Yumi POV
Umalis na ako sa kanila.
Ayoko kaya makasabay yung dalawa na yun baka maitapon ko sila sa basurahan.
Harsh ko ba?
Well inaamin ko tinuring silang kaibigan pero ganoon ang ginawa nila sa akin.
"Hayss" buntong hininga ko
"Sila ba?"
"Ay butiki!" halos mapatalon ako sa gulat.
"Ano ka ba naman Reika plano mo ba ako patayin?" inis na sabi ko sa kanya
"Well wala pa sa ngayon. Pero kapag hindi mo sinagot ko yung tanong ko-" hindi niya tinuloy sasabihin niya at tumingin sa akin na parang nagbabanta
"Oo sila nga" mahinang sabi ko.
"How come?" nagtatakang tanong niya
"Ewan? nagulat nalang ako ng makasalubong ko kanina si Hurley." sabi ko sa kanya
"Umiwas ka nalang, sasabihin ko na din ito kay Lance" sabi niya
"Speaking of Lance nasaan sya?" naalalang tanong ko
"I'm here" sabi nito at umupo sa upuan sa tapat namin ni Reika
"Akala ko-" Reika
"Nagtaka kasi ako sa inyo dalawa kaya sinundan ko kayo at narinig ko pinag usapan ninyo" nakangiting sabi nito
Tinignan ko sya ng 'how did you know look'
He smiled
"Kanina din narinig ko pinag usapan nyo sa park. So ngayon nabuo ka na " saad nito
"Nagugutom na ako" sabi ko
Saktong may dumating na pagkain.
"Inorder ko na yan kanina" Lance
"Wow laging handa" Reika
"Yumi" tawag sa akin ni Lance
"Hmm?" sabi ko habang tuloy pa din sa pagkain ko
Nagtaka ako kung bakit hindi sila nagsasalita kaya naman inangat yung ulo ko
Nakatingin sila sa may likod ko kaya tumingin na din ako
Sila Hurley, Aster, Kyle at Vince nasa isang table malapit sa amin.
"Don't mind them Yumi, remember kami ang kaibigan ko" sabi ni Reika
Ibinalik ko yung tingin ko kayla Reika
Nakangiti sya sa akin kaya ngumiti ako pabalik.
"Yumi gusto mo sipain ko sila papunta sa school?" Lance
"Hahaha baliw ka talaga Lance" natatawang sabi ko
"See tumawa ka din" proud na sabi niya
Binatukan sya ni Reika
"Ano ba kayo, kumain na nga lang tayo malapit na yung oras ng klase" sabi ko sa kanila at tinuloy ung pagkain ko.
Tumahimik na din sila sa wakas.
Mga baliw talaga tss.
"Yumi" Lance
"Ano na naman" sabi ko
"I have something to tell you" nag angat ako ng tingin at nakita ko sya na seryoso
"Wait don't tell me may feeling kay Yumi? OH MY GOD!" sabi ni Reika na may patakip bibig niya
"Ouch!" Reika
Ayon at binatukan siya ni Lance
"Yan kung ano ano kasi iniisip mo eh" sabi ko sa kanya
"Tama na nga yan, Ano ba sasabihin mo?" tanong ko kay Lance
"Kaklase ko silang apat" seryosong sabi niya
"Huh? Apat?" nagtatakang tanong ko
Tinuro nya yung apat sa likod ko.
Ah sila Aster lang pala--
What?!
Kaklase niya sila Aster?
"Okay lang haha" sabi ko
"Are you sure Yumi" nag aalalang tanong ni Reika
"Oo naman, isa pa hindi naman ako pumupunta sa classroom nila Lance eh" sabi ko at ngumiti.
"Time na let's go na classroom natin" sabi ni Reika at nauna ng tumayo
Tumayo na din kami ni Lance
"Mauna na ako sa inyo, mamaya nalang ulit uwian" sabi ni Reika at niyakap ako
Tumango lang ako at ngumiti sa kanya.
"Let's go? hatid na kita" sabi niya
Tumango nalang ako at naglakad na kami palabas ng cafeteria.
YOU ARE READING
It's Okay not to Be Okay (UNEDITED)
Fiksi RemajaHave you ever smiled at the people around you just to hide your feelings? Have you ever cried secretly, no one knows? Have you ever made your own decision, or did someone else make the decision for yourself? Have you ever been confined to your own p...