D5

27 9 0
                                    

"Aya! Sa Friday na yung awarding sa Mnet Asia Music Awards... Pustahan sana tayo.. He He.."

"Go lang ako diyan... Basta Exo pusta ko diyan.."

"Laban na 'yan ah! Wala ng bawian.." sambit ni Joy.

"'Wag ka ngang sumigaw, Wala ka sa palengke Girl.."

"Ops. Sorry na.. by the way, ano ba 'yang binabasa mo?" tanong ni Joy. Nandito kasi kami sa Library. Naghanap ako ng libro para doon sa topic ng quiz bee.

"'Wag ka maingay kasi nagrereview ako.. Ayokong magmukhang kawawa sa harap ni Yelo pagnagrereview na kami." sabi ko naman. Kaming dalawa lang dito ni Joy. Konti lang 'yung tao dito sa library kaya rinig talaga yung usapan namin.

Alam na rin nilang dalawa yung mangyayari sa quiz bee at kung anong meron doon.

"Ah, Oo nga pala magstudy together pala kayo ng Yelo mo.."

"Bakit parang sinasabi mong akin yung Yelong yun aber?"

"Siya kasi bukang-bibig mo kahapon.. and a piece of advise... Mga manloloko lahat yang mga lalaking yan.. kaya iwasan mong ma-inlove sa kanila." sabi ni Joy.

"'Wag mo naman siguro lahatin ang lalaki.. meron pa rin naman... Malay mo si Cutie Reinber, hindi.. Hihihi... cute talaga niya." kinikilig kong sabi.

"'Di ka pa nakontento kay Yelo mo.. 2 timer ka.."

"'Tigilan mo nga ako sa pang-aasar sa kanya... Kay Reinber lang mahuhulog 'to Hihihi.."

"Landi mo. Basta sabi ko sa'yo, manloloko lahat 'yan."

"Bitter ka lang Joy."

•••

"Hi, Ma!" bati ko kay Mama pagkauwi ko.

"Oh, anak. Nakauwi ka na pala." sabi naman niya saka kami nagbeso.

"Wala naman pong masyadong gagawin sa school."

"By the way, Anak. Uuwi muna si Mama sa probinsya. May aasikasuhin lang doon. Maiwan muna kita dito. Padalhan nalang kita ng pera at kung may nagkaproblema, tawagan mo lang ako ah." sabi ni Mama.

"Yes, Ma. I got it!" sabi ko saka ako umakyat at natulog. Nakakapagod din maglagay ng kung ano anong impormasyon sa utak.

Nagising kasi ako mga bandang alast nuebe na. Masyado atang napasarap tulog ko kaya ganun katagal.

Inopen ko nalang yung twitter ko saka ako nagtweet.

'Nakakapagod magreview. Hirap maging matalino, kainis!'

May mga nagretweet at nagcomment agad at isa na doon ang mga lintek kong kaibigan.

'Sanaol matalino' - @M.Joy_Valencia

'Atleast makakasama mo yung pair mo sa sabado hihihi!' - @Alyananasakuko

Nakainis talaga 'tong babaeng 'to. Pinaalala pa nga.

'Tigil-tigilan mo ako bruha ka!' - me.

Hindi naman ganon kadami mga followers ko. Sakto na para sa'kin ang 200 followers kumpara sa mga kaschoolmates ko na umaabot ng million followers, sa twitter pa lang. I hate atensyon, you know?

Squad Series #1 : Dare (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon