Ella's POV:
"Please keep on supporting us for the last 2 weeks. Once again we are the Top Bop Entertainment Trainees, thank you for watching today's episode!!" sabay sabay na sabi ng mga trainees, it's a wrap for today's episode.
"CUT! Thank you everyone!" sigaw nung director at tumayo na lahat ng trainees at naglakad na papasok sa mga rooms nila.
The day went fine, games, activities, may mga kulitan, new friendships at may konting harutan. Pero syempre di ako kasali nyan, behave tayo dahil staff.
Tatayo na sana ako para tumulong sa media sa pagligpit ng may umakbay saken.
"San ba lakad mo?" - Dwayne.
"Tutulong lang sana sa media, muhkang andami nilang liligpitin and they worked really hard. Napansin kong andami nilang kinunan." sagot ko, he nodded at tumayo na ako para tumulong. Sumama na rin siya dahil wala daw siyang magawa.
"Saang room ka ba? Di kita nakita kanina e, mabuti nga't naabutan kita dito." simula niya habang nagliligpit ng wires.
"Kasama ako nila Leah... Pwede naman siguro yun diba?? Or hindi?" I asked, not really sure. Muhkang ako lang ata yung staff na may tropang trainees.
"Hindi, pero wag kang mag-alala. Wala namang issue dito e. Parang alam na din naman ng mga kasama naten, nakita ka muna nila bilang trainee bago naging staff. So, hindi malabong may connection ka sa ibang trainees." sagot niya, voice sounding sure. At somehow na-assure ako don.
Hindi ko alam anong nakain ko at bigla akong nagka-ideya na magtanong sa kung ano ako nuon bago ako naka-limot.
"Dwayne, paano ba buhay ko nuon? Nuong hindi pa ako naka-limot. Yung tanda ko pa lahat." I said, he sighed and sat down bago nagsimula.
"Ano bang gusto mong marinig?" sabi nya.
"How am I as a friend? Madami ba akong kaibigan?" I asked, finishing the wire I am fixing.
Naupo ako at nagsimula siyang magkwento.
"As a friend, maharot ka, palabiro, pero very caring. Caring ka lalong lalo na sa mga close mo. And you have a lot of friends, yun nga lang, mostly ng mga nakilala mo sa buong highschool, acquaintances lang. Silang Lima at ako lang talaga yung napagsasabihan mo ng sekreto." He said.
"Luh, anong mga sekreto?" Nagtataka kong tanong.
Tumayo siya at hinawakan yung kamay ko, hinayaan ko nalang siyang dalhin ako kung saan man.
Ng mapansin kong nasa may garden kami, sa may tulay tapos may konting pond sa ilalim, napatigil ako dahil namangha ako sa nakita.
"Ang ganda pala dito pag gabi. Mabuti nalang pinakita mo saken." I said, kinuha ko yung phone ko to take some photos, pinapanuod niya lang ako, we took photos too at ng matapos nagkwento siya ulit.
"Marami ka ng naikwento sa akin, from your first crush, first gala ng di nagpapaalam, first pagsisinungaling, almost all of your firsts." kwento ni Dwayne.
"Nandun ka ba sa lahat ng firsts ko?" I asked out of curiosity.
"Hmmm di naman sa lahat. Pero kahit na busy tayong dalawa sa kanya kanyang studies, sadyang di lang natin nakakalimutan na magkwento sa isa't isa." sagot niya and I just nodded.
Natahimik kami ng ilang minuto bago siya muling magsalita.
"Alam kong di na dapat ibalik to kase matagal ng tapos, pero I think you need to know about this..." sabi niya, di ko alam pero bigla akong kinabahan.
"It was February 14, 8 PM, sa garden ng school natin... I confessed." simula niya, napalingon ako sa kanya.
"Confessed to who?? Kilala ko ba?" I asked.
*flashback*
3rd Person POV:
"Ella, pwede bang magkita tayo sa garden mamaya? may sasabihin lang, importante." - Dwayne.
"Oo naman, sige kita tayo dun." -Ella
~
Malapit ng mag alas 8 ng gabi at nandun na silang dalawa, tahimik lang na nakaupo sa may mga upuan habang nagkwekwentuhan. Biglang naalala ni Ella yung 'importanteng sasabihin' ni Dwayne.
