- Disgusting
Aliviyah's POV
'Why are you here?'
Napahakbang pa ako ng onti patalikod at siya naman ay tanging nakatitig saakin, hindi ko alam kung tanda niya ba ang itsura ko dahil wala siyang ka react-react manlang
Bakit ba kasi kailangang makita pa ulit kita?
"Ralph dito!" sigaw nung isa naming customer at itinaas naman ni Ralph ang kaniyang kamay at senenyasan sila ng 'Wait' na senyas
Nakaramdam naman ako ng pagkhawak ng kung sino sa aking kamay at walang kaalam-alam na hinatak ako nito pababa patungong dressing room at pagkatapos ng makarating kami ay isinandal ako nung taong humatak saakin kaya napaharap ako sakanya at kita ko naman ang nakakunot ang kilay na si Ange sa harap ko
"Stay here after you wash up and come upstairs when i said so" seryoso ng ani pa niya at nagtatakang nagtinginan naman saamin sina Lia, Zenith, Val, at Genna dahil kakaiba ang kinikilos naming dalawa
Batid kong inilalayo niya ako kay Ralph kaya niya ginawa yon
Bakit kasi sa dinamidami ng pwedeng puntahan na Café dito pa talaga sa pinagtratrabahuhan namin nina Ange at Lia
Pilit na ngumiti ako at ipinatong ang kamay sa balikat ni Ange
"I'm fine" tipid na sambit ko pa sakanya at akmang magsaslaita na sana siya muli ng marahan ko siyang tinulak papalayo at binuksan yung locker ko at kinuha ang uniform ko na Maid Costume at senenyasan siya na maliligo na ako
Bale may dalawang shower rooms dito sa dressing ng Girls at meron din sa boys
Pumasok na ako sa shower at isinara at nilock ang glass na pintuan at sumandal dito
'I will never like a girl like you!'
Napahawak ako sa bibig at pilit na pinigilang umiyak, binuksan ko pa yung shower at malakas ang tubig na ibinabagsak nito kaya Batid kong hindi rinig kung sakaling umiyak man ako ng tuluyan
Inalala ko ang tila slowmotion na pagkikita namin kanina na talagang hindi mo inaasahan at hindi mo malaman ang dahilan kung bakit siya nandito or kung paano siya nakapunta dito eh ang layo-layo ng home town namin
Pumasok sa isip ko ang pagpasok niya ng pintuan kanina at kung paano ko idescribe lahat ng naalala ko sakanya at napapikit
'Tanda ko parin ang lahat ng nagustuhan ko sakanya'
Sinong hindi makakatanda eh halos palagi ko siyang sinusundan kung pauwi na siya tapos titignan ko siya palagi kapag dumadaan siya sa hallway namin
Kaya yung tangkad
Labi
O ilong paman yan
Kilalang kilala ko siya
At
Gusto ko na itong kalimutan...
Okay na ako nitong mga nakaraang araw maliban nung araw na nakausap ko siya pero ipisinantabi ko iyon kasi sure akong hindi na kami magkikita dahil ako nag aaral na sa HU habang siya ay hindi ko alam
Kaya kampante ako na hindi na kami magkikitang dalawa kaso hindi eh nagkita kami dito pa talaga sa pinagtratrabahuhan namin nina Lia at Ange
Okay na din sana kahit si Jamie nalang yung makasalamuha or makita ko kaso.... Bakit pati si Ralph pa?
Bakit yung isang taong minahal ko kahit hindi manlang niya ako masyadong kilala, o bakit pa yung taong lubos akong sinaktan nung araw na mag graduation pa?
BINABASA MO ANG
Behind This Glasses
Storie d'amoreBehind This Glasses [BTG SERIES #1](ON-GOING)a Tagalog story of a girl name Aliviyah Reign who always experience bullying since she was young. And the reason is her physical appearance, they called Aliviyah ugly because of her non-trendy clothes, pi...