- Unsuccessful Practice
Aliviyah's POV
-Time Skip-
SATURDAY
*Knock* *Knock* Knock*
"Bukas yan!" sigaw ko pa habangzinizipper ang pantalon ko at narinig ko pang bumukas ang pintuan
"Anjan na yung manliligaw mo" nanga asar pang ani ni Ange at humarap naman ako sakanya
"Naghihintay na siya sa baba" nanga asar ding ani ni Lia at mabilis naman akong lumapit sakanila at pinagpapalo
"Tumigil nga kayong dalawa kaka asar saakin, Hindi nga kami mag d-date! Kaya itigil niyo na ang trip niyong yan!" sambit ko pa at natawa naman sila parehas at marahan ko pa silang tinulak papalabas at sinara ang pinto
Huminga pa ako ng malalim at umiling
Ang aga naman ni Blaise?
12:53 PM palang
Kinuha ko pa ang bag ko at saka lumabas mula sa kwarto at bumaba, nakita ko pa si Blaise na umiinom ng kape sa salas, nilapitan ko naman siya at mukhang hindi niya ata napansin ang presensya ko dahil hindi siya na lingon saakin dahil nanonood siya ng TV habang nagkakape
Lumapit pa ako sakanya at kinalabit ang kaniyang balikat habang nakatalikod siya saakin, humarap siya at ngumiti
"Are you done?" tanong niya pa
"O-Oo" nahihiya ng ani ko pa, tumayo naman siya at tumingin pa muna ako sa dining area kung nasaan sina Lia at Ange ngayon na mukhang pinapakinggan pa ata ang aming pinaguusapan
Hays eto talagang dalawang to oh
"Una na kami initin niyo nalang yung niluto ko kagabi!" paalam ko pa
"Oo ma!" biro pa ni Ange at natawa naman sina Lia at Blaise
Lumabas na kami ng bahay at gamit ang kotse ni Blaise ay umalis na kami,kasalukuyang tahimik kaming dalawa habang nasa loob parin ng kotse, medyo malayo ang kanilang bahay dahil lagpas na kami ng mall, plaza, at HU wala parin kami sakanila
Maya-Maya pa ay naramdaman ko sa sling bag ko ang pag vibrate ng cellphone ko at ng tignan ko ito ay nag mula ito sa Group chat naming Lima nina Ange, Sam, Vinn, at Lia
Napangisi pa ako at umiling dahil sa mga pang aasar nitong mga ito
BINABASA MO ANG
Behind This Glasses
Любовные романыBehind This Glasses [BTG SERIES #1](ON-GOING)a Tagalog story of a girl name Aliviyah Reign who always experience bullying since she was young. And the reason is her physical appearance, they called Aliviyah ugly because of her non-trendy clothes, pi...