Chapter 20

79 8 6
                                    

-Valentine's Special

Aliviyah's POV

"Pakisuyo nga nitong Tray sa counter Ali may nagpapakuha kasi ng order eh" si Genna at agad naman akong Umoo at kinuha sakanya yung Tray at inilagay ito sa counter pagkatapos ay bumalik na ako sa pagpupunas ng table

Saturday ngayon at oras na ng Part-Time job namin nila Ange at Lia, Tumingin ako sa labas at medyo malakas ang ulan

'May bagyo ba?'

Tanong ko sa sarili kong utak at bumalik sa pagpupunas ng table, matapos ay pupunta na sana ako sa kabilang table para punasan ito ngunit may dumaan sa gilid ko at na tabig ko siya

"S-Sorry po Sir!" sambit kopa at yumuko ng onti, buti nalang wala siyang dalang kahit anong inumin at ganon rin ako, pero syempre kahit na walang nangyari eh kailangan ko parin mag sorry

"A-Ahh Okay lan-" sambit pa nung lalaki na pamilyar ang boses ngunit na putol ito kaya sa pagtataka ko ay tinaas ko na ang ulo ko at nakita ko si

Blaise

"Reign?" tanong niya pa at nginitian ko naman siya "What are you doing here?" nakangiting ring ani niya at pinagmasdan ko naman ang itsura niya, basang basa siya

Hindi ko siya sinagot at agad na pumunta sa baba sa may dressing room at kumuha ng tuwalya at ng makaakyat at agad ko itong in abot sakaniya

"I-I'm working here" nahihiyang ani ko pa, pinunasan niya naman ang sarili niya

Habang nagpupunas siya ng mukha niya papuntang buhok ay hindi ko maiwasang mapatingin dahil hindi maitatangi ang kagwapuhan niya kahit basa sa ulan

Bakit ganon hindi ako ganyan pag nabasa ng ulan?

Sinimulan niyang punasan ang kaniyang buhok at parang slow-motion yung pag punas niya dito at nakita ko ang maliit na butil ng tubig na tumulo mula sa panga niya Patungo sa leeg niya, napansin ko pa ang paglunok niya kaya't napalunok rin ako

'Ano bang ginagawa ko!?'

Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko dahil sa hiya sa ginagawa ko

"Reign are you okay?" sambit pa niya at nagulat pa akong na patingin sakanya at Ramdam ko pang lalong uminit ang pisngi ko

"H-Ha? O-Okay ako H-HAHA" Utal kong ani dahil sa hiya

Kinuha ko ang pamunas ko sa bulsa at pinunasan ang table para umiiwas sa awkward na sitwasyon

"Why are you working here?" tanong niya pa

"A-Ahh personal reasons" sagot ko at pinunasan ng maigi yung Table

"BLAISE!?" Rinig kong maingay na tawag ni Warren kay Blaise kaya na patingin ako sakanya at galing sila sa baba kung nasaan ang office nila at kita ko sa likod niya sina Lev, Hilton, at si Chase

"Blaise what in the earth happened to you!?" si Hilton habang tinignan si Blaise mula ulo hanggang paa at kita ko naman si Blaise na napaka mot ng ulo at ngumiti

"Nasira yung kotse ko papunta dito kaya tumakbo ako dito sa Café" paliwanag ni Blaise

"Hey" bati ni Lev

"Kamusta na kayo ni Rachel Lev?" si Blaise at na patingin naman ako sakanya

Dahil alam ko na hiwalay na sila ay syempre alam kong masakit yon para kay Lev kaya tinignan ko si Blaise para i parating na itikom niya ang bibig niya, at na patingin naman pagbalik sakin si Blaise

Behind This GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon