- Performance
Aliviyah's POV
-Time Skip -
TUESDAY Agad!
RECESS
Nasa Lux Capis kami ngayong Lima kung saan ang tambayan ng ilang estudyante, sobrang presko dito kaya na enjoy naming lima ang pagkain ng doughnuts
"Sayang hindi namin mapapanood yung performance niyo ni Blaise sa Club mamaya!" reklamo ni Ange dahil gustong gusto niya talagang panoorin kami ni Blaise mag perform, kahapon nga gusto niya akong pakantahin pero umaayaw ako dahil nakakahiya pano ba naman pinapakanta niya ako sa Canteen nung lunch namin kahapon
"Agree ako diyan dzai, may kaniya kaniya kasi tayong club eh!" reklamo din ni Sam
"Good luck mamaya Ali" nakangiting sambit naman ni Vinn at ngumiti naman ako
"Salamat" nakangiting ring ani ko, pangitingiti lang ako pero sa loob loob kinakabahan ako sa pwedeng mangyari mamaya dahil malay mo pumalpak kami edi nakakahiya, pano kasi wala kaming naging maayos na practice kaya hindi ko sure kung magiging maganda ang kalalabasan ng performance namin
Nakaramdam naman ako na may kumalabit saakin mula sa likod ko kaya lumingon ako agad sa likod at nakita ko naman si Travis
"H-Hi Ali" kinakabahang bati niya pa at ngumiti naman ako at tumayo saka humarap sakaniya
"Hello kamusta?" nakangiting ring ani ko
"G-Gusto ko sanang sabihin na goodluck sa performance mo mamaya" nahihiyang ani pa niya at Nagtaka naman ako kung paano niya nalaman na may performance kami mamaya sa GIC
"A-Ahh salamat" napaka mot pa sa batok na sambit ko at aalis na dapat siya pero pinigilan ko siya dahil hindi pa ako nakakapag sabi ng thank you about dun sa macarons na ibinigay niya saakin "Salamat din doon sa Macarons" nakangiting ani kopa at ngumiti din siya at nag paalam saamin at umalis
"Hmm i think may gusto talaga sayo si Travis Ali" sambit pa ni Sam pero pinag walang bahala ko iyon dahil malay mo kaya ganon siya ay talagang nag papa salamat siya saakin about doon sa nangyari sakanila ni Jamie
"I think so too" sambit naman ni Vinn
"Ako din dahil hindi ka naman bibigyan ng sandamakmak na Macarons ni Travis kung wala siyang patingin sayo" ani naman ni Ange at napa isip naman ako
Doon ko lang naalala about doon sa letter na nakadikit sa takip nung Macarons at ang nakalagay lang naman doon ay simpleng pasa salamat lamang niya about doon sa pag tanggol ko sakanya mula kay Jamie
Yun lang naman so wala namang issue about doon
Bumalik na kami sa kanyakanya naming classroom dahil malapit ng mag time, nakinig akong mabuti sa mga susunod na mga subject teachers at nag take down notes sa mga review keywords na binibigay ng bawat teachers
Dahil kakailanganin ko ito pag nag review ako para sa 1st quarter exam next week
**********
Lunch na at ako lamang mag-isa ang lalabas ngayon dahil nag chat kanina sina Ange, Sam, at Vinn sa groupchat namin at ang sinabi nila ay hindi sila makakasabay sa Lunch dahil may nangyaring gulo daw sa classroom nila at nagalit yung adviser nila kaya late sila pag l-lunch
Diba parang High school lang? Kahit ba naman sa senior High may gumagawa parin pala ng ganon
Si Lia naman ay tatapusin niya daw yung assignment niya na hindi niya daw natapos sa bahay kaya alangan pilitin ko siya na sumama kaya bibilhan ko nalang siya ng pagkain at dito nalang din ako sa loob ng classroom kakain pagbalik ko
BINABASA MO ANG
Behind This Glasses
רומנטיקהBehind This Glasses [BTG SERIES #1](ON-GOING)a Tagalog story of a girl name Aliviyah Reign who always experience bullying since she was young. And the reason is her physical appearance, they called Aliviyah ugly because of her non-trendy clothes, pi...