Chapter Eight
'Today is another beautiful day. Good morning, Asterea Rain.'
Maaga akong nagising ngayon. Kaya inayos ko ang tinulugan ko at pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis lang ako ng komportableng damit. Ang ganda ng gising ko ngayon, kaya napagdesisyunan kong magluto ng agahan ngayon.
Bumaba ako at pumuntang kusina. Nagsaing muna ako sa rice cooker. Hinanda ko ang mga ingredients at ang mga gagamitin ko. Magluluto ako ng sunny side up. While cooking, I hummed a little. Magaan ang pakiramdam ko ngayong araw. Pagkatapos kong maluto, inayos ko ang mesa. Naghain ako para sa sarili ko at nagtimpla ng gatas. Nakasanayan ko na'ng magtimpla ng gatas. Sinimulan ko ng kumain nang masimulan ko na ang araw na ito.
Pagkatapos kong kumain, niligpit ko ang kinainan ko at hinugasan iyon. Kalaunan, natapos ako sa paghugas ng pinggan at sinimulang maglinis ng buong bahay. Inuna ko ang nasa taas, sa mga kwarto, pababa sa salas at kusina.
'Sa wakas, natapos agad' ani ko sa sarili pagkatapos kong maglinis ng buong bahay. Bago ako umakyat sa taas, sinigurado ko munang naka-lock ang mga pinto.
Umakyat na ako sa taas para makapag-relax. Pagkaakyat ko sa taas, agad kong hinanap ang paborito kong aklat at lumabas sa terasa ng kwarto.
I sat on a hammock outside the terrace and began opening my book. While reading, I pick up my phone and turn on the music. This is the type of day that I like, a peaceful day with myself.
Sa gitna ng pagbabasa ko, may narinig among isang pamilyar na boses, "Mahilig ka talaga sa libro 'no." ani ng isang baritonong boses.
"Ba't nandito ka? Paano ka nakarating rito?" sunod-sunod kong tanong kay Vrylle at pinatay muna ang music,
"Hey, pwede isa-isa lang." aniya, "So, paano ka nakarating rito sa taas?" tanong ko habang nakatitig sa kaniya,
"Nag-doorbell ako kanina pero walang bumukas," panimula niya, "Akala ko, umalis ka pero nakita kita sa terrace, kaya umakyat ako." aniya.
"Umakyat ka?" Bakas sa mukha ko ang pagkagulat, "Yup," sagot niya, "Pasensya ka na, Hindi kita napagbuksan. Nahirapan ka pa sa pag-akyat papunta rito." paghingi ko ng tawad.
"It's okay, gusto ko rin namang akyatin ang tore, makita ko lang ang aking Rapunzel." after he said that, my heart beats quicker than usual, "Heh, 'ayan ka na naman sa matamis mong dila. Wala ka na bang mapagtripan at ako ang pinili mo. Sinasabi ko na sa'yo, hindi 'yan uubra." palusot ko, pero sa kaloob-looban ko, kinikilig ako.
"Hindi naman kita pinagtitripan ah," sagot niya naman, "tsaka ikaw lang naman ang pinakaunang babae sa labas ng pamilya ko na nagparamdam sa akin ng ganito sa buong buhay ko." madamdamin niya turan habang nakatingin sa akin. My heart is going to melt at what he said.
"Heh, 'wag kang magbiro nang gan'yan, 'wag ako. Sa gwapo mong 'yan, sigurado akong marami ka nang pinaiyak na babae. Maraming---"
"Totoo ang mga sinabi ko," putol niya sa mga sinabi ko. Umiwas nalang ako ng tingin at binalik ko nalang ang sarili sa pagbabasa.
"Talagang ang hilig mong mabasa 'no." putol niya sa katahikang namayani kani-kanina lang, "Hindi ba halata? Kaya nga hindi kita napagbuksan kanina." sagot ko naman.
Tumango naman siya at nagtanong ulit, "Ba't ba ang hilig mong magbasa? Hindi ka ba tinatamad magbasa?"
"Wala lang, ba't naman ako tatamaring magbasa? Sanay na akong mag-isa at tanging libro lang ang kasama." mahabang lintaya ko,
BINABASA MO ANG
Till The Summer Ends
RandomShe met an unexpected man in an unexpected place and time... Sa maikling panahon na nagkasama sila, mas lumalim ang kanilang samahan. Parang panaginip lang ang lahat, pero ang mga panahon na 'yun ay unti-unti nang natatapos. They'll be back to real...