Chan's POV
Bakit doon pa siya tumabi? Ang daming pwedeng upuan pero bakit doon pa?
"Tara na. Mag-oorder na ako."
I can't just sit still looking at them. Naninikip ang dibdib ko. Nasasaktan ako.
Tumayo na ako saka naglakad papuntang cashier para umorder ng makakain.
"Hindi ka parin ba nakakapagdecide kung babawiin mo siya or hahayaan nalang?" biglang saad ni Renz sa tabi ko. Hindi ko kasi namalayang nasa tabi ko na siya. Nakatingin lang siya sa harap habang ako nakatingin sa kanya. Medyo may kaliitan siya kaya medyo nakayuko ako.
'Do I really have to decide now? Am I ready? Am I?'
"I'm not ready to decide." I seriously said.
"Hanggang kailan ka hindi magiging handa? Kapag wala ka ng tyansang makuha siya? Ganon ba?" Napayuko ako sa sinabi niya. Tama siya. Paano kung kailan ako handa ay saka naman ako mawalan ng pag-asa. Ang tanong may pag-asa ba ako ngayon?
Wala na akong sinagot sa tanong niya kasi natamaan ako ng diretso doon. Kinuha ko nalang yung order ko saka ako casual na naglakad pabalik ng table namin.
Hindi na ako tumingin sa direksyon ni Aya pero nakikinig ako sa usapan nila. So far, wala namang mahalagang bagay ang naririnig kong topic nila. I can't even sense Reinber joining Aya's conversation with her friends. That's good enough.
Pagkatapos namin magbreak ay umakyat na kami ng classroom kasi magstart na yung afternoon class namin. Pagdating ng last subject ay expected ko ng kaklase ko si Aya. Nothing is special today, As usual same presence in class. Kung anong pinapakita niyang performance sa klase ay ganon din ang nakikita ko ngayon. It's constant.
Umuwi na rin ako agad pagkatapos ng klase namin. I feel like my mind is so tired that it also affect my body. I'm too tired to think my situation with Aya.
Lumipas ang mga araw at wala namang pinagbago sa mga nangyayari. I realize that nothing will happen If I still stand here and do nothing. Akala ko sa presensiya ko lang ay babalik na sa'kin si Aya. Nagkamali ako. Ibang iba nga talaga siya. Yun ba yung epekto ng sakit niya? Wala talaga siya maalala. Kita mo talagang totoo yung mga pinapakita niya kasi alam ko ang nga galaw niya. I perfectly memorize it.
Minsan lang din namin sila nakakasama sa table, kapag punuan lang ang cafeteria. Usually, they'll sit on the other vacant table. Medyo malayo sa'min kaya hindi ko alam yung pinag-uusapan nila.
'Seriously? I look like chismoso.'
Bruh! Whatever. Even they're far from us, hindi 'yon hadlang para makita ko siya. Malinaw ang mata ko kaya malinaw ko rin siyang nakikita sa malayo.
Ito ba yung sikat na linyang.
'Tatanawin nalang kita sa malayo, mamahalin nalang kita ng patago.'
'Argh! Bakit ba ang hirap ng sitwasyon ko?'
"Kawawa na 'yung manok mo." sabi ni Ethan. Kita ko sa mukha niya yung pagtataka. Iniisip niya sigurong hindi maayos yung lagay ko?
BINABASA MO ANG
Squad Series #1 : Dare (ON-GOING)
RomansaInfectorsz Squad Series #1: Dare Ang Pangmalakasang dare na nagpabago ng takbo ng buhay at lovelife ni Christianna. « Highest Ranking » • #1 : truthordare • #41 : squad