103

27 6 0
                                    

Nicole's POV:

Nasa hotel na kaming lahat, Yung iba nag uunahan sa shower, may mga kumakain din, at yung iba naghahanda na para matulog.

"Nakaka- tiring naman to~" Reklamong tugon ni Daim. Kakalabas lang sa shower.

"Agree ako dyan. Pero mas nangingibabaw yung excitement at kaba saken." Tumawa si Kayleigh.

Natawa din kami ni Thea. Yun naman talaga yung mas lamang.

"Galingan lang talaga natin mamaya, Kaya naman natin yon." Salita ni Thea, nakahiga na sa kama.

"Dapat kalmahan lang natin, we should pour out our energy pero dapat cautious parin tayo sa bawat gagawin o sasabihin natin. Dapat din, isipin natin na dapat di lang tayo yung mag enjoy, pati din yung mga susuporta satin." Sagot ko, they nodded in agreement.

"Grabe ang bilis ng panahon no? Parang kahapon lang halos wala na tayong tulog at pahinga sa sunod sunod na pag eensayo natin. Tas Ngayon, mag co-concert na tayo." Kayleigh sighed.

"Oo nga, Parang hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na mamaya na yung concert natin... Parang kahapon lang, pinapaginipan ko lang." Gatong naman ni Daim.

"You've come so far guys, proud ako sa inyo." Medyo nagulat ako ng biglang magsalita si Raisa. Nakalabas na pala siya sa Banyo.

Nagkaroon pa nang konting chikahan, at nang makaramdam na nang antok, nagsitulog na.

I laid down and faced the ceiling.

Sobrang kinakabahan ako, yet also very excited.

Inalala kong muli yung bawat choreo at lyrics. Wala lang, gusto ko lang.

I sighed before finally closing my eyes and I drifted to dreamland.

••••••••••••••••••••

Princess' POV:

I woke up to the sound of a lot of people chattering.

"... Yun na nga eh, Last minute na tayong nasabihan."

"Paano po yung fans?"

"The fans are updated. Tulad natin, they are also very frustrated. But good thing, naiintindihan nila ang sitwasyon."

I opened my eyes at una kong nakita si Althea.

I stopped myself from smiling, she looked at me and I looked away.

"Anong nangyayari?" I asked casually as I sat up the bed.

"Yung concert natin, Canceled." She sighed and it took me off guard.

"Yes. You heard it right. Canceled. Last minute." Pag ulit ng manager namin.

"Sir? Paano yung venue? fans?" I asked, feeling worried.

Medyo na disappoint din ako dahil ilang taon ko na 'tong hinintay, Tapos maka-cancel pa last minute. Bad trip.

"Again, the fans are informed. Naiintindihan nila and tulad natin, they are very disappointed." Our manager said.

"So kelan po magaganap yung concert?" Kayla asked.

"Fully booked ang venue this month, so siguro, mamo-move siya next month din. We'll try to get an earlier date para agad makabawi sa fans." Sagot ni Manager habang busy na nagta-type sa phone.

"Okay lang naman po samin kung next month pa. At least we'll have more time to prepare, kaso ano po ba yung pwede naming gawin para makabawi din sa fans aside sa earlier date nang con?" Tanong ni Raisa.

THE THEORY OF US | [CHAPTER 86-109(ᴇᴘɪʟᴏɢᴜᴇ)] | SaTzu x DahMo x MiChaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon