- Crybaby
Lev's POV
Pabalik na ako sa classroom galing sa canteen dahil may binili ako ng marinig kong may nagkakagulo sa hallway sa third floor, ang ingay ng mga estudyanteng nanonood sakanila kaya iritableng nilalagay ko ang airpods sa aking tainga
Maglalakad na sana ako sa likod ng nga estudyanteng nagkakagulo ng ma pansin ko kung sino ang pinagkakaguluhan nila
"What? You don't want to go to the Head Minister office? Then give me my money back!" sambit pa ni Miss Freya at tinignan ko ang nagpipigil ang iyak na mukha ni Aliviyah
"Hindi ko kinuha yung p-pera" pilit pinadaretchong salita niya
"You think I'm going to believe you?, Halata naman sa itsura mo na isa kang mag nanakaw" si Miss Freya
Nanahimik pa sandali at
Mapait siyang ngumiti kay Miss Freya at nagulat pa ang ilan na nakakita ng ngiti niyang iyon
"P-Porket ganito itsura mag nanakaw na agad?, Tumingin ka sa salamin sa tingin mo matatawag kang isang guro?" nagiiba ang tonong sambit pa ni Aliviyah, at umasta naman akong I lalagay na muli ang isa pang airpods sa aking tainga ngunit "Sa tingin mo isa kang guro? Ang guro ay hindi gagawin to sa isang estudyante kahit na gaano pa kasama ang ginawa niya, pero sa kaso ko wala naman akong ginagawa pero ganon ang trato mo sakin? And the reason why is that I'm ugly so I look suspicious that you make me the one who rob you. " Ani niya pa at narinig ko ang Tunog ng isang sampal na nagpahinto sa ginagawa ko
Nakaramdam ako ng inis dahil sa ginawa ng isang teacher sa estudyante niya, although sinagot nga siya ni Aliviyah ng pabalang pero may point naman kasi siya
"H-Ha! Kapal rin ng mukha mong sumagot sakin ahh? Ikaw ang may kinukuha sa bag ko kaya alangan ako ang mag nakaw ng sarili kong pera!" sambit pa ni Miss Freya sakanya
Napahawak pa sa pisngi si Aliviyah at napalibutan naman kami ng mga estudyante
'Tch mga chismoso' t chismosa'singhal ko pa sa isip ko
'Grabe kapal naman niyang sumagot kay Miss Freya eh siya nanga ang nagnanakaw'
'Oo nga eh kapal ng mukha'
'Dapat sakanya I expell'
'Tama'
Rinig ko pang bulungan ng ibang estudyanteng nanonood
"Kaya halika dadalhin kita kay Head Minister!" hinatak ni Miss Freya mula sa buhok si Aliviyah na makikita mo na nasasaktan siya base sa ekspresyon na ipinakita niya
Hinahatak ni Miss Freya ang buhok ni Aliviyah papunta sa baba kaya nag sisunudan naman ang ibang estudyante, Napailing pa ako at mabilis na nakipagsiksikan sa mga estudyante at ng makarating sa second floor ay nakita ko pa ang mga luhang bumabagsak sa mga mata ni Aliviyah
'Tch sinabi ng wag mong iyakan yung mga taong ganyan'
Napailing naman ako at hinawakan ang pulso ni Miss Freya at pahagis na Ibinaba ito
"You're crossing the line" kita ko ang gulat na ekspresyon ni Miss Freya sa ginawa ko
'Tch I hate doing this kind of things'
Tinignan ko naman si Aliviyah
'Meddling with other people's problems really pisses me off, but I can't just leave this Crybaby crying for my help'
BINABASA MO ANG
Behind This Glasses
RomanceBehind This Glasses [BTG SERIES #1](ON-GOING)a Tagalog story of a girl name Aliviyah Reign who always experience bullying since she was young. And the reason is her physical appearance, they called Aliviyah ugly because of her non-trendy clothes, pi...