- Graduation Day
Ange's POV
Asan na ba yung babaitang yun, nag asa nanaman siguro yon ng kung ano ano kaya na puyat at nalate ngayon, yari ka talaga sa teacher natin at onting minuto nalang mag iistart na yung program
"Hey calm down you look desperate there" biglang ani ni Andre sa gilid ko at tinignan ko siya ng masama
"Nako Andre wag mokong madesperate desperate diyan, kahit graduation ko ngayon sasapakin kita."inis na atungal ko at tumawa naman siya
Tsh
" Asan na kaya yun? Nakauwi ba siya kahapon? "nag aalalang bulong ko
"Kalma lang dadating yun" si Andre
Di ko siya pinansin at tumingin sa likod at nandon si babae tumatakbo habang nakasuot ng toga
"Oh bakit hindi ka manlang nag ayos ng sarili?" panga asar ko sakanya dahil halata sa itsura niya na hindi na siya nakapag ayos
"N-Nagmamadali ako H-hindi na ako nagpaayos" hinihingal na ani niya pa at natawa naman ako at may kinuha sa bag kong liptint
"Oh! Kahit yan manlang mag liptint ka ang putla ng bibig mo, tapos ayusin mo buhok mo mukha kang aswang sa totoo lang, ang putla mo na,naka puting toga kapa tapos sabog pa buhok mo,at kitang kita Eye bags mo sabihin mo nga sakin saan kaba talaga pupunta? Sa Graduation o sa The ring?" panga aasar ko
" Korni mo! makapagasar ka diyan tumingin ka kaya sa salamin ang chaka ng make up mo no, sabihin mo nga sakin saan ka ba talaga pupunta sa Graduation o sa Mascara Festival!" pangaasar niya rin sakin habang ginagaya rin yung tono ng pananalita ko, inirapan ko siya at nagtawanan kami
" Oh Andre hindi kita napansin" si Ali at si Andre naman eh parang kamay is namumula na
Etong si Torpe talaga oh
"A-Ali kamusta?" uutal utal na sambit niya
"Ganon parin walang pinagbago, ikaw grabe ang payat mo na hindi na ikaw si Andre na nakilala ko!" biro ni Ali at nagtawanan sila
Naguusap lang silang dalawa sa gilid ko at ng nagsisimula na yung Program ay kumanta muna kami ng Philippine Anthem at nagdasal ng opening prayer.
Aliviyah's POV
Bawat estudyante na tinatawag ay nag sasalita sa harap about sa mga nangyari sa kanila sa school nato then kung pano daw nila mamimiss ang mga kara nasan nila dito
Wala kasing senior high dito at kindergarten hanggang grade 10 lang ang meron kaya talagang aalis ka sa school nato, kaya para sa mga nagaaral dito na mula kinder or something talagang mahirap para sakanila at malungkot dahil marami kang pinag daan sa years nilang pag aaral dito
Mga ibang section pa yung mga umakyat sa stage kasama yung parents nila habang sinuootan sila ng medal tapos binibigyan sila ng diploma
Ilang oras rin ang nakalipas at nasa section na namin yung mga tatawaging at nagsimula ng mamawis yung Palad ko dahil sa kaba, nakakakaba kaya umakyat sa stage tapos may pa speech pa
"Uy di ka naman bibitayin kabang kaba ka diyan" bulong sakin ni ange sa harap habang kakaupo lang muli dahil tapos na siyang sabitan ng medal, Nasa harap siya naka puwesto kasi naka alphabetical arrange yung seat namin
Tumawa lang ako at tumingin muli sa harapan ngunit nabawi ang atensyon ko sa aking cellphone ng mag vibrate ito dahil may nag message at ng tignan ko kung sino yon ay si Jamie at nung saktong titignan ko yung sinend niya eh ako na yung susunod na aakyat sa stage kaya hindi ko muna tinignan,tumayo ako at ganon rin ang ginawa ng parent ko si Mama lang ang nakapunta hindi si Papa
BINABASA MO ANG
Behind This Glasses
RomanceBehind This Glasses [BTG SERIES #1](ON-GOING)a Tagalog story of a girl name Aliviyah Reign who always experience bullying since she was young. And the reason is her physical appearance, they called Aliviyah ugly because of her non-trendy clothes, pi...