Chapter 54

68 7 17
                                    

- Timmy

Aliviyah's POV

Tapos na kami kumain at naririto kami ngayon sa labas naglalakad patungo sa loob ng Aqua Polis, pagkapasok sa loob ay makikita mo ang malaking aquarium na may mga iba't ibang uri ng isda

Kamangha ang iyong makikita dito dahil sa ganda ng kulay na nagrereflect mula sa loob ng aquarium

Kanina ay napaaga kami dito siguro mga 12pm?dahil nakapag lunch pa kami dito eh

Kaunti palang ang tao kanina na katulad namin na kumakain doon sa Restaurant at sa labas, mga 2 pm pa daw mag o-operate yung sa Sky Polis kaya napa dito kami sa Aqua Polis

Medyo dumadami na ang tao kaya nagiging maingay na ang loob ng Aqua Polis at kami naman ay may kanya-kanyang mundo na nagtitingin dito

Kumukuha sila ng pictures habang ako ay pinagmamasdan lang yung isda na lumalangoy mula doon, ang ganda ng kulay nito sobrang tingkad at mukhang napansin nito na siya ang pinagtutuunan ko ng pansin kaya pumunta ito sa direksyon ko kaya ako naman ay napalapit din doon at in ilagay ang hintuturo ko sa may glass at yung isda naman ay mukhang pinagmasdan pa muna ako bago siya tuluyang lumangoy papalayo

Napangiti naman ako dahil ang cute ng ginawa nung isda akala siguro niya may pagkain akong ibibigay kaya siya lumangoy sa direksyon ko kanina

"Reign Tara picture tayo!" sigaw pa ni Ange kaya napalingon ako sa direksyon niya at umiling

"Dali na picture tayong lahat para may memories!" si Sam naman at tinignan naman ako nilang dalawa ni Ange na may kasama ng paawa kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag

Lumapit ako sakanila at niyaya din nila yung Big Five at nag compress kami at gamit ang selfie stick na dala ni Sam ay yoon ang ginamit namin para pang picture na makikita kaming lahat

Sabay pa kami ni Ange mag peace sign kaya natawa kami pareho

Pano kasi yun talaga kadalasang unang pose ng mga tao eh

"Compress pa hindi makita si Hilton sa gilid!" sigaw pa ni Sam kaya nag impress pa kami at nakaramdam ako ng pag usod sa kaliwa ko at natamaan niya pa ako kaya na patingin ako sakanya at nag tama ang paningin namin ni Chase

"1...2....3..!" pang bilang pa ni Sam kaya na patingin kami pabalik sa cellphone niya na ginagamit niya pang selfie saamin

Matapos ang napaka daming picture na kinuhanan namin ay sawakas na tapos na

"Ang cute neto oh" kumento pa ni Ange doon sa pictures na kinuhanan namin, kasalukuyan kasing tinitignan nila yon doon sa cellphone ni Sam

Ako naman ay medyo lumayo sakanila dahil gusto ko tignan yung mga isda hehe

Kinuha ko ang phone ko at pinicturan ang nakita kong mga nagkukumpulan na isda at Napangiti pa ako sa ganda ng pagkakakuha ko dito

"Reign" tawag pa ni Blaise saakin kaya na patingin ako sakanya na nasagilid ko pala kaya nagulat pa ako pero slight lang, sinenyasan niya pa akong tumingin sa phone niya kaya tumingin nga ako at nakatingala pa ako dahil ang tangkad niya tapos naka taas pa ang phone niya

At clinick niya yung pang picture at nagulat naman ako dahil sumali niya ako sa picture

"B-Bakit mo ako sinali?"  takang ani kopa

"Hmm, Memories?" nakangiting ani niya pa at tinignan yung kuha niya sa cellphone niya at nakita ko pa ang mahinang pagtawa niya

'Bakit katawatwa ba yung itsura ko doon?'

Behind This GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon