Aya's POV
“So kamusta naman ang fake marriage niyo ng ka-husband mo?”
Nakita ko nalang ang sarili ko na nandito sa cafeteria kasama ang mga kaibigan ko. Tulala pa rin ako. Paano eh kinikilig ako! Grrrr.
“W-Wala namang espesyal..”
“Pero nauutal ka?” biglang saad ni Joy na kumakain ngayon. Umiiling nalang sila saka tinuon yung atensyon sa kinakain nila.
“I will love and honor you all the days of my life,” saad ng pari saka niya pinagsama ang kamay naming dalawa ni Chan.
“Tinignan mo 'to. Nakangiti na naman,” sabi ni Alyana.
“Kinikilig ata 'yan.”
“Do you take Chan Rodriguez as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"
“I do.”
“By the way, malapit na pala birthday mo Aya. Anong bet mong celebrasyon? Bongga ba gusto mo? or simple lang? Beach party? Pool party? Resort? Ano?” salita ni Alyana. Habang kumakain.
“Do you take Christianna Alcantara as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?”
“Wag mo na nga muna siyang istorbihin. Nag dadaydream pa eh pero grabe naman 'to. Tulang tulala tapos nakangiti ng todo. Ano ba talaga nangyari kanina Alyana?” parinig ni Joy.
“I..... I-I do,” saad niya na sobrang ikinatuwa ng puso ko. Pilit kong pinipigilang ngumiti pero hindi ko nakayanan. WAH! WAHHHH!
“Aba malay ko. Hindi ko naman siya kasama kanina. Pero nakita ko siyang kasama si Reinber kanina habang kumakain ng street foods.”
“Baka 'yun yung iniisip niya? Kilig kilig naman 'to. Pero narinig ko ring dinala siya sa Marriage booth eh,” saad ni Joy.
“Eh nakita kong natambay lang si Reinber kanina sa labas? So hindi siya yung pekeng ikinasal?” apila ni Alyana.
May biglang lumapit na estudyante pero nakaputi siyang suot at saka may binigay sa pari. Huli na bago ko narealize na singsing ito. Binasbasan niya muna bago ibigay sa'kin.
“Paano ba 'to magigising sa katotohanan?”
“Aba malay ko Joy. Gulatin mo kaya,” apila ni Alyana.
“Ihhh. Ayoko nga. Baka madagukan ako niyan eh.”
“I take this ring as a sign of my love and faithfulness in the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit.” sabi ko habang pilit na hindi ngumiti. Kinakabahan ako.
BINABASA MO ANG
Squad Series #1 : Dare (ON-GOING)
RomanceInfectorsz Squad Series #1: Dare Ang Pangmalakasang dare na nagpabago ng takbo ng buhay at lovelife ni Christianna. « Highest Ranking » • #1 : truthordare • #41 : squad