Chapter 62

78 9 12
                                    

- Imposible

Aliviyah's POV

Kinwento ko sakanila ang buong detalye ng pangyayari kahapon mula nung dating nangyari bago mag Graduation, bale Kinwento ko sakanila ang lahat-lahat

Syempre maliban doon sa pangyayaring kami lang ni Lev ang nakakaalam

Ilang minuto pa nanahimik sina Lia, Sam, at Vinn na Tila pinaprocess nila sa kanilang ulo ang lahat ng mga sinabi o Kinwento ko at kumuha naman si Sam sa bulsa niya ng panyo at Umastang kunwaring umiiyak

"G-Grabe ang pinagdaanan niyo, napaka demonyo pala nung Jamie at Ralph nayon" sambit pa ni Sam at nahihiya ng napatango naman ako

"Now I know the reason why you're always trembling when you see Jamie" sambit pa ni Vinn

Trembling?

Ganon ba talaga ka obvious na takot ako kay Jamie?

"Kung mayroon mang kopya nung sinasabi niyong litrato eh anong gagawin natin?" tanong pa ni Sam at napaisip naman kami

Yun nga yung pinaka naalala ko

Dahil once na kumalat ulit iyon ay siguro buong University na ang makakaalam o makakakita edi  saan pa ako lulugar kung mangyari iyon

" Saka diba sabi niyo schoolmate niyo yung Ralph dati, so anong ginagawa niya sa area natin eh ang layo-layo nito sa hometown niyo?" takang tanong pa ni Sam at napaisip naman kami

Oo nga ano bakit siya napa rito?

Napatingin naman kami sabay-sabay kay Vinn ng nagsimula siyang maghalungkat ng kung ano sa social media sa laptop na dala niya para sa activity nila

" Anong last name nung Ralph?" tanong pa niya

" Thomas?" sagot ko pa at nagumpisa nanaman siyang maghanap ng kung ano at kami naman itong lumapit sakanya para tignan ang ginagawa niya

"Found it!" sambit pa ni Vinn at iniharap niya saamin yung laptop niya at nakita namin ang Profile ni Ralph sa isang social media na hindi ko naman ginagamit at ang na lagay sa information nito sa

'Studying at:'

Eh

Clawford University or CU

Kung saan nagaaral ate ko

Nagkatinginan kaming apat nina Ange, Lia, at Sam

"This explains why he's at Bar Café yesterday" dagdag pa ni Vinn at manga naman kaming na patingin kay Vinn dahil nagawa niyang hanapin si Ralph

"Paano mo nagawa yan?" sambit pa ni Ange

"Hmm, Medyo maalam ako pag dating sa computers lalo na sa gaming" ani pa ni Vinn at napa' Woah' naman kami

"Yes he's right, he can be an IT expert but chose to study ABM" natatawang ani pa ni Sam at siniko naman siya ni Vinn at nag Cross arms

Hmm madami pa akong hindi alam sa kanila

"So anong plano?" tanong pa ni Vinn at nagsitinginan silang lahat saakin kaya napaiktad ako

"H-Huh anong ' anong plano?' "  takang tanong kopa sakanila

"Operation galugad naba toh ng cellphone nung Ralph?" tanong pa ni Sam

"Ano Reign?" tanong din ni Ange
At tinignan nila ako ng mga mata ng interesadong-interasado sa isasagot ko

"W-Wala tayong g-gawin ano ba kayo" sambit ko pa

"Paano kung meron ngang kopya yung lalaking iyon Reign, mas mabuti ng agapan natin at burahin bago pa man ipost niya yon" sambit pa ni Ange

Behind This GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon