Chapter Fourteen
Alas-sais na ng gabi nang magising ako. Bumangon ako at hinanap ang charger ko para i-charge ang phone ko. Nang mahanap ko ang charger ko ay ichinarge ko na ang cellphone ko. Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya naisipan kong pumunta sa kusina para tingnan kung ano'ng pwede lutuin.
Pagkarating ko ng kusina, tiningnan ko ang laman ng ref. Nadismaya naman ako nang makitang wala itong laman. Umakyat muna ako sa taas para kumuha ng pera. Bibili nalang ako nang luto na. Bukas na kasi ang byahe ko papuntang New York.
Lumabas muna ako para bumili ng pagkain. Pagkalabas ko, naramdaman kong may sumusunod sa'kin. Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot.
'Ano'ng gagawin ko?'
Binagalan ko ang paglalakad para kompirmahin kung may nakasunod ba talaga sa akin. Baka kulang lang ako sa pahinga kaya kung ano-ano nalang ang naiisip ng malikot kong utak. Tumigil ako sa paglalakad, nilingon ko ang nasa likuran. Paglingon ko, tumigil rin siya sa paglalakad at nagkunwaring may kausap sa cellphone.
'Confirmed... May sumusunod nga sa akin. Ano ba talaga ang kailangan nila sa'kin?'
Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako naglakad muli. Hindi ko pinahalata na nabatid ko na – may sumusunod sa'kin...
Kalmado akong sumuot sa mataong lugar para linlangin at maiwala siya sa landas ko. Mabuti nalang at alam ko ang pasikot-sikot sa lugar na'to kaya madali ko siyang naiwala. Napahinga ako nang maluwag dahil hindi na niya ako nasundan pang muli.
'Salamat at natakasan ko siya. 'Kala niya siguro tanga ako, pwes nagkakamali sila. Ulila lang ako, hindi bobo...'
Nagmadali akong umuwi pagkatapos kong bumili. Nakikiramdam muna ako sa paligid baka may nakasunod na naman sa'kin. Palingon-lingon ako sa paligid. Mabuti nalang at wala nang umaaligid sa paligid kaya makakauwi narin ako kaagad.
Pagkauwi ko, nagpunta muna ako sa kusina. Nagmadali akong kumain at hinugasan ang pinagkainan bago ako umakyat sa taas. Plano kong umalis agad ngayong gabi.
Inimpake ko ang mga gamit ko. Sa hotel nalang ako magpapalipas ng gabi bago ako tumungo papuntang New York.
'Hindi dapat ako magtagal rito. Paniguradong babalik na naman rito ang taong 'yun...'
Nasa hotel na ako ngayon. Mabuti nalang at hindi nila ako naabutan. Nahiga lang ako sa kama nitong kwarto na binayaran ko. Panay ang tingin ko sa cellphone ko kung dapat ko bang tawagan sina Ninang at Ninong o hindi.
'Bakit ba nila ako hinahabol? Ano ba'ng naging kasalanan ng mga magulang ko noon? Ano'ng kailangan nila sa akin?'
Tiningnan ko ang cellphone ko at napagdesisyunan kong tanggalin ang sim card ko. Alam nila ang number ko kaya papalitan ko nalang ang sim ko para hindi na nila ako mako-contact pang muli. Itinapon ko ang sim ko sa basurahan at nahiga ulit.
'Mom, Dad, ano'ng nangyayari sa'kin ngayon? Ano'ng ginawa ni'yo noon? May alam kaya sina Ninong at Ninang sa mga ginawa ninyo?'
BINABASA MO ANG
Till The Summer Ends
RandomShe met an unexpected man in an unexpected place and time... Sa maikling panahon na nagkasama sila, mas lumalim ang kanilang samahan. Parang panaginip lang ang lahat, pero ang mga panahon na 'yun ay unti-unti nang natatapos. They'll be back to real...