Chapter Twenty-One
Lumipas ang ilang araw, busy na ang lahat. Ilang araw na rin ang lumipas mula nang huli kaming nagkausap ni kuya. Ilang araw na rin akong subsob sa pagtatrabaho.
Bahay
Office
Bahay
'Yan lagi ang setup ko. Nawawalan na ako ng gana sa lahat.
Sana gaya nalang ako noong dati. Ramdam kong unti-unti na akong nagbabago. 'Di na ako ang dating ako. I changed.
Ilang araw pa ang lumipas at palamig ng palamig na ang panahon. Sa bawat araw na lumipas, unti-unti kong naramdaman na parang ang tamlay at lungkot ko. 'Di ko rin ramdam na Christmas season na.Bumangon na ako at naghanda para sa pagpasok sa office. Pagdating ko sa dining room, nakita ko sila Ninang at Ninong na parang nagbabangayan. Tahimik lang akong naupo at nagsandok ng makakain. Pagkatapos ay tahimik na kumain.
"Hmp! Bahala ka d'yan." Narinig ko ang boses ni Ninang.
"Hon naman, alam mo namang biro lang 'yun, 'di ba?" Nilapitan naman ni Ninong si Ninang at sinuyo. "Ikaw lang naman ang mahal ko at alam mo iyan. Kaya, bati na tayo please." Dugtong niya pa.
Really, sa harapan ko pa talaga. Ninang, Ninong, ba't pinapamukha niyo sa'king single ako?
"Eh ikaw kasi. Alam mo namang ayokong binibiro ng gan'un." The usual, ang rupok ni Ninang.
"Oh hija, and'yan ka na pala. Kanina ka pa?" Tanong ni Ninong.
Nilunok ko muna ang nginunguya ko bago ako sumagot. "Medyo po pero 'wag niyo po akong intindihin. Tuloy niyo lang po 'yan."
"Tingnan mo nga, Timoteo Luiz Martinez. Nakakahiya kay Rain." Sita ni Ninang.
Wow! Ngayon pa sila nahiya :)
"Sus! Kunyari ka pa, eh gusto mo naman." Hirit pa ni Ninong. Tinampal naman siya ni Ninang.
"Kumain na nga lang tayo." Ani Ninang at nagsimula nang kumain. Bumalik na rin si Ninong sa upuan niya at nagsimulang kumain.
Nagpatuloy na ang lahat sa pagkain. Ni isa sa amin ay hindi nagsasalita at puro tunog lang ng kubyertos ang naririnig sa buong kumedor.
"Ninang, Ninong, mauna na po ako." Paalam ko pagkatapos kong kumain.
"Sige, hija. Mag-iingat ka." Simpleng paalala ni Ninang. Tumango lang ako bilang sagot. Kinuha ko na ang bag ko at naglakad na palabas.
Nagpahatid ako sa driver papuntang office. Lutang ako sa buong byahe. Nagbalik lang ako sa huwisyo nang biglang nag-iba ang ruta na tinatahak namin.
"Ah, manong. 'Di naman ito ang–" Ngayon ko lang napagtanto na hindi siya tauhan nila Ninong. Dali-dali kong bubuksan ang pinto pero ayaw mabuksan dahil na-lock na ito.
"Please, pakawalan niyo na po ako. Wala naman po akong natatandaang atraso sa inyo." Pakiusap ko habang kinakalikot ang cellphone ko nang palihim upang tawagan si Kuya.
"Ba't naman kita pakakawalan? Wala ka ngang atraso sakin pero ang mga magulang mo, meron. Kaya ikaw ang kabayaran sa mga kasalanan nila." Sagot naman ng lalaki.
"Sige na po, parang awa niyo na. Pakawalan niyo na po ako. 'Di po ako magsusumbong sa mga pulis, pangako, basta pakawalan niyo lang po ako." Ani ko. Alam ko namang nakikinig si Kuya sa mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
Till The Summer Ends
De TodoShe met an unexpected man in an unexpected place and time... Sa maikling panahon na nagkasama sila, mas lumalim ang kanilang samahan. Parang panaginip lang ang lahat, pero ang mga panahon na 'yun ay unti-unti nang natatapos. They'll be back to real...