Chapter 2

144 19 1
                                    

-Angel In Disguise

Aliviyah's POV

Kasalukuyang naglalakad ako pabalik sa practice at ng madatnan ko sila ay wala ng tao kaya dumaretso nalang ako sa canteen at napagdesisyunan kong bumili ng ice creme at habang kinakain ko ito ay naglalakad na akong pabalik sa gym kung saan kami nag prapractice

baka kasi andon na sila ulit

'Bakit walang katao tao kahit sa hallway?'

Hinahanap ng mga mata ko ang ibang estudyante ngunit ni isa ay wala manlang akong nakita

'Nakakapagtaka naman halos walang estudyanteng nasa labas'

Papasok na sana ako sa gymnasium ng may malamig akong naramdaman na tumapon mula sa itaas na dahilan para matunaw ang kinakain kong ice creme ng tignan ko kung sinong nagbuhos non sa taas ay hindi ko inasahang may kasunod pa pala ito ngunit may kasama na itong pinaglagyang balde na ikinatumba ako

'HAHAHAHA loser'

'AHAHHAA Ang baho niya gagi!'

'kadiri ampota HHAHAAH'

'Isa pa kulang pa yan!'

sigawan pa nila na ako naman ngayon ay nabibingi na dahil halos ng estudyante ngayon ay nasa loob ng gym kasama na sila Jamie,Astrid,Cathleen,at Ralph nasiyang nagtapon ng malamig na tubig na akala ko ay isang normal lang na malamig natubig yun pala ng amuyin ko ito matapos sabihin nung ibang estudyante na ang lansa at baho ko na ay saka ko lang nalaman na hindi ito normal lang na malamig na tubig dahil amoy itong tubig na ginamit panghugas ng isda sa palengke

Nabalik ako sa huwisyo ng buhusan nila akong muli ngunit iba nato ngayon ito ay pintura na.Kulay puti ito at may karamihan ang binuhos nila sakin kaya pati mukha ko ay nabalutan na nang pintura buti nalang may salamin ako para hindi malagyan ng pintura ang mga mata ko kaso wala naman akong makita dahil nabalutan din ng pinturang puti yung salamin ko

"Omg!Ali okay kalang ba?"sarkastikong tanong ni Jamie mula sa itaas at mabilis naman akong tumayo ngunit nadulas ako kaya nag tawanan nanaman silang lahat

'Huhuhu gusto ko ng umuwi'

"Do you need help?HAHAHAHHA"natatawang ani ni Astrid

Nang makatayo ako ay agad akong tumakbo palabas ngunit nagulat akong may nakaharang na ibang alipores ni Jamie ,pinilit kong lumabas ngunit masyado silang matataba kaya nahihirapan ako ng sinubukan kong lumabas muli habang tinutulak tulak sila ay itinulak ako nung isang mataba na ang pagkikilala ko ay Britney ang pangalan niya

'Ang sakit sa pwet nung pagkakatulak niya!'

"Palabasin niyo ako!"takot na sigaw ko at nag si tawanan nanaman silang lahat

"Palabasin niyo ko sabi eh!"sigaw ko ngunit wala silang paki elam

Susubukan ko sana ulit na lumabas ngunit tinulak niya nanaman nila ako ngunit ngayon ay may may nabanga akong tao salikod ko

"Ieww Disgusting!Ang lansa mo tapos didikit ka sakin alis!"sigaw sakin ni Jamie sabay sipa sakin dahilan para mamilipit ako sa sakit

"Masakit ba?sorry ahh HAHAAHAHAH"sarkastikong ani niya pa kasabay ng pagtadyak niya sa tiyan ko dahilan para mapa sigaw ako sa sakit

'Huhuhuhu bakit ba ganto sila sakin'

Hindi ko na mapigilan ang sarili kong hindi maiyak dahil sorbang sakit talaga ng pagkakatadyak nila sakin,pagapang ako kung gumalaw palayo kay Jamie ngunit hinila niya ang buhok ko dahilan para mangilid ang luha ko sa sakit

Behind This GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon