Chapter Eighteen
Kinabukasan, nagising ako nang maaga. Alas-kuwatro palang ay gising na gising na ang diwa ko. Lumabas muna ako sa veranda ng kwarto ko.
Nilagay ko ang mga kamay ko sa railing ng balkonahe. Inangat ko ang tingin ko sa medyo madilim na kalangitan.
Nililipad ng malamig na simoy ng hangin ang nakalugay kong buhok. Nakakarelax sa pakiramdam ang preskong hangin.
Napapaisip parin ako sa mga nangyari kagabi. Ang pag-amin ni Kuya Cedric na siya ang nawawalang kapatid ko.
Hindi rin naman ako nagduda dahil n'ung nakita ko ang old pictures ni Daddy noong mga binata na sila ni Ninong Tom, magkamukhang-magkamukha sila ni Kuya Cedric.
Kuya Cedric es mi hermano mayor...
Hindi rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Vrylle sa'kin.
"Siempre eres tú, mi reina." -Vrylle
Sana nga totoo ang mga sinabi niya.
Tumunog ang alarm ko kaya bumangon na agad ako. "Alas-sais na pala." I blurted out of nowhere.
Inayos ko muna ang higaan ko bago ako pumasok sa banyo. Naging habit ko na ang mag-ayos ng higaan ko dahil nakasanayan ko na itong gawin.
Good morning, Asterea. It's a new day.
Pagkatapos kong maligo't mag-ayos ng sarili, lumabas na ako ng kwarto at binaybay ang hagdan pababa. Nagtungo naman ako agad sa dining room.
Naabutan ko sa dining room si Ninong na umiinom ng kape habang nagbabasa ng pahayagan.
"Good morning, Ninong." Bati ko rito at umupo na sa upuan.
"Good morning too, hija." Bati rin niya pabalik.
"Uhm, nasaan po si Ninang?" Hindi ko maiwasang itanong sa kaniya.
"Nag-aayos parin ng sarili. Alam mo naman iyang Ninang mo, matagal mag-ayos ng sarili." Ani Ninong.
"Hoy, sino'ng matagal?" Ani Ninang habang papalapit sa'min. "Bakit? Totoo naman 'di ba?" Sagot ni Ninong.
"Excuse me Mr. Timoteo Luiz Martinez, ang sabihin mo masyado ka lang talagang mabilis. Kaya 'wag na 'wag mo akong gagan'yanin, naiintindihan mo, Mr. Martinez?" Ani Ninang at nag-cross arms. Nilapag naman ni Ninong ang binabasang newspaper.
Tumayo naman agad si Ninong at niyakap si Ninang. "Hon, kahit ano pa ang ugali mo, pakatandaan mong mahal na mahal kita. Mahal kita ng buong-buo, Mrs. Amelia Fernandez-Martinez." Ani Ninong at hinalikan si Ninang sa noo.
Si Ninang naman ay parang kinikilig. Kitang-kita talaga sa kanilang dalawa ang pagmamahal sa isa't isa. Napapangiti nalang ako habang tinitingnan ko sila.
Mukha ngang in love na in love sila sa isa't isa. I wish I can find a love so true.
Few hours later...
Hays, mabuti nalang dahil last day na ng linggo. Tomorrow is Sunday so, I can finally relax and enjoy my day off.
Tiningnan ko ang oras sa aking relong pambisig. "Alas-dyes pa pala. Bakit parang ang tagal naman tumakbo ng oras..." Bumalik nalang ako sa pagtatrabaho.
Don't worry Asterea Rain Lopez, makakapagrelax ka na naman bukas. Konting tiis pa. Sa susunod na linggo, hindi na naman masyadong mabigat ang trabaho mo.
Sa kalagitnaan ng pagkukuwenta ko, bigla namang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko naman agad ang tawag. "Hello,"
"Hola, mi hermanita. Gusto sana kitang imbitahin na mag-dinner mamaya. I'll introduce you to my friends who happened to be here in New York." Ani ng kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Till The Summer Ends
RandomShe met an unexpected man in an unexpected place and time... Sa maikling panahon na nagkasama sila, mas lumalim ang kanilang samahan. Parang panaginip lang ang lahat, pero ang mga panahon na 'yun ay unti-unti nang natatapos. They'll be back to real...