Ella's POV:
"Yes po, mabilis lang naman. Bibili lang ako ng mga kailangan ko tas bili nalang din ako ng makakain natin." I said over the phone.
[Dalian mo ha, baka mamaya abutin ka na naman ng tatlong oras jan.]
"Ay grabe, desisyon ka Ms. Davis? HAHAHAHAHAHA"
[Che!! Dali na!]
"Okay po, bye.."
[I love you!]
"...."
[Titinidurin talaga kita pag uwi mo..]
"Joke lang! I love you too!"
Binaba ko na yung phone ko bago lumabas sa kotse. Nasa mall ako ngayon para mamili ng mga kailangan ko at para na din makabili ng pagkain namin, bibisita silang dalawa Andrew sa bahay.
Pag pasok ko ng mall para akong bumalik sa pagkabata. Nakalimutan ko na hitsura ng mall dito, matagal tagal na din akong hindi na kaka-alis ng mag-isa dahil busy sa schedules.
"Uy, magugustuhan ni Ethan to..." I said to myself as I saw a simple black shirt na may konting print.
Naisipan kong bilhan nalang din siya ng bagong damit, binilhan ko na din si Andrew. Daig pa nun si Ethan kung mag tampo, akala mo ako yung kapatid.
May nakita akong blue t-shirt na maganda, nilapitan ko ito at nung nahawakan ko na may ibang kamay na pumatong sa kamay ko.
'aba gago to ah?'
I looked up to see a guy na naka jacket, cap, mask and shades... okay?
"Ay, sorry po." I quickly removed my hand before looking away.
"No. It's okay..." Familiar yung boses?
Tinanggal niya yung shades at mask niya at tsaka ko pa lang nakilala.
"Kuya Leon???" I asked, medyo gulat.
"The one and only!" Tawa niya. Natawa narin ako, niyakap niya ako ng mabilisan bago nagsalita.
"Kumusta ka na? Tagal na din huling kita natin!" Kuya Leon said.
"Eto, okay lang naman kuya. Ikaw ba? Anong ginagawa mo dito?"
"Ah wala naman, naglibot libot lang ako. Wala din magawa sa bahay eh. Ikaw ba?" Nag simula na kaming maglakad lakad.
"Bibili lang ako ng shirt para kay Ethan at Andrew, Tsaka makakain din namin.." I said and he just nodded.
"Oh? Yung tshirt ba? Kukunin mo? Sayo nalang yun." Sabi neto bago ako muling tinulak pabalik sa kung saan nakalagay ang blue shirt.
"Talaga? Baka mamaya awayin mo'ko ah." I joked.
"Aysus! Makakabili pa akong mas maganda jan!" Sagot niya bago kami natawa.
Sinamahan niya akong pumila, at habang nakapila kami medyo napapansin na kami ng ibang mga nakapaligid sa amin. May mga nagbubulungan, nagtatanungan at may kumukuha pa ng litrato.
I suddenly felt... weird.
"Uy, wag kang kabahan. Hayaan mo lang sila, nandito naman si Kuya." Kuya Leon whispered and I just nodded. Siguro napansin niyang medyo naging off ako.
Nung time ko na para magbayad may biglang lumapit na lalake samin.
"Hello po, kayo po ba si Ella?"
Naramdaman kong medyo hinila ako ni Kuya Leon.
"O-Opo." I answered as quiet as I could.
"Hala, OMG!! Pwede po bang magpapicture?" Tanong niya habang pinapakita yung cellphone niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/255277248-288-k654343.jpg)
BINABASA MO ANG
THE THEORY OF US | [CHAPTER 86-109(ᴇᴘɪʟᴏɢᴜᴇ)] | SaTzu x DahMo x MiChaeng
FanficThis will be THE THEORY OF US Chapter 86- 109[Epilogue] It is because my 1st account was hacked and I can't open it anymore. Kaya dito ko nalang po ipapagpatuloy... ❇️Part 1[Full]: https://www.wattpad.com/story/161411433?utm_source=android&utm_med...