Chan's POV
I woke up around 7 in the morning because of my alarm. 9 a.m pa naman start ng competetion kaya marami pa akong oras.
Naghilamos muna ako bago magtoothbrush at saka ako naligo. Nagbihis na rin ako pagkatapos at binitbit yung bag ko.
Bigla namang may nagsalitang maid sa labas ng room ko.
“Breakfast is ready, Prince As—”
“I'm coming!” sigaw ko para marinig niya.
Lumabas na ako ng kwarto ko saka bumaba. Naabutan ko namang mag-isang kumakain ng agahan si Mama kaya umupo na ako sa mismong harap.
“Oh, you're up baby. Eat your breakfast na baka malate ka pa,” sabi ni Mama.
“Yes, Ma.” sabi ko sabay kain.
“By the way, may balita ka na po ba kay Papa? I'm planning to dye my hair, I want dad choose the color of my hair.”
“Wala pa eh but I hope we can get an update and for your hair, bagay naman sa'yo lahat kaya no need to worry,” sambit naman ni Mama na ikinangiti ko.
I'm handsome and I know it. Sa sobrang gwapo ko, mahihiya na lahat ng kulay ng buhok na pwede sa'kin by the way, 'wag niyong pansinin yung paliwanag ko, mas pagtuunan niyo ng pansin ang pagiging pogi ko.
“Bye, Mom.”
“Ingat ka baby!” paalala ni Mom sa'kin. Umalis na ako saka sumakay sa BMW ko.
I'm now driving to school when I get a message.
I open the message but I didn't reply. I just want to read the message. Galing na naman sa babaeng 'yon.
Nakakapanibago lang kasi wala pang kahit sinong babae ang nakakapagchat sa'kin ng ganyan. I mean.... Nakakachat pa rin ako, I always block those who always chat me in a dirty way, Tsk! Gross. Hindi man dirty way ang pagchat niya pero siya lang talaga in-entertain ko ng matagal.
She should be grateful that she can me talk to her even just a second. Tsk.
Tinuon ko nalang yung pansin ko sa daan. Malayu-layo pa ang school kaya binilisan ko na ang pagpapatakbo ng kotse ko.
Nasa kalagitnaan ako nang pagdadrive ng magring ang phone ko.
Sinagot ko naman agad.
“[Ipapaready ko na ba 'yung bar?]” tanong agad ni Kurt sa kabilang linya.
“Ha? For what?”
“[Para sa pagkanalo mo mamaya? Celebration? 'Yaw mo?]”
“Pas....”
“[Awts Okay, Cancel ko nalang..]” nanghihinayang na sambit naman niya.
“Pasundo nalang mamaya...”
“['Yun oh! Kala ko naman aayaw ka pa!]” sigaw bigla ni Kurt.
“'Wag ka ngang sumigaw! Ang sakit sa tenga!”
BINABASA MO ANG
Squad Series #1 : Dare (ON-GOING)
RomanceInfectorsz Squad Series #1: Dare Ang Pangmalakasang dare na nagpabago ng takbo ng buhay at lovelife ni Christianna. « Highest Ranking » • #1 : truthordare • #41 : squad