Chapter 12

83 10 1
                                    

- First Day of Senior High

* 1 Month Later *

Aliviyah's POV

"First day first day first day!" kumakantang ani ng kung sino sa labas at batid Kong si Ange yun dahil siya lang naman kasama ko dito

Natutulog ako kaso dahil sa ingay ni Ange nagising ako masyado kasi siyang excited dahil start na ang bagong school year, Napaupo ako sa kinahihigaan at nag unat

* YAWN *

First Day?

Napangiti ako at naririnig ko paring kumakanta si Ange at napa sabay naman yung ulo ko sa kinakanta niya at masigla rin akong tumayo mula sa kinahihigaan ko at nagunat

"Woohhhh first day ng Senior High woohhh" kanta ni Ange sa kabilang kwarto at natawa naman ako habang marahang sumasayaw Patungo sa C.R

Nagsimula na akong maligo at pagkatapos ay nag toothbrush at humarap sa salamin "Sana maging maayos ang Araw na to" nakangiting ani ko pa at lumabas na sa banyo at nagbihis ng pantalon at simpleng t shirt

Para kasi sa mga transferees kailngang 1 week naka Civilian attire then sa mga susunod na araw saka mag u-uniform

Well masaya ako na Civilian attire muna ngayon dahil ayoko nung uniform ng HU ang iksi kasi eh medyo lagpas sa tuhod, ayoko ko pa namang nakikita legs ko kaya nga palagi akong nag pa pantalon at mahabang dress kung gusto ko mag dress

Tinali ko yung buhok ko sa usual nitong tali at kinuha yung bag ko at  lumabas ng kwarto, bumaba ako sa salas at nilagay yung bag ko sa sofa at
Nagtungo sa kusina at inumpisahang mag luto ng Ham and Egg

6:30 am palang naman  at 8 pa naman pasok saka sandali lang naman to lutuin kaya makaka kain pa kami bago pumasok

"Hmm I smell Ham and Egg ahh"  bungad ni Ange sa likod ko at niyakap niya ako saglit mula sa likod at bumitaw rin "Good morning Ali impyernes ang bangko mo ahh excited karin pumasok no?"  biro pa niya

"Palagi naman akong mabango no at walang good sa morning ko ang ingay mo nagising tuloy ako"  biro ko at natawa naman siya at naghain ng plato at iba pang kagamitan sa pagkain

"Tignan mo tong t-shirt ko ang ganda no?" si Ange habang todo flex sa bago niyang t shirt na binili niya kahapon sa Mall

'Kaya pala bumalik si Ate niyo sa mall nung umuwi ako' -_-

Tinignan ko naman yung t shirt niya at maganda nga oversized na Black na may maliit na 'Hail to the queen' sa gitna, maliit lang siya kaya hindi masagwa "Ganda noh?" paniniguro niya pa habang winawagaswas yung ibaba ng t-shirt niya

"Oo na oo na" nag kunwari ng napipilitan ako at nag pout naman siya "Oh sinabihan na ngang maganda" natatawang sambit ko

"Psh dinaman mula sa puso mahal mahal ng bili ko dito pure Cotton pa to tapos in endorse pato ng artista tapos pinirmahan pa ng artists lalagyan nito tap-" pinigilan ko naman siyang mag inarte dahil wala nang pupuntahan yung usapan namin

"Maganda nga po bagay na bagay sayo" sambit ko at ngumiti naman siya ng malaki

'To talagang babaeng to sakit sa ulo kailngang sabihan ng Maganda ng bukal sa puso pa talaga' natawa naman ako sa naisip ko

Kumain na kami at ilang minutong nag pahinga bago umalis sa bahay, nilakad namin muli yung mahabang daanan para makalabas sa subdivision na to para makapag bus papuntang school

"Ang sakit ng tiyan ko Ali ang layo kasi nang nilakad natin" reklamo ni Ange habang hinihimas yung tiyan niya 

"Maupo ka muna diyan wala pa naman yung bus eh" nakangiting sambit ko at inalalayan siyang maupo sa may upuan sa bus stop, Tinignan ko naman yung messages ng phone ko at nakita ko ang mga messsage nila Papa at Mama 

Behind This GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon