19: Jealous

8 1 0
                                    

Chapter Nineteen

Nasa labas na ako ng bar at naghahanap ng masasakyan. Sa totoo lang, naiinis talaga ako sa sarili ko.

Ba't pa kasi ako pumayag na pumunta rito? Aish, nakakainis!!!

May taxi na vacant pa. Papara na sana ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Asterea," Ani ng isang boses na kahit kailan, hindi ko makakalimutan.

Ano na naman ang kailangan ng lalaking 'to?

Nilingon ko naman kaagad ang pinanggalingan ng boses. At hindi nga ako nagkamali, siya nga ang nagmamay-ari ng boses.

"Bakit?" Pinilit kong hindi maging pait ang kinalalabasan ng pagsambit ko niyon.

"Iniiwasan mo na ba ako?" Inosenteng tanong niya. Bigla naman akong natigilan sa mga sinabi niya.

Wala akong mahagilap na isasagot sa kaniya. Napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Unti-unti naman siyang lumapit sa'kin.

Ilang sandali lang, nasa harapan ko na siya, nakatayo. "Mi reina, are you avoiding me?" Ulit niyang tanong sa'kin.

"Ako? Iniiwasan kita? Syempre hindi 'no. Ba't naman kita iiwasan? Wala naman akong atraso sa'yo." Pagsisinungaling ko.

Sana hindi niya nahalata...

Tiningnan niya lang ako kapagkuwa'y nagsalita. "I see,"

"Hindi nga..."

Maniwala ka sanang gago ka...

"Wala naman akong sinabi."

"May iba ka pa bang sasabihin?" Tanong ko sa kaniya. "Gusto ko na kasing umuwi." Dugtong ko pa.

"I see that you can speak Spanish now." Aniya.

"My brother taught me." Simpleng ani ko. "So, if you'll excuse me, I want to go home now and lay down on my bed." Ani ko at tinalikuran na siya. Mabuti nalang at may taxi na kaya pinara ko ito.

"Espero que no hayas olvidado las palabras que te dije antes porque sigo esperando tu respuesta." Aniya sa mahinang boses.

Nilingon ko naman siya ulit. "Ha?" Pagkaklaro ko. Ayokong magkamali sa mga narinig ko.

"It's nothing important, don't mind me. Have a good night, mi reina." Paalam niya. Tumango lang ako at sumakay na sa taxi.

"Uhm, to CZ subdivision please..." Ani ko sa driver.

Nagsimula ng umandar ang taxi. Habang papalayo kami, nanatili lang nakatayo si Vrylle sa kinatatayuan ko kani-kanina lang. Nakatingin lang siya sa madilim na kalangitan.

Bumaba na ako ng taxi pagkarating ko sa subdivision. Inabot ko naman agad ang bayad at naglakad na papasok sa loob.

Ang subdivision pala na ito ay isa sa pagmamay-ari ni Kuya Cedric. Naikuwento niya sa akin noon na ito raw ang pinakaunang subdivision na pagmamay-ari niya na naitayo rito sa New York.

Para akong lantang-gulay na naglalakad papunta sa block kung saan naroroon ang mansion nila Ninong. Hindi alintana ang lamig na simoy ng hangin; isang malamig na gabi, naglalakad nang nag-iisa.

Nakarating na ako sa tapat ng gate kaya nag-doorbell na ako. Agad naman nila itong binuksan "Good evening lady Rain." Bati ng guard. "Good evening," Bati ko rin at pumasok na ako sa loob.

Till The Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon