15: New Friend

4 1 0
                                    

Chapter Fifteen

Nang sumapit ang umaga, bumangon na ako at inayos ang higaan. Pagkatapos, ginawa ko na ang morning routines ko. Habang nagbibihis ako, narinig ko ang katok na nanggagaling sa pintuan ng kuwarto.

"Lady Rain," ani ng kasambahay na siya ring kumatok sa pinto. "Yes?" sagot ko naman. "Bumaba na raw kayo para mag-agahan." ani naman ng kasambahay. Ang mga kasambahay nila Ninang ay mga Pilipino kaya hindi na nakakapagtaka kung marunong silang magtagalog. "Mauna ka na ho, magbibihis pa po ako. Bababa rin ako pagkatapos." magalang ani ko. Nabosesan ko kasi na ang kasambahay ay matanda na kaya nagbigay-galang ako. "Opo, ma'am..."

Ilang minuto ang lumipas, tinatahak ko na ang hagdanan pababa. Napapaisip parin ako kung dapat ko bang tanungin sina Ninong at Ninang tungkol sa pagkamatay nina Mom at Dad. Iniisip ko parin kung tatanungin ko sila kung sino si Ludwig at kung bakit nila ako tinutugis ngayon.

"Good morning hija, how's you're sleep?" tanong ni Ninang. Tumango lang ako bilang sagot at naupo na sa tabi niya. Naging maagap ang aking kamay sa pagsandok ng pagkain ko, nakakahiya naman kung si Ninang ang magsandok ng pagkain ko na kulang nalang ay subuan niya ako. Tahimik lang kami habang kumakain. Tanging mga kutsara't tinidor lang ang maririnig sa buong dining room. Wala kahit isa ang gustong mag-open ng conversation sa aming tatlo.

"Ang sarap naman ng pagkain. Sino ho ang nagluto nito?" pagbubukas ko ng usapan pagkatapos kong matikman ang pagkaing nakahanda sa mesa. "'Yung kusinera namin, si Conching." sagot naman ni Ninang. "Sobrang sarap po nito." ani ko at sumubo pa. Nginitian lang ako ni Ninang at Ninong.

Tumayo na si Ninong at nagpaalam, "Tapos na'ko. Kailangan ko nang umalis, marami pa akong gagawin sa office." Hinalikan niya sa pisngi si Ninang bago lumabas ng dining room. "Wait, hon." pigil ni Ninang. Tumigil naman si Ninong sa paglalakad. "Why?" tanong ni Ninong. "Mag-iingat ka..." paalala ni Ninang kay Ninong. "Don't worry, I will." ani naman nito at tuluyan nang lumabas ng dining room. Bumalik nalang si Ninang sa pagkain.

'Grabe, nabusog talaga ako sa pagkain. Ang sarap kasi ng pagkakaluto.'

Pagkatapos naming kumain, nagpaalam naman si Ninang. "Rain, papasok na ako sa hospital." Tumango naman ako bilang sagot. May gusto pa sana akong sabihin pero nahihiya akong sabihin 'yun kaya yumuko nalang ako. Nahalata siguro ni Ninang na may gusto akong sabihin. "Bakit hija? May gusto ka bang sabihin?"

"Ahh, wala naman po. Gusto ko lang magpaalam. Pwede po ba akong gumala?" paalam ko. Halata sa mukha ni Ninang na nagdadalawang-isip siya pero kalauna'y pumayag narin. "Okay, basta 'wag kang magtatagal ha. Mag-iingat ka lagi at kung maaari, 'wag kang makikipag-usap sa hindi mo kakilala." paalala niya pa. Binigyan niya ako ng pera para panggastos ko. "Opo Ninang, salamat."

"Oh siya, aalis na ako. May marami pa akong pasyente. Basta ha, ang mga binilin ko. Tumawag ka kapag may problema."

"Opo, Ninang." sagot ko naman. Tuluyan na siyang sumakay sa sasakyan at humarurot 'yun palayo. Tinanaw ko lang ang papalayong sasakyan ni Ninang. Pumasok nalang ako sa loob, pero nagbago ang isip ko kaya lumabas ako ulit. Nagmuni-muni muna ako. Nagliwaliwaliw lang ako sa labas ng bahay.

'Tama nga talaga ang sinabi ko kagabi. Maganda nga ang harapan ng bahay. Maraming mga bulaklak na nakapalibot sa hardin. Para itong paraiso sa ganda.'

Till The Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon