Aya's POV
“Let go of my arms on the count of 3.......1,” panimula niya. Mukhang iritado na nga siya.
“Wag mo akong bilangan!” sigaw ko. Sa ngayon ay para kaming naghihilahan.
“2....” I still don't mind, I still try to pull him.
"UMUWI KA NA KASI!" sigaw ko.
“3...” sa pagkasabi niya no'n ay ang pagbawi ng pwersang ginagamit niya panghila sa'kin kaya ang ending ay nahila ko siya ng todo todo kasi ang laki ng pwersa ang ibinigay ko.
Boogsh!
“Aray! Ang sakit ng pwetan ko!” sabi ko agad saka hinamas ang pang-upo ko.
“Ikaw naman kasi! Kung hindi ka nagpumilit, malamang 'di ako masasaktan,” saad ko and I quickly hit him in his arm. Napaupo din kasi siya dahil sa paghila ko.
“Me again? If you didn't insist, maybe it won't happen on you,” iritado niyang sabi. Tumayo naman agad siya samantalang ako ay nakaupo pa 'din dahil sa sakit ng pang-upo ko.
“Stand up now, I need to go early,”
“Then go! Ang sakit pa ng pang-upo ko, wag kang atat diyan,”
“Geez, you're still weak,”
“Woy hindi ah! Masyado lang malakas ang impact no'n at saka anong sinabi mong you're still weak? Para naman nakita mo na akong naging mahina,” saad ko. Nakita ko pang bumulong siya kaya hindi ko na narinig pa.
Nagulat ako nang bigla akong buhatin ni Chan pa bridal style, nagpumiglas pa ako pero agad 'din namang nakapunta sa harap ng pinto si Chan habang bitbit ako.
“Give me the key,” malamig niyang utos. Hindi na ako umangal pa at binigay nalang sa kanya ang susi. Pagpasok niya ay inupo niya agad ako sa sala. Madali lang naman hanapin 'yung sala kasi pagpasok mo ng pinto ay sa kanan lang. Engot nalang kung hindi mo napansin.
“Wait for me here, I'll just get the first aid kit in my car,” he said before he leaves.
Medyo masakit pa 'rin ang pang-upo kaya hindi na ako gumalaw pa.
Pumasok naman agad si Chan habang dala dala ang first aid kit. Lumapit siya sa'kin sabay luhod sa harap ko at binaba ang hawak niyang first aid kit.
Una niyang tinignan ang tuhod ko. Doon ko lang 'din napansin na may malaking sugat pala 'ron, siguro sa pagkabagsak ko. Hindi ko na 'rin naramdaman kasi mayls masakit ang pang-upo ko kaya doon nabaling ang atensyon ko.
Kumuha siya ng alcohol at bulak saka nilinis ang gilid ng sugat ko pero 'di inaasahang mapadaan ang alcohol sa mismong sugat.
“Aray! Ang sakit. Kalmahan mo lang,”
“Ow, I'm sorry about that. Just relax and let me do this quickly,” saad naman niya. Kita ko namang sincere siya sa pagkakasabi no'n.
Next naman niyang ginawa ang pagbebetadine. Habang nililinis niya ang sugat ko ay hindi ko namalayang mapatitig sa itsura niya.
Matangos ang ilong, medyo may kasingkitan ang mata, Makapal ang kilay na siyang nagpapaganda lalo sa itsura niya. Mapuputing balat at ang linis ng mukha, wala kang makikitang kahit ano mang pimples but my eyes got stuck when it reaches his pink kissable lips. Teka nga? Paano ko nalamang kissable lips 'yon? But for my perspective, mukha kasi siyang kissable.
« A/N : Tignan niyo po 'yung lalaki sa cover ng story na 'to. 'Yun po yung dinedescribe ko po. Happy imagining! »
BINABASA MO ANG
Squad Series #1 : Dare (ON-GOING)
RomanceInfectorsz Squad Series #1: Dare Ang Pangmalakasang dare na nagpabago ng takbo ng buhay at lovelife ni Christianna. « Highest Ranking » • #1 : truthordare • #41 : squad