"Huy dwayne, may sasabihin ka diba?" Nagtatakang tanong niya.
"Ah.. tungkol dun... Wag nalang muna." sagot ni Dwayne, pain evident in his voice ngunit parang di ata yun napansin ni Ella.
"Grabe naman ih, Curious na Curious nako dito oh." sabi ni Ella habang ginagalaw galaw pa yung kamay ni Dwayne.
"Hays, sige na nga." Napabuntong hininga nalang si Dwayne, alam nyang imposibleng magiging masaya siya sa magiging resulta, pero mas imposibleng maitatago niya pa.
"Matagal na kitang gusto, Ella." pikit matang sabi ni Dwayne.
Hindi alam ni Ella kung paano siya magrereact. Masyadong nakakagulat, unexpected.
"Dwayne..." sabi ni Ella.
Ngunit bago pa man ito nakapag-salita, pinigilan na siya ni Dwayne.
"Hindi, okay lang. Alam kong hindi mo masusuklian yung pagmamahal ko. Alam kong hanggang kaibigan lang, pero talagang di ko na kayang itago pa." sagot niya, hindi niya namalayang naiiyak na silang dalawa.
Walang nasagot si Ella at agad nalang itong niyakap si Dwayne.
"S-Sorry, bakit p-pa kase ako." umiiyak na salita ni Ella, wala naring nasabi si Dwayne at sinamantala salang yung oras na magkayakap sila.
Matapos ang halos isang oras na iyakan lang ang nangyare, humiwalay na sila sa yakap ng isa't isa.
"Sana di magbago yung pagkakaibigan natin... Sana di ka mailang-" -Dwayne.
"Kung yan ang iniisip mo, walang magbabago, best friends pa rin tayo. Naiintindihan ko naman yung nararamdaman mo... Sadyang di ko lang kayang suklian." Ella cutted her off. Masakit man sa parte ni Dwayne napangiti nalang din sya.
"Salamat, Ella. Salamat sa pag-intindi. Hinding hindi ko sasayangin to." hindi alam ni Dwayne kung ano yung tunay na rason ng pag-iyak niya.
Kung masaya ba dahil kahit di sila parehas ng nararamdaman, nandyan pa rin sila para sa isa't isa... O kung dahil hindi nga sila parehas ng nararamdaman.
Pwede naman sigurong both.
"Sino ba yang crush mo? All smiles ka pa naman kanina habang on going yung program." Tanong ni Dwayne, nandyan pa rin yung sakit, pero wala naman siyang ibang magagawa kundi hayaan nalang ito hanggang sa mawala na.
"Someone... Sinabi ko sa kanya yung tunay kong nararamdaman, and sabi niya, mutual lang daw. " dahan dahan na sagot ni Ella, lowkey observing Dwayne's Eyes.
Nakikita ni Ella na kahit pa nakangiti ito, sobrang lungkot nung mga mata niya.
"Ahh, sana lahat talaga." Komento ni Dwayne which made Ella Frown.
"Sorry na kasi... Nandito pa rin naman ako ih. Ako pa rin to, and I will always respect your feelings kahit di ko masuklian." Malungkot na sabi ni Ella bago hinawakan yung kamay ni Dwayne.
"Biro lang... Pero if ever sasaktan ka nun, akin ka nalang ha?" -Dwayne.
"Sige na nga mapilit ka e." -Ella.
Parehas silang nasasaktan ngayon, yung isa, dahil hindi nasuklian ng pagmamahal, at yung isa naman, dahil hindi nya masuklian yung pagmamahal na ibinibigay sa kanya.
But despite that, nanatili silang nakangiti that night. Both just forgetting about what happened a while ago.
*end of flashback*
••••••••••••••••••••
-TaeJinKook257
BINABASA MO ANG
THE THEORY OF US | [CHAPTER 86-109(ᴇᴘɪʟᴏɢᴜᴇ)] | SaTzu x DahMo x MiChaeng
FanfictionThis will be THE THEORY OF US Chapter 86- 109[Epilogue] It is because my 1st account was hacked and I can't open it anymore. Kaya dito ko nalang po ipapagpatuloy... ❇️Part 1[Full]: https://www.wattpad.com/story/161411433?utm_source=android&utm_med...