D3

21 9 0
                                    

"Christianna Alcantara, Tawag ka ni Ma'am." sabi ng isang kaklase ko.

"Kailangan talagang may pagbanggit ng buong pangalan? At saka tapusin ko lang 'tong kinakain ko" sabi ko. Nakakairita 'tong babaeng to. Andaming tao dito cafeteria tapos babanggitin ba naman. Eh 'di ang ending, andaming napatingin.

"Sige. Sige, Pumunta ka nalang doon sa faculty ni Ma'am." sambit niya saka umalis na. Tinuloy ko nalang yung pagkain.

"Bakit ka daw pinapatawag." tanong bigla ni Alyana. Chismosa pala 'to.

"Aba malay ko, Alyana"

Sabi ko saka tinuloy nalang ang pagkain.

"Oo nga pala, Bakit lima lang sila ngayon" tanong ni Joy.

"Ang alin?" tanong ko naman

"Yung member ng INF?"

"Ha? INF?"

"Saang bundok ka ba galing ha, Aya? Malamang yung Infectorsz Squad.." singit ni Alyana.

"Aba malay ko ba! pero hindi lang pala sila Lima?"

"Yup, bali 7 sila." - Alyana.

"Sino naman yung dalawa?"

"He's Wayne Adrian Alvarez and the other one is Renz Jandrei Ferrer.." sabi ni Alyana.

"Wow ha. Kabisado mo talaga."

"Naman! Ako pa ba? pero shhhh lang kayo ah.. There's a rumor saying that Renz is actually a Bi?"

"For Real?!" gulat na sabi ni Joy.

"Yup.. pero 'di pa siya confirm"

"Ano naman kung Bi siya?" tanong ko bigla. I don't know what happened but the topic makes me pissed.

"Wala naman.. ang cute kasi gusto ko siya maging friend!" sabi ni Alyana. Hays, akala ko jinujudge nila. Hindi pala. I forgot, hindi ko sila kaibigan para sa masama.

"Ah okay.. By the way, mauuna na ako. Pupunta muna ako ng faculty at 'wag niyo na ako antayin pa"

"As if namang aantayin ka namin."

"Aray, Alyana ha!"

"Charing lang naman. Ingat ka nalang!"

"Sige sige babye!" sabi ko saka na ako umalis. Medyo malayo din yung faculty ni Ma'am Alfaro kasi nasa kabilang building pa.

"Hindi ko naman alam na nasa 4th floor pala yung faculty ni Ma'am.. Nakakapagod naman!" bulong ko sa sarili ko. Ang alam ko lang kasi ay sa kabilang building, not the exact place. Jusme kaya nagtanong tanong pa ako.

Nasa tapat na kasi ako ng pintuan ng faculty. I heard someone is talking behind that door na sign na may tao kaya kumatok na ako.

"Come in!" rinig kong sigaw ni Ma'am sa loob. Binuksan ko na ang pinto saka pumasok.

"Ma'am pinapatawag niyo--" napahinto ako sa sinasabi ko ng makiya ko na pirmeng nakaupo si Chan sa harap ni Ma'am Alfaro.

'Anung ginagawa niyo dito?'

"Please be seated, Ms. Alcantara" umupo naman agad ako at kung minamalas nga naman, sa harapan pa talaga ni Chan.

"Pinatawag ko kayong dalawa kasi both of you-- oh wait. I need to answer this call first. Wait me here. I'll be in just a minute" paalam ni Ma'am, nginitian ko nalang siya at doon na siya lumabas ng faculty.

And then realization slap me, naiwan pala kaming dalawa ni Chan. It's awkward by the way. Naaalala ko pa yung naging alitan namin kanina. Shocks! Pagbadtrip o kaya wala ako sa mood, kung ano-anong mga salita na ang mga lumalabas sa bunganga ko.

Also, I don't have any idea kung bakit kami pinatawag ni Ma'am dito at kaming dalawa pa talaga! Ano 'to? Coincidence?

Few minutes have passed but there's still no sign of Ma'am Alfaro and for us, wala talagang nagsasalita. How can he stand this silent atmosphere? Juice ko! Ako nga hindi ko kakayanin ang sobrang tahimik at sobrang awkward na lugat kung pwede naman kayong mag-usap. Hays, biniyayaan kasi ako ng nunal sa dila.

"Alam mo ba yung rason kung bakit tayo pinatawag?" kinausap ko na siya kasi hindi ko na talaga kaya yung katahimikan.

Pero parang wala siyang narinig kasi nakatingin lang siya kung saan. Kaya inulit.

"Hello?! Alam mo ba kung bakit tayo pinatawag?" sabi ko pero ganun pa din.

"Bingi ata 'tong lalaking 'to! Snobber amputa! Kala mo naman kagwapuhan." I said. Seriously, I instantly regret on what I said. Tumingin na kasi siya sa'kin habang nakakunot ang noo.

Nakakatakot yung expression, parang anytime ay bubugbugin ka niya.

"Ah He He.. Sabi ko sobrang pogi mo po.. Tanong ko lang naman kung bakit tayo--"

"Don't talk to me, we're not close.." malamig na sabi niya. Gininaw ata ako sa lamig ng boses niya pero wait-- ano daw?! 'Wag ko siyang kausapin kasi di kami close? Aba'y ang yabang nito ah!

"Whatever! Maputulan ka sana ng dila!"

"Tsk. You're so noisy."

"Che! Don't talk to me, we're not close! Duh!" panggagaya ko sa kanya.

"Tsk. Stupid girl.." malamig pa ring sabi niya saka ako inikutan ng mata.

Aba'y namumuro na talaga 'to sa'kin. Kanina, Idiot tapos ngayon stupid?! Pigilan niyo ako, uupakan ko 'to. Tinignan ko siya ng masama.

Magsasalita pa sana ako kasi dumating na si Ma'am.

'Ang swerte mong Yelo ka, kung hindi naku! Nakatikim ka na sa'kin ng Sapak!'

Squad Series #1 : Dare (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon