16: Revelation

4 1 0
                                    

Chapter Sixteen

Alas-kuwatro ng hapon nang ako ay nakauwi sa bahay ng mga tinuturing kong magulang. Nag-enjoy talaga ako sa lakad ko kanina. I met a new friend.

Nahiga ako sa kama ko dahil sa sobrang pagod. I'm very exhausted but at the same time, I feel so happy. Unti-unting nagsasara an talukap ng mga mata ko dahil sa pagod. Hindi ko namalayan na unti-unti na akong nilamon ng antok at nakatulog.

Nagising ako dahil sa mga katok. Nag-inat muna ako bago ko binuksan ang pinto. "Lady Rain, maghahapunan na ho." Bungad sa'kin ng maid.

Tango lang ang tanging sagot ko. Nakasunod parin ako sa maid habang binabaybay namin ang daan papuntang dining room.

Pagkarating ko sa dining room, umupo na agad ako sa upuan. "Kain ka na, hija." Alok sa'kin ni Ninong at tanging tango lang ang sinukli ko.

"So, kumusta'ng lakad mo?" Tanong ni Ninang, "Okay lang naman po, may nakilala po akong bagong kaibigan." masayang tugon ko.

"Mabuti naman kung gan'un. At least nakikipaghalubilo ka na sa mga tao, hija." Ani Ninang,

"Oo nga, mabuti naman at may kaibigan ka na, Rain. Makakabuti para sa'yo na may makilala kang iba bukod sa'min ng Ninang mo." ani Ninong,

Pagkatapos ng usapan na iyon, naging tahimik ang buong mesa at tanging tunog ng kubyertos lang ang maririnig. Napansin kong may gusto silang sabihin pero parang hindi sila handa na sabihin ito. Nanatili lang akong tahimik habang hinihintay sila na magsalita.

Natapos nalang kami sa pagkain pero ni isa sa amin ay wala pa ring nagsasalita. "Ninang, Ninong, aakyat na po ako sa taas." Paalam ko sa kanila. "Sandali hija, gusto sana naming makausap ka." Pigil ni Ninang. Bigla naman akong kinabahan sa mga inaasta nila.

"Bakit po?" Tanong ko habang pilit na nilalabanan ang kabang nararamdaman ko. "Sumunod ka sa'kin." Ani Ninang at naglakad na. Dali-dali ko naman siyang sinundan. Ngayon ko lang napansin na nauna na pala si Ninong na umalis sa hapag.

Pareho naming binaybay ang daan papuntang study room. Namamawis na ang mga palad ko dahil sa sobrang kaba. Nanlalamig narin ito.

Nauna namang pumasok si Ninang at sumunod nalang ako. "'Andito na kami." Imporma ni Ninang kay Ninong.

Naupo naman ako sa sofa. Si Ninang naman ay naupo sa tabi ko. Kaharap namin si Ninong. "We have something to tell you." panimula ni Ninang. "Ano po 'yun, Ninang?" tanong ko. Sa totoo lang, kinakabahan na talaga ako sa mga sasabihin nila.

"Naalala mo pa ba ang trahedyang nangyari sampung taon na ang nakakaraan?" tanong ni Ninong.

Of course, how can I forget that tragedy happened a decade ago... The tragedy that ruined my whole life...

"What about that?" Tanong ko. Tinago ko ang kabang nararamdaman ko. I really haven't moved on from that incident.

Kinuwento nila ang mga nalalaman nila. "That is why hindi kami agree na malayo ka sa'min. Alam naming hinahanap ka na nila." Paliwanag ni Ninang sa'kin.

So I was right all along... There is someone really hunting me down...

Nanatili lang na nakatikom ang bibig ko. Wala akong mahagilap na isasagot. I can't get my mouth to utter a single word.

Para akong lantang-gulay na bumalik sa kwarto ko. Matapos ng mga nalaman ko, hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko ngayon.

Nahiga nalang ako sa kama, gulong-gulo ang isip. Err... To many things to think. My mind can't process this revelation.

Ilang minuto ang lumipas, napagpasyahan kong lumabas muna sa balkonahe at magpahangin. Hindi kasi ako makatulog dahil sa mga nangyari.

When I got outside, the cold breeze welcomed me. I look up in the sky, the moon is shining brightly. The stars are glittering in the dark horizon. Kumikinang ito na parang dyamante sa kalangitan.

Till The Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon