22: The Beginning of End

6 1 0
                                    

Chapter Twenty-Two

Nagising ako dahil bilang may humaplos sa mukha ko. Tiningnan ko ang pinanggalingan ng kamay. Nagising na si Vrylle at prente itong naupo.

"Vrylle?" Kaagad na inayos ko ang aking postura.

"M-may masakit ba sa'yo? Kanina ka pa nagising? Kailangan 'tong malaman ng doktor." Sunod-sunod na sabi ko. Akmang tatayo na ako para tumawag ng doktor nang hawakan niya ang kamay ko.

"Stay, please?" Pakiusap nito. Naupo nalang ako ulit.

"Kanina ka pa nagising?" Tanong ko.

"Kanina pa." Kaagad na sagot niya.

"Sana ginising mo nalang ako."

"I can't bring myself to wake you up. You're too adorable while sleeping."

Even in simple words, that made my heart flutter and made me blush. "Heh, nagsisimula ka na naman. 'Wag ka ngang magsalita ng gan'yan." Ani ko at yumuko para 'di niya makita ang mukha kong namumula na parang kamatis.

"Why? Did I made your heart flutter?"

Damn, this man...

"Alam mo, an'sarap mong tadyakan. Kung 'di ka lang natamaan ng bala, natamaan ka na sa'kin." Kunwari'y inis kong sabi. He just laughed.

I missed this. I missed his laughs and teases.

"Matagal na." He whispered but I heard it. That made my heart skip a beat.

"Ano'ng sabi mo?" I pretended I haven't heard it from him. He just kept his mouth shut.

"Anyways, may gusto ka bang kainin? Sasabihan ko si Kuya Cedric na bilhan ka ng gusto mo." Tanong ko sa kaniya.

Kunwari pa siyang nag-iisip ng malalim. "Hmm, meron." Sagot niya.

"Ano 'yun?"

"Ikaw. Pwede bang ikaw nalang?" Namula naman ang mukha ko dahil sa senaryong pumasok sa isip ko.

"Ikaw, ang bastos-bastos mo." Ani ko at pinaghahampas ang braso niya.

"Hala! Ano ba ang iniisip mo? Ang ibig kong sabihin ay pwede bang ikaw nalang pumili. Pero parang mas gusto ko 'yang pumasok sa isip mo." He then smiled a mischievous smile.

"Ikaw, buwesit ka! Fuck you." Mura ko sa kaniya.

He smirked. "Gladly."

"Arrgg, buwesit ka. Bahala ka sa buhay mo."

Bumukas naman ang pinto at iniluwa nito si Kuya na may dalang pagkain. "Oh? Gising ka na pala, Rea. Heto, kain ka na." Ani Kuya.

Ibinigay niya sa'kin ang plastic bag. Binuksan ko ito at nanubig naman ang bagang ko nang maamoy ang pagkain. It's my favorite food — pumpkin soup.

"Luto 'yan ni Manang Conching. Alam ko'ng paborito mo 'yan kaya pinakiusapan ko si Manang na 'yan ang lutuin at dalhin ko sa'yo."

"Salamat, Kuya." I grinned and ate already. He just smiled.

"Vrylle, akala ko makakapagkape na ako sa lamay mo, sayang naman." Biro pa niya.

"Gago, mumultuhin talaga kita. 'Di kita patutulugin hanggang 'di ka nadadala sa mental." Biro ni Vrylle pabalik. Nagtawanan lang sila.

Mga tanga nga naman.

Bumukas ang pinto at pumasok ang pitong kalalakihan. May dala pa itong lobo.

Am I in heaven? Ba't napapalibutan ako ng mga gwapo?

"Bro, akala ko kukunin ka na ni Satanas." Biro ng kakambal niya–si Vynn. He just showed his middle finger.

Till The Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon