dito. Natatandaan ko lang may kalaro ako dito na anak ng katulong namin dati."sagot ni faye.Nagsiupuan naman kami , at may dumating na 4 na babae. 1 matanda , 3 na parang dalaga pa . i think katulong ? Kasi naka uniform sila ee.
"Ay manang , mga friends ko po. Si demi , charlot , hartzel , shiela , roselyn , aisley , vejey , and allan."pagpapakilala nya.
"Hello po." Sabi namin. "Wala po bang multo dito?" Tanong ni allan . hayt . di parin sya nakaka move on sa multo!
"Wala naman iho." Tska tumawa. "Guys, sila ung magaasikaso satin every morning , 5am to 10am lang sila dito. Pag ka 11 uuwi na sila sa bahay nila."sabi ni faye. Tumango tango naman kami. "Sge po manang , salamat po. See you around :)"sabi ni paye
"Sge nak, maghahanda narin kami ng almusal nyo".At umalis na ung apat na katulong. Nagkanya kanya naman kami ng upo."Gusto nyo bang magkanya kanyang kwarto?" Tanong ni faye samin.
"Ay wag nalang paye, sama sama nalang ung girls sa isang kwarto tapos ung boys sa kabilang kwarto? Para 2 kwarto lang lilinisin ng maid nyo" Suggest ni charlot.
"Ay 2 tao lang kasi ang kasya sa bed ng isang kwarto ee?"sagot ni faye?
"Ay ganoon? Edi by pair nalang ? Ano?" Sabi ni aisley.
"Edi sge , pili nakayo ng makakasama nyo. Basta ako si vejey my loves na ang kasama ko."nagpacute naman si paye kay vejey."Ito ung pairs and room nyo guys. Kami ni vejey , dito sa unahang room" sabi ni faye habang tinuturo ung unang kwarto. Dito lang kasi kami sa first floor na mga kwarto , ayaw namin sa taas. Ayaw nila mag akyat baba. "Si demi ,roselyn and charlot sa katabing kwarto namin" tinuro nya ung katabimg kwarto. pahilera kasi ung kwarto. "Sa tabi naman nila char, sina allan and aisley, sa tabi na kwrto sina hartzel and shiela. Okey na?" Nagsipuntahan naman kami sa kwarto namin.
~~~~~
Tingin nyo ? Sino ang killer?
Vote and comment guys ,
Para sipagin ako :)
Thank you.
BINABASA MO ANG
RESTHOUSE
Mystery / ThrillerSasama kaba sa Trip ng barkada? kung alam mung may kasama kayong killer Na uubos sainyo! Tara na , at alamin kung sino sa barkada ang killer,. (A.N: vote and comment :) need ko po un para ganahan ako! tsaka please comment kayo kung okey Lang o bad...