Aya's POV
"CHRISTIANNA! gumising kana diyan! Anong oras na!" napabalikwas ako ng bangon ng biglang sumigaw si Mama sa baba.
I looked at the wall clock and Oh MY GOSH! Late na ako! Dali dali akong pumasok ng banyo saka mabilisang naligo. Konting sabong sabon lang tapos shampoo and ayun, Tapos na ako. Mamayang pag-uwi nalang ako mag fufully bath. Kailangan ko ng magmadali.
Bumaba na ako dala dala ang bag ko pagkatapos kong magbihis. Naabutan ko naman si Mama na naghihiwalay ng damit. Maglalaba pala siya ngayon.
"Oh kumain kana diyan. Nagluto ako ng sinangag." sabi ni Mama pagkakita niya sa'kin.
"Hindi na Ma. Malalate na kasi ako. Doon nalang ako kakain sa school. Mauuna na po ako Ma, Bye po!" umalis na ako pagkapaalam ko.
20 minutes walking distance lang ang school namin pero dahil late na ako ay nagjeep nalang ako. Swerte naman at nakapara ako agad ako.
Nakarating ako sa school at exactly 9:15. Late na ako ng 15 minutes! Tumakbo na ako kasi terror yung first subject teacher namin. Lagot na naman ako.
Sa kamamadali ko ay may nabangga akong tao. Sa lakas ng impact ay mapabagsak ako sa lupa.
"Aray! Yung pwetan ko!"
"Tsk. Idiot. Kung tumitingin ka sa dinadaanan mo malamang di ka makakabangga" sabi bigla ng nabangga ko.
Anong sabi?! Idiot ako?! Abay makakatikim 'to sa'kin eh!
"Hoy! Sorry ah! Maka 'Idiot' 'to. Sungalngalin kita diyan eh!" tumayo agad ako pagkasabi ko. Hinihimas himas ko pa yung pwetan ko.
"It's not my fault by the way, its yours" sabi niya. He's just stand firmly na parang di na tinag nung nabangga ko siya.
"Ay Wow! Kung tumitingin ka din sana sa dinadaanan mo--"
"So it's my fault now?" malamig na sabi niya.
"Wala akong sinabi. Kasalanan nating dalawa kasi hindi tayo tumitingin sa dinadaanan natin kaya nagkabanggang tayo"
"As far as I remember, ikaw ang bumangga sa'kin so why you blame it on me?"
"Argh! Ang hirap mong paintindihin! Sabi ko tayong dalawa ang may kasalanan!" konti nalang talaga makakatikim na 'to ng sampal sa'kin.
"It's only you, don't blame me..."
"Edi SORRY! Ang taas ng pride mong lalaki ka kala mo naman kapogian...."
"Wait what did you just say?!"
"Wala! Sabi ko ang bingi mo" pagkasabi na ako nun ay nilagpasan ko na siya. Nakakasira ng araw yung mo kong na yun.
Nakarating na ako sa harap ng pintuan ng room namin. Medyo maingay ang loob kaya pumasok na ako then it hits me, wala yung teacher namin kaya pala maingay. Yung room namin parang palengke sa sobrang ingay.
Umupo agad ako sa upuan ko sabay baling sa katabi ko ng bigla itong magsalita.
"Bakit ka Late aber?" tanong ni Joy.
"Late na nagising kakanood ng k-drama kagabi"
"Buti nalang at wala ang terror nating teacher kaya hindi ka mapaparusahan" aniya
"Yun nga eh." sabi ko.
"Bakit naman ganyan ang mukha mo? May regla ka ngayon?" tanong niya bigla.
"Wala! I just had a bad morning.."
"And what's the reason"
"I bump into someone. And Gosh! Argh! Nakakapag-init ng ulo yung nakabangga ko!" naiinis kong sabi. Ang taas naman kasi ng pride ng lalaking 'yon.
"At bakit naman?"
"Ang taas ng pride! Ayaw magpatalo!" napalakas yung boses ko kaya nabaling yung atensyon ng mga kaklase ko sa'min.
"Oh! Mga chismoso't chismosa! Tapos na ang show. Maaari na kayong bumalik sa sarili niyong mga buhay. Tsk" biglang sabi ni Joy. Nagsibalikan naman na yung atensyon ng mga kaklase ko sa sarili nila.
"Back to the topic. Who's this guy?"
"Uhm.... hmmmmm. He's quite familiar, you know- oh wait! I think he's a member of Infectorsz Squad" I casually said.
"Oh I see. Wait, Wait-- What the fuck?! As in Infectorsz Squad?! The most famous squad in our school and probably the whole city!"
"Yes, why are you're acting like that as if it is a big deal?!"
"The fuck, Aya! Big deal 'yon! Ikaw ba namang malapitan yung squad na 'yon!" she excitely said.
"Big deal or not, It doesn't change the fact that he ruined my morning!"
"Haynako! Pero curious lang ako.." sabi niya saka ako pinanliitan ng mata.
"A-Ano yon?" nauutal kong sabi. Medyo kinakabahan ako sa titig niya.
"Wala namang ganap right? You just bumped to him, casually apologize then leave, isn't?"
"Ahh.. Nagkasagutan kam--"
"NAGKASAGUTAN?!"
"Yes, Why?"
"Alam mo Aya! 'Di ko alam na isa't kalahating bobo ka din pala! Jusko! Alam mo ba yung nangyayari sa mga taong sinusubukang siraan or banggain sila?!" she said.
"No, Bakit ano bang meron?"
"Hindi ka makakaligtas sa pagpapahirap na gagawin niya! Simple na ang mambugbog. Expelled is the worst thing he did to the person who blocked his way pero ang mas malala is yung binugbog kana, Na expelled kapa. Wala siyang pakialam kung babae kapa o hindi basta binangga mo siya, Better pray and call all the saint that exist" Mahabang sabi niya. Dahil sa sinabi niya ay medyo kinabahan ako.
Ito na ang sinasabi ko! Dahil sa init ng ulo, dinala ako sa kapahamakan!
Danger? A I really in Danger?!
BINABASA MO ANG
Squad Series #1 : Dare (ON-GOING)
RomanceInfectorsz Squad Series #1: Dare Ang Pangmalakasang dare na nagpabago ng takbo ng buhay at lovelife ni Christianna. « Highest Ranking » • #1 : truthordare • #41 : squad