Ella's POV:
Matapos naming mag usap ni Venice. Umalis na ako. I don't exactly know what's going on in her mind, right now.
Kailangan ko ring magpahinga.
And that leads me to where am I right now.
It's currently 1:24 AM. Nasa harap ako ng bahay ni Lola. I'm not expecting her to remember me, but she hugged me after opening the gate. Surprisingly, she remembers me.
Sobrang nagtaka siya kung bakit bigla akong napunta sa bahay niya. Hindi niya naman din alam kung bakit ako nandito. And that's how I ended up telling her all.
"Kaya napunta ka dito? I didn't even know you still remember me, apo." medyo naluluha siya.
"Syempre la, hindi naman kita nakalimutan." I said.
"Asus. Kunwari pa, You had amnesia. Hindi naman ako masasaktan kung nakalimutan mo ako." sagot niya pa.
There was a minute of silence bago ako muling nagsalita.
"Ah.. la? Pwede bang... Dito na muna ako? Kahit tatlong araw lang?" I asked, looking at her.
"Of course. Tagal na rin kitang hindi nakasama. You have a lot to tell me." Huling sabi niya bago naglakad palabas na agad ko ding sinundan.
Nagulat ako dahil ang malaki nilang bahay ay may mas ikakalaki pa pala. May garden pa pala sa likod ng bahay. Halatang alagang alaga ang mga bulaklak at tanim dahil maganda ang tubo neto.
Naupo kami sa may maliit na upuan at lamesa sa gitna.
"Dali, kwento na." Sabi niya habang iniikot ikot yung kutsara sa baso niya.
"magsimula ka sa boyfriend mo."
Bigla naman akong napaubo sa sinabi neto.
"P-po? ah.. wala po. Wala po akong boyfriend." Di ko naman aakalaing mapapakamot nalang ako sa batok ko.
"Talagang pinush mo yung crush mong babae, noh?" Dugtong pa nito at naubo ako ulit.
"No need to be shy. Kilala kita. We may have been away from each other for years, hindi ka naman nagkulang ng pagkwento sakin. Naaalala mo ba nung grade school ka pa lang? You had your first crush despite being at an all girls school." tumawa si Lola.
Tsk. Harot.
"Kumusta naman? Did it went well?" tanong neto.
Umiling ako. And I saw her frown.
"Nakalimutan ko siya, la. Huli na nung maalala ko yung lahat." I said. Not looking at her.
"Hmmm. Isa ba siya dun sa mga naging kaibigan mo?" She asked. I nodded.
"Bakit di mo suyuin? Hindi pa naman ata huli ang lahat. Maiintindihan ka naman siguro nun?" Lola Gia said.
"Hindi pwede la, eh. May hadlang pa." I said bago uminom sa basong may laman na kape.
"What do you mean? May iba kana?" Lola Gia asked.
"Physically, Oo. But it wasn't serious, La. Planado ang lahat. Kailangan, kase tinutulungan ko sila ng pamilya nila. We need to have a connection para patuloy na lumago ang aming sari-sariling kumpanya." I lied. Kahit ang totoo was that I didn't have the choice to decide.
"Edi itigil mo. Kung nasasakal na, di na masaya, pilit nalang lahat. Then we see no other reason but to stop." casual na sagot neto.
Sana nga ganun kadali. I already tried more then three times to stop all of this madness, pero di ko magawa. She had me wrapped around her finger and she knows it.
BINABASA MO ANG
THE THEORY OF US | [CHAPTER 86-109(ᴇᴘɪʟᴏɢᴜᴇ)] | SaTzu x DahMo x MiChaeng
FanficThis will be THE THEORY OF US Chapter 86- 109[Epilogue] It is because my 1st account was hacked and I can't open it anymore. Kaya dito ko nalang po ipapagpatuloy... ❇️Part 1[Full]: https://www.wattpad.com/story/161411433?utm_source=android&utm_med...