“A-Ate.. M-Masyado p-po atang mabilis 'yung pagpapatakbo mo ng sasakyan. N-Natatakot po ako,” kinakabahang bigkas ng bata sa babaeng nagdidrive.
“Calm down, baby boy. I'll head you to the hospital no matter what happens,” naluluhang sabi naman ng babae sa batang lalaki.
“Ate.. H-Hindi na rin po ata kaya ng k-katawan ko. B-Bibigay na po yata ang katawan ko.”
“No baby. Please hold on, I'll save you no matter what,”
“O-Okay p-po ate... S-Salamat po. T-Tandaan niyo pong minahal ko na rin po kayo tulad ng kuya ko po,”
“No! Please don't talk like that! Hintayin mong makarating tayo ng hospital,” sabi ng babae. Hindi na nagsalita ang batang lalaki dahil medyo nahihirapan na rin siya.
•••
“Why?!”
“It's all my fault!”
“Bakit ang inosenteng bata pa!”
~Boogsh! ~Boogsh——
Nabalikwas ako ng bangon nang bigla na naman pinakita ang disgrasyang 'yon. Ginugulo na naman ang utak ko dahil sa panaginip ko. Pawis na pawis ako at parang takot na takot sa nangyari. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Malalim ang paghinga ko na parang galing ako ng karerahan sa pagtakbo.
Lagi na lang akong binibista nang panaginip na 'yon. Lagi akong ginugulo ng panaginip na 'yon. Lagi nalang. Nakakasawa na. Ano ba kasi ang ibig sabihin no'n at ayaw ako tantanan no'n?
Anong meron sa dalawang taong 'yun? Sa babaeng nagdadrive at sa batang lalaking mukhang hirap na hirap sa sitwasyon? Anong nangyari sa batang lalaki? Anong nangyari sa babaeng na disgrasya?
Sa kakaisip ko no'n ay sumakit na naman ang utak ko kaya agaran kong ininom ang gamot sa side table ko. Buti nalang at nakaready lagi 'yon.
Nang umayos ang pakiramdam ko ay tumayo na ako sa higaan saka pumunta ng kusina. Gusto ko kumain, nagugutom ako. Alas-diyes y media na pala ng gabi.
Naisip ko. Nasaan na pala si Chan? Umalis na siguro 'yon. Malalim na ang gabi. Baka hanapin na 'yon kung hindi pa siya uuwi.
Pagbukas ko ng ref ay bumungad sa'kin ang pagkain na inorder ni Chan kanina. Hindi niya pala naubos. Buti nalang at hindi kasi gutom ako ngayon.
Kumain na ako saka ako nagskin care routine pagtapos. Nang matapos ako ay pumunta ako sa sala para magpahinga. Naisip ko namang ichat si Chan.
Me :
Hi (;Nagreply naman agad siya.
Chan :
???Ay wow? Wala man lang hi back?! Or hello? Pero disregard that. I still chat him.
Me :
Kamusta ka?Chan :
Why don't you ask yourself if you're already okay.
BINABASA MO ANG
Squad Series #1 : Dare (ON-GOING)
RomanceInfectorsz Squad Series #1: Dare Ang Pangmalakasang dare na nagpabago ng takbo ng buhay at lovelife ni Christianna. « Highest Ranking » • #1 : truthordare • #41 : squad