Yumi POV
"How dare you hit my sister!" galit na sigaw ni Chelsy.
Pumasok ako sa loob ng classroom at tumahimik naman ang mga kaklase ko. Nilapitan ko si Chelsy at hinawakan ang kamay niyang nakataas tingin ko ihahampas niya ito kay Angel.
"Stop it" I said in cold voice
Hinila naman ni Chelsy ang kamay nya kaya binitawan ko na.
-fast forward-
Nandito kami ngayon sa likod ng school.
"Yumi" lumingon ako
Si Angel. I smiled at her
"Gwaenchana?" I asked her
"Huh?" aish nakalimutan ko wala na pala ako sa Korea.
"I mean, are you okay?" sabi ko
"Ah oo, ahm Yumi" agaw pansin nya ulit sa akin
"Hmm?" habang Nakatingin sa may ilog.
Ilog kasi ang likod ng school namin at may malakit puno ng manga dito. Dito ako madalas tumambay, tahimik at walang gaanong pumupunta.
"Pwede ba kitang maging bestfriend?" naiilang na sabi niya.
"No" simpleng sabi ko.
I don't want to have friends. Ayoko ng magulo at maingay tss.
"Yey, bestfriend na kita!" nakangiting sabi niya at niyakap ako
Ano ulit sabi niya? Magkaibigan na kami? Diba ayoko ang sabi ko tss.
Tinignan ko sya nakangiti sya. Yung ngiti na abot hanggang tenga.
"YUMI TANGHALI NA MAY PASOK KA PA!" nagising ako sa sigaw ni mom
"Eto na po!" sabi ko saka bumangon.
Ouch! Napahawak ako sa ulo ko, ang sakit.. Ipinikit ko yung mga mata ko at saka dinilat.
Feeling ko lalagnatin ako.
Bumangon na ako at gumayak..
-school-
Hinihilot ko yung ulo ko habang naglalakad papasok sa loob ng classroom namin.
Shit di ko na talaga kaya .. Sobrang sakit na
"Ouch" mahina kong sabi
May nakabangga kasi ako.
"Sorry, nagmamadali kasi ako eh" his voice is familiar..
Iniangat ko yung ulo ko at....
"Yumi?" si Lance.
I smiled at him.
"Pasok na ako, late na ako" matamlay na sabi ko at naglakad na.
Wala ako sa mood ngayon makipag-usap dahil gusto kona makarating loob ng classroom at makapag pahinga. Ang sakit talaga ng ulo ko eh.
Buti nalang wala yung teacher namin ng first period.
Mas isang oras pa ako para matulog. Makatulog nga muna..
"Yumi" naalimpungatan ako ng may tumawag sa pangalan ko
Itinaas ko ang tingin ko at nakita ko kaklase ko.
"B-bakit?" matamlay na sabi ko
"Nandoon si Reika sa labas" sabi nito at umalis.
Tumingin ako sa labas at nandoon na nga siya.
Tumayo ako at lumabas.
"Reika" tawag pansin ko sa kanya.
Lumingon siya at ngumiti.
"I miss you Yumi" sabi niya at niyakap ako
"Pinagsasabi mo dyan? Eh last week lang magkasama tayo" naguguluhang sabi ko
"Eh paano kasi, hindi kita makontact noong weekend kaya namiss kita" sabi niya at humiwalay ng yakap sa akin.
Ah noong weekend, hindi talaga ako makokontact noon dahil pinatay ko cellphone ko..
"Wait, you look pale . Are you okay?" nag-aalala na sabi niya
"Yup, Medyo masakit lang ulo ko" sabi ko sa kanya
"Break time na, tara sa cafeteria?" aya niya sa akin.
"Sige" nakangiti kong sabi sa kanya.
Naglakad kami papuntang cafeteria..
"Yumi, dala mo cellphone mo?" tanong ni Reika
"Oo, lagi ko naman dala. Bakit?" tanong ko
"Chat mo si Lance, sabihin mo mauuna na tayo sa cafeteria" hays bakit ako pa.
Kinuha ko cellphone ko sa bulsa saka ko iniabot sa kanya.
"Ikaw na tumawag" sabi ko.
Kinuha naman niya yung cellphone ko. At nauna ng magkalad.
Napahinto kasi ako at biglang sumakit ulo ko kaya hinilot ko ulot ito at nagsimula ng maglakad.
Nilapat ko palad ko.
Shit! Ang init ko...
Pero feeling ko hindi. Pa check ko na nga lang kay Reika mamaya.

YOU ARE READING
It's Okay not to Be Okay (UNEDITED)
Teen FictionHave you ever smiled at the people around you just to hide your feelings? Have you ever cried secretly, no one knows? Have you ever made your own decision, or did someone else make the decision for yourself? Have you ever been confined to your own p...