t w e n t y f o u r [ 2 ]

79 5 0
                                        

Yohan's POV

Nakita ko si Hyeongjun na tumakbo papalabas ng parking lot at umiiyak siya magang maga ang mata niya pero hindi niya ako nakita,

"That's Hyeongjun right?" Tanong sakin ni Junho at tumango lang ako sa kanya "hope he's fine" Dagdag pang sabi sakin ni Junho,

Malalim ang iniisip ko dahil nag aalala ako sa kanya dahil kanina ay halata sa kanya na may problema siya dahil humihingi siya ng tawad sakin ngayon naman ay umiiyak siya don't tell me!,

"Yohan!" Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay nagulat ako kay Junho,

"Oyyy bakit?" tanong ko sa kanya,

"Tinatanong kita kung anong flavor ng ice cream gusto mo?" Sabi niya sakin,

"Ahh chocolate" Kailangan kong malaman kung bakit malungkot si Junii,

*・゚゚・*:.。..。.:*゚:*:✼✿  

Tumunog na ang bell hudyat na break time na kaya naman agad akong pumunta sa upuan ni Junii at kinuha ko ang kamay niya at hinila ko siya papunta sa rooftop ng school namin,

"Aray Yohan san ba tayo pupunta?" Tanong sakin ni Junii pero hindi ko padin siya binibitawan,makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa rooftop,

Binuksan ko ang pinto at sinara ito ng makalabas na kami sa rooftop"Anong problema mo? Alam kong may problema ka sabihin mo sakin" Tanong ko sa kanya,

"Wala akong problema ano bang sinasabi mo?"papasok na sana siya ng pigilan ko siya,

"Niloko ka niya no?" At napalingon siya sa akin,

"Ano bang sinasabi mo? Hindi niya ako niloko kaya please bitawan mona ako"

"Hanggang dito pinag tatanggol mopa den siya? Kailan moba tatanggapin sa sarili mo na hindi ka niya gusto!"

"Bakit ba concern na concern ka sakin?"

"KASI GUSTO KITA JUNII! GUSTONG GUSTO KITA!"

"Pero hindi moyon makita dahil masyado mong gusto yang Hangyul sunbae mo nayan,ni minsan hindi mo maramdaman na gusto kita"

"Gusto kita matagal na pero hindi ko sinasabi sayo dahil alam kong kaibigan lang naman ang tingin mo sakin alam mobang sobrang nasasaktan ako kapag lagi mo siyang binabanggit kahit ako yang nasa tabi mo sobrang sakit kasi hanggang kaibigan lang tingin mo sakin,"
Nararamdaman ko nang tumutulo ang mga luha ko,

"Hanggang ngayon kahit iwasan kita ikaw padin laman nito pero sa tingin ko patuloy ka pading mag papakatanga,sana mahalin ka niya yun lang naman gusto ko"
At ngumiti ako kahit sobrang sakit na ng nararamdaman ko,

Pagkatapos non ay pumasok nako sa loob at iniwan kona siya.

*・゚゚・*:.。..。.:*゚:*:✼✿  

End of chapter twenty four

Hey gusy sorry for not updating for so long sobrang busy ko kasi sa modules sorry talaga babawi nalang ako,hope you guys are okay and always stay safe love you all.

𝙈𝙮 𝙎𝙩𝙚𝙥𝙗𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧 (𝘚𝘦𝘶𝘯𝘨𝘱𝘺𝘰) [ 𝐄𝐝𝐢𝐭𝐞𝐝 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon