9: Breakfast

7 2 0
                                    

Chapter Nine

Napabalikwas ako ng bangon dahil napanaginipan ko ang bangungot nangyari ten years ago. Naramdaman ko nalang na tumutulo ang mga luha galing sa mata ko. Pinahid ko kaagad ang mga luha sa aking mga mata. Biglang nag-ring ang phone ko, tanda na may tumatawag. Inabot ko ang phone ko at sinagot ang tawag,

"Hello," bati ko sa kabilang linya, ginawa ko ang lahat para hindi mahalata na galing ako sa pag-iyak.

"Hello anak, how are you? Nagambala ko ba ang pagtulog mo?" Bati ng nasa kabilang linya,

"Hindi naman po Ninang, kakagising ko lang po nang tumawag kayo. Okay naman po ako dito, kayo po ni Ninong, kumusta po?"

"Ayos lang naman kami rito sa New York. Kumusta ang bakasyon mo d'yan? Masaya ka ba?" tanong ni Ninang. Speaking of masaya, bigla kong naalala ang nangyari kagabi. 'Binuhat niya pala ako papunta rito. Ang alam ko'y sa sofa ako nakatulog.'

"O, ba't ka natahimik hija? Ikaw ha, may boyfriend ka na, ano?" D'un ko lang naalala na nasa phone pa pala si Ninang.

"Wala po. Wala po akong plano." Agad kong tanggi,

"Okay lang naman kung may boyfriend ka. Total nasa hustong edad ka naman, tsaka gusto ko rin namang makita ang magiging manugang ko at para magkaroon na kami ng apo." ani ng nasa kabilang linya,

"Ninang!!!" naiinis kong turan. "Sabi'ng wala akong boyfriend." Tumawa lang ang nasa kabilang linya.

"Okay, if you say so. Pero kung meron man-----"

"Ninang!!! Sabi'ng wala nga eh," putol ko kaagad sa sasabihin ni Ninang. Tinawanan lang ulit ako ni Ninang.

Pagkatapos ng usapan namin, nagtungo na ako sa banyo para mag-toothbrush at maligo. Pagkapasok ko sa banyo, hindi parin mawaglit sa isip ko ang ginawa niya kagabi. Hindi mapalis ang ngiti sa labi ko hanggang sa natapos ako sa paliligo at nakapagbihis na. Kaagad akong bumaba para maghanda ng kakainin ko.

Pagkarating ko sa kusina, binuksan ko ang refrigerator para tingnan kung ano'ng pwede kong kainin. Hinanda ko ang ham at bacon para lutuin. Hindi nalang ako nagsaing dahil may natira pang kanin kagabi kaya sinangag ko nalang 'yun pagkatapos ay niluto ang ham at bacon.

Natapos na akong magluto at hinanda ko ang mesa. Last but not the least, nagtimpla ako ng gatas; my favorite beverage in the morning. Pagkatapos, naupo na ako at nagsimula ng kumain ng agahan. Yummy...

Kakasimula ko palang kumain nang may nag-doorbell. 'Sino naman kaya 'to. Istorbo sa pagkain ko.' Tumayo na ako't nagtungo sa pintuan. 'Pagagalitan ko talaga ang nang-istorbo sa pagkain ko ng agahan.'

Padabog kong binuksan ang pinto, "Bakit?" walang gana kong ani,

"Wow!!! Kay aga-aga, 'yan ang bungad mo sa akin... Wala bang good morning d'yan." bungad niya,

"O sige, good morning... Ano, masaya ka na?" sarkastikong ani ko,

"Ano ba'ng meron ngayon? Today is a beautiful day. Ba't ang sungit-sungit mo ngayon? May dalaw ka ba?"

"Sino ba'ng hindi magsusungit, eh nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng breakfast nang may diyablong nanggambala sa kalagitnaan ng pagkain ko." eksplika ko,

"Ouch!!! Grabe ka naman kung maka-diyablo." akto niya na parang nasasaktan, "Sa mukha kong 'to, tatawagin mo lang akong diyablo. Aba, hindi tama 'yun."

"So, kasalanan ko pa, hah... Ikaw na nga ang nanggambala sa pagkain ko." ani ko at nag-cross arm, "Lumayas ka nga rito, nakakaistorbo ka."

"Okay, if you say so. Kakainin ko nalang 'tong mag-isa ang chocolates, mango float, leche flan, cake at ice cream na dala ko. 'Yun sana ang dahilan kung bakit ako narito, para sana sa iyo 'yun, kaso pinalayas mo ako kaya akin nalang 'tong lahat." pagkatapos niyang sabihin 'yun, bigla akong naglaway. Paborito ko pa naman ang lahat ng binanggit niya.

"Kain ka na ulit, mi reina. Aalis na ako. Adios, mi reina." pagkasabi n'un ay tinalikuran niya lang ako. Maglalakad na sana siya pabalik sa kotse niya nang pinigilan ko siya, "Sandali," pigil ko sa kaniya. Lumingon naman siya sa gawi ko, "Yes, mi reina?" aniya at ngumiti ng nakakaloko, "Binabawi ko na ang mga sinabi ko. Sorry na. Basta 'wag ka lang umalis, please?" pagsusumamo ko. Bumalik naman kaagad siya.

"I know you can't resist my charms." aniya at pumasok na sa loob,

"Sus, kung 'di ko lang 'yan paborito ang mga dinala mo, hahayaan lang kitang umalis." ani ko at isinara ang pinto pagkatapos ay nilingon siya,

"Ba't pala ang aga mong narito?" tanong ko sa kaniya,

"'Wala lang, para maaga kong masilayan ang mukha mo." aniya kapagkuwan ay ngumiti,

"'Wag mo nga akong pinagloloko, Vrylle." ani ko at inirapan siya, mahina siyang natawa,

"Eh sa totoo naman ang sinabi ko ah. Ba't naman kita lolokohin? Tsaka, you're so cute when you roll your eyes." aniya,

"Enough of this... Gusto mo ba'ng kumain? Ipaghahanda kita." ani ko para maiba ang usapan,

"Oo ba, basta luto mo, I can't say no." ani naman niya,

"Okay, follow me."

Pagkarating namin sa kusina, pinaupo ko siya sa upuan kaharap sa inupuan ko kanina. Kinuha ko ang mga dinala niya para ilagay sa refrigerator at binalikan siya. Nilagyan ko ng fried rice, ham at bacon ang plato niya. "'Ge, kain ka na." ani ko at bumalik sa kinauupuan ko kanina.

Tahimik lang kami habang kumakain. Tanging tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig sa buong kusina. Pagkatapos naming kumain ay niligpit ko ang mga pinagkainan namin. Tumulong narin siya sa pagligpit.

"'Wag ka nang mag-abala, maupo ka nalang. Ako na ang maghuhugas nitong pinagkainan natin. Nakakahiya..."

"No, I insist. Ikaw nalang ang maupo. Kainin mo nalang ang mga dinala ko kanina. Alam kong paborito mo lahat nang 'yun." aniya at inagaw ang sponge sa'kin. Pinaubaya ko nalang sa kaniya ang paghuhugas ng plato.

Kinuha ko sa refrigerator ang dinala niyang cake at kumuha ng kutsilyo para hiwain ang cake. Pagkatapos, inilagay sa plato at kumuha ng tinidor. Sinimulan ko na itong kainin.

Habang kumakain ako, narinig ko siyang nagsalita,

"Thank you for treating me breakfast, mi reina." aniya habang abala sa paghuhugas,

"Wala 'yun, ako dapat ang magpasalamat sa'yo dahil binilhan mo ako ng mga paborito ko." ani ko habang nagpatuloy parin sa pagkain,

"Still, thank you for coming to my life." aniya ng hindi man lang ako binabalingan ng tingin. My heart melt at what he said. Hindi nalang ako sumagot sa mga sinabi niya.

'I can't take this anymore...'
__________________________________

Till The Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon