23: The Beginning of End (Pt. 2)

12 1 0
                                    

Chapter Twenty-Three

"I love you, mi reina. I'll always be risking my life just to protect you because I love you Asterea Rain, my queen."

"Rain, bumangon ka na." Patuloy sa pagyugyug sa akin si Ninang. Hinablot niya ang comforter kaya tumama sa mukha ko ang sinag ng araw.

"Ninang naman eh. Linggo ngayon, walang trabaho. Mamaya na." Wala sa sariling wika ko. Kinuha ko ulit ang comforter at tinakpan ulit ang mukha ko gamit iyon.

"Bangon na kasi. May bisita ka. Kanina pa naghihintay sa iyo 'yun." Ani Ninang.

Napabalikwas naman ako ng bangon pagkarinig ko na may bisita raw ako.

Ang aga-aga, nambubuwesit na naman.

Dali-dali akong pumasok sa banyo, nag-toothbrush, at naghilamos. Pagkalabas ko, wala na si Ninang. Nagbihis naman ako agad bago lumabas ng kuwarto.

"Bea, nasaan sila Ninang?" Tanong ko sa isa sa mga maid dito sa bahay. Nakita ko siyang nagpupunas ng mga gamit sa sala.

"Nasa garden sila." Simpleng sagot ni Bea habang patuloy sa pagpupunas ng mga gamit.

Si Bea ay isang maid dito sa bahay. Magkaedad lang kami. Siya ay biniyayaan ng ganda at tangkad. Papasa na nga siyang model pero 'di ko alam bakit naging maid siya rito.

"Sige, salamat." Pagpapasalamat ko at nagpunta na sa garden. Nakita ko si Ninang na may kausap na isang lalaki.

My heart skipped a beat.

Natunugan niya siguro na papalapit ako kaya lumingon siya. "Good morning, mi reina. Did you have a good sleep?" Winagayway niya ang kamay niya.

"Ano'ng ginagawa mo rito? Ang aga pa ah."

"Wala lang, gusto lang kitang makita." That made my heart lose its pace. "Bakit, bawal ba?" Dugtong niya pa.

"Oo, bawal. Nang-iistorbo ka kasi. Sa linggo na nga lang ako makakatulog ng matagal-tagal, nang-iistorbo ka pa.

"Ouch! Grabe ka naman, mi reina. Can't you at least pretend that you're happy and delighted to see me?" Aniya na parang nasasaktan.

Napansin ko si Ninang na unti-unting naglalakad papalayo sa'min. "Ninang, sa'n ka pupunta?" Tanong ko rito. 'Di niya ko binalingan ng tingin at patuloy lang siya sa paglalakad.

"Papasok na ako. Baka nakaistorbo ako sa inyong dalawa." Anito at pumasok na sa loob. Naiwan kaming dalawa ni Vrylle sa labas. Naguluhan ako sa mga pinagsasabi ni Ninang.

Namayani ang katahimikan mula nang umalis si Ninang at iniwan kami. Yumuko lang ako. Naririnig ko pa rin ang pintig ng puso ko.

"Ba't mo sinalo ang bala na sa'kin sana tatama?" 'Yon ang mga salitang lumabas sa bibig ko.

"Secret hahahaha..."

'Di ko napigilan sarili ko at sinapak siya. "Tinatanong kita kaya sumagot ka ng matino." Sino ba'ng 'di maiinis, tinanong mo nang maayos tapos 'di ka sasagutin nang maayos.

"Eh sa ayaw ko sabihin. Pilitin mo muna ako." Pagmamatigas niya. I went closer to him and inched our gap. I stared at his beautiful blue eyes. I feel like drowning in his ash gray eyes.

"Por favor, Vrylle." I stated without removing my eyes from him.

"Hays, mamaya sasabihin ko. It was supposed to be a surprise but you triggered me." He conceded. I went away from him and calmed my heart from beating in anticipation.

Till The Summer EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon