D15

13 2 0
                                    

Aya's POV

“Next topic........... is history.”

“Marami ka bang nareview sa history?” tanong ko sa partner ko.

“Just a few.” sagot naman ni Chan.

“Who is the first editor of La Solidaridad?” tanong ng MC kasabay ng pagpindot niya ng bell hudyat na oras na naming sumagot.

“Sino isusulat ko? Feeling ko ano.... Feeling ko lang ah.”

“Who?” tanong niya saka ako tinignan.

“Si Marcelo H. Del Pilar..” sagot ko.

“I don't think so.. Graciano Lopez Jaena is the answer..” he casually said.

“Weh? Sure?” tanong ko naman. Tinanguan lang niya ako.

Dali dali ko namang sinulat ang sagot sa showing board saka ipinakita sa judge.

“Okay time's up. The answer is Graciano Lopez Jaena.” sabi ng MC nakaikinatuwa ko.

“Ang galing mo do'n ah!” sambit ko at tumingin sakanya saka nginitian ng matamis.

Namula naman siya bigla. Teka? Naiinitan ata pero naka-aircon naman? Hmmmm? Whatever.

“Next topic is.... Greek mythology.” ani ng MC.

“She is called ARTEMIS by the Greeks, the goddess of the hunt. How is this goddess referred to by the Romans?”

“Ha ano daw? Na gets mo?” naguguluhang tanong ko sa partner ko.

“I also don't know but only the 2 of the choices is the answer. Whether Diana or Bellona.” malamig na tugon naman ni Chan.

“Konti lang kasi alam ko sa Greek mythology. Basta ang alam ko malibog lang si Zeus kaya ang kapal ng libro ng greek nythology.” pilyong sabi ko.

“Tsk. Nonesense. Focus on the competetion.” naiiritang sabi naman niya.

“Time's up!” sigaw bigla ng MC.

“Wait what?! Tapos na agad?!” gulantang sabi ko.

“I told you to focus on the competetion.” malamig na sabi ni Yelo.

Kaming tatlo nalang ang naglalalaban laban dahil nasa finals na kami. Kami ang highest 3.

“Hala uy! Wala pa tayong sagot.”

“Sino namang nagsabing wala?” nakakunot na noong sabi niya. Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa show-me board namin at may nakalagay na name.

'Diana'

“Sure ka diyan..?”

“No.. pero malay natin kung tama..” sagot niya.

“Before we reveal the answer. Show us your answer first..” tinaas na namin ang show-me board pagkasabi ng MC.

“All right! Iba iba ang sagot ng ating contestant. Sino kaya ang tatama? Partners number #2 kaya with the answer of Camilla? o ang Partners number #6 na may sagot na Victoria? O ang Partner number 9 na may sagot na Diana?” mapaglarong sabi ng MC.

Squad Series #1 : Dare (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon