- Visitors
Aliviyah's POV
Papikitpikit pang dumilat ang mga mata ko at medyo malabo pa ang nakikita ko dahil wala akong soot na salamin, sino bang matutulog ng may salamin
Kinapa ko sa drawer sa tabi ng hihigaan ko ang salamin ko at ng makapal iyon ay may nakapa pa akong libro, bali nakapatong yung salamin ko doon sa libro
Kinuha ko ito parehas at isinoot muna ang salamin bago basahin kung ano ang librong ito, nagulat pa ako ng nabasa ang title nito
The Adventures of Seraphine
Nagliwanag ang paningin ko at inisip si Lev na kumuha nito sa library, sa tingin ko siya rin ang nag lagay nito dito, napangiti pa ako at tumingin sa paligid
Natutulog habang nakaupo si Ange at Lia sa couch sa harap ng Hospital bed ko, ngayon ko lang napansin na nasa Ospital pala ako kaya napahawak ako sa may bandage kong ulo samantalang sa noo ko lang naman may sugat na di hamak na band aid lang sapat na
Pero okay narin yung nandito kami para naglinis yung sugat or kung ano
Speaking of my sugat ano na kayang nangyari doon sa lalaking manyak!
Hindi naman ako nakahospital gown or wala naman akong nakatusok sa katawan kaya mabilis akong nakatayo ngunit mahilohilo pa ako, Kinapa ko naman ang cellphone ko sa bulsa ng uniform ko at tinignan ang oras dito
12:23 am?
Ngayon ko lang din napansin na naka maid costume parin ako ngayon dahil hindi nga pala ako nakapag palit ng uniform dahil sa nangyari sa insidinte
"REIGN!" malakas na sigaw ni Ange saakin kaya nagulat pa akong muntik na mabitawan yung cellphone ko na siyang ikinagising rin ni Lia "Ano ang nararamdaman mo? May masakit ba? Ano sabihin mo sakin! " sobrang nag aalalang ani pa niya habang lumapit saakin at natawa naman ako kaya sumibangot siya at pinalo ako sa likod
"Aray grabe ka ganyan pa turing mo sa pasyente!?" biro ko pa sa kanya pero sinibangutan niya lang ako
" Nag alala kami sayo! " malungkot na ani ni Ange at niyakap ako at mayamaya ay tumayo rin si Lia at sumali sa yakapan namin
Di kala unan ay napagpasiyahan namin na umuwi na kahit na pinipilit nila ako kaninang mag stay lang sa hospital pero ang sabi ko sugat lang naman ito sa noo na okay pa akong mag bike pauwi at para makapasok ako bukas
Pero buti may daldalang damit ko si Ange para makapag palit ako aba ayoko lumabas ng kwartong ito ng naka Maid Costume!
Wala na silang magawa kaya hinayaan nalang nila akong umuwi, Sinabi pa saakin ni Ange na umalis narin daw kanina sina Zenith, Val, Genna, at yung Lima
Nakayanan ko pang mag bike pauwi at dahil sa late na rin ay natulog na sila at dahil kanina pa ako tulog ay nahirapan muli akong matulog
******
KINABUKASAN
Nagising ako dahil sa nasagi ko yung sugat ko sa noo habang tulog kaya napaurong ang bibig ko dahil ang sakit non, pinilit ko muling I balik ang tulog ko ngunit ayaw na talaga kaya naupo na ako sa aking kinahihigaan at tinignan ang oras sa orasan
4:34 am
2 am nanga ako nakatulog ang aga ko parin magising..
Agad akong nag tungo sa banyo at nahirapan pa akong maghilamos dahil sa sugat ko, pagkatapos gawin ang morning routine ko ay bumaba na ako at nagluto
Hindi pa muna ako naligo at nag soot ng uniform dahil aamoy iyon sa damit ko kapag nag luto ako, kaya ang tanging soot ko lang ngayon ay hanggang tuhod na White na nightgown at White na robe
BINABASA MO ANG
Behind This Glasses
RomanceBehind This Glasses [BTG SERIES #1](ON-GOING)a Tagalog story of a girl name Aliviyah Reign who always experience bullying since she was young. And the reason is her physical appearance, they called Aliviyah ugly because of her non-trendy clothes, pi